26- Training and Attack

17 4 0
                                    

(3rd Person POV)

Sa opisina nang Mayor ay tahimik na nagkakatinginan ang Bloodlust at ang Mayor. Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang di nila inaasahang pagkamatay ng kanilang mga kasama. Si Roger at Michael.

Ang bawat isa sa kanila ay may hawak hawak na mataas na uri ng mga baril na parang handa handa nang sumugod sa gyera.

"I can't let you go out Bloodlust. Let's wait for the Wanted Assassins to move. Can't you see? They are in silence as of now. We need an accurate plan too" saad ng mayor na ikinasimangot ni Drake at ng iba pa.

"We need to avenge their death and we don't need those assassins to do that" malamig na sagot nito.

Huminga nang malalim si Mayor at tumayo sa kinauupuan nito. "I can't let you go if you don't calm yourselves. I don't want another Bloodlust to be killed. Now my order is to compose your selves and train in our training room!" Umalis si Mayor sa opisina nito at iniwan ang Bloodlust doon na nakatayo pa din.

Huminga nang malalim si Drake at hinarap ang mga kasama. "1 week is enought. Let's train harder and after a week, we will get our revenge" umalis din ito at dumeretso na sa training room kasunod ang iba pa.

Samantala abala sina Shadow at ang iba pa sa pagsasanay sa tulong na din ng mga pinuno ng bawat clan. Ginagabayan sila at tinuturuan ng mabuti sa bawat larangan.

Si Shadow na pilit iniinsayo ang isang malaking espada. Sa laki nito ay mapapansin din ang bigat nito ngunit parang wala lamang ito kung iwasiwas ni Shadow sa hangin ang sandata dahil na din sa kapangyarihan ni Runo nang Warrior Clan.

Si Kris naman na nababalutan ng puting liwanag ang katawan habang sumusuntok at sumisipa sa ere. Mabibigay ang bawat atake nito na naging sanhi nang pagbitak ng sahig na inaapakan niya. Ito ang kapangyarihan ng pinuno nang Brawl Clan na si Hylos.

Pilit namang pinapalabas ni Sniper ang buong hugis na pana na gawa sa enerhiya. Nakakaioang ulit na siya ngunit sa tuwing malapit ng mabuo ito ay bigla itong naglalaho. Ang disenyo ng pana maging ang lakas nito ay mismong gawa sa kapangyarihan ni Luna nang Archer Clan.

Buhat buhat ni Jude ang malaking maso at winawasiwas ito sa hangin. Ang masong gamit ni Felix. Samantalang nagmumuni muni lamang si Trisha dahil ayon kay Sherra, ang pagmumuni ay nakakagaan ng loob, nakakakalma, nakakalinis ng isipan kung saan mas nagiging malakas at epektibo ang kanilang panggagamot. Tungkol naman sa elemento ay inirekomenda at tinuro ni Sherra ang pangunahing elemento, iyon ay ang elemento ng kalikasan na kung saan mas mapapalakas nito at magiging epektibo at mabilis ang panggagamot.

Tanging sila lamang ang nasa loob ng pinag-eensayuhan. Nananatiling pribado ang mga pangyayaring ito na tanging sila lamang ang nakakaalam. Maging si Hanzo at Zage ay walang kaalam-alam tungkol dito.

Maya maya pa ay tumigil si Kris sa pag-ensayo at dinukot ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon na soot. Tinignan nito ang caller at si Miss Samantha ang tumatawag o si Madame.

"Madame?" Sabi nito matapos pindutin ang phone.

"A#001, Get ready. 1 hour from now the goods will be in Division 10 port." Miss Samantha said.

"Copy" after Kris told that ay binaba na nito ang tawag. Pumalakpak ito nang tatlong beses kaya nakuha nito ang atensyon ni Jude at Trisha ngunit sumingkit ang mga mata nito dahil parang walang narinig sina Sniper at Shadow at patuloy pa din sa pag-eensayo.

"Hyah! Hyah!" Sigaw ni Shadow habang winawasiwas ang sandata ngunit naramdaman nitong may nakatingin ng masama sa kanya kaya tinignan niya kung saan nanggagaling ang tingin na ito. Nakita nitong nakasimangot na nakatingin sa kanya si Kris na ipinagtaka naman nito.

"Guys, Company Call. Ganoon ang sign ni Kris sa pagtawag sa atin" Trisha said kaya napatigil ang dalawa at humakbang papalapit sa kanila.

"Oh sorry di kami na orient haha" shadow giggled.

"What's up?" Seryoso namang bungad ni Sniper. Medyo mainit din ang ulo niya dahil hindi niya pa nagagawang kontrolin ang sandata niya.

"We will go to Division 10 now. I'll expect you at garage after 5mins" sabi nito at tumalikod na at umalis.

"Hindi ako sasama Kris ah, masakit kataw.." Napahinto si Shadow sa pagsasalita dahil tinitigan ito ni Kris ng masama.

"Sabi ko nga sasama ako" kamot ulong sabi ni Shadow.

"Hahahaha. Nadadala ka din pala sa tingin huh?" Pang-aasar ni Sniper na inikutan lang ng mga mata ni Shadow.

Kasalukuyang bumabyahe gamit ang isang Van sina Kris at iba pa. Malapit lapit na din sila sa Division 10. Hawak hawak ng bawat isa ang kanilang mga baril maliban kay Shadow na katana ang hawak.

Sa tuluyang pagpapahiram ng kakayahan ng bawat pinuno sa kanila ay mas lalong naging malakas ang kanilang pandama. Nakikita din nila ang iilang kaluluwa ng mga halimaw na naglilibot sa paligid. Hindi rin sila nabahala dahil kusang lumalayo ang mga ito kapag nilalapitan nila na para bang takot na takot.

Nakarating sila sa Port ng Division 10 ng matiwasay. Doon ay nakita nila ang isang malaking barko habang may guwardiya na nakatayo sa tapat ng barko na parang hinihintay sila.

Isa itong amerikano na galing sa kabilang siyudad.
"The goods that we delivered are for the Mayor and Vice since they're are only the leaders who left in this City." Mariimg sabi ng guard.

"We're here to get the goods for the vice." Sabi ni Kris at pinakita ang sign na isang papel galing kay Miss Samantha. Tinanggap at tinignan ito ng guard, nang kompirmadong sa Vice nga ito ay tumango ito ginabayan sila Kris papasok sa barko.

Ngunit bago pa man makakilos ang lahat ay nagkaroon ng mahinang paglindol hanggang sa lumakas ito nang lumakas. Naririnig nila ang hakbang ng isang animo'y isang higante.

Nilingon nilang lahat at tinutok ang armas sa kanilang likuran kung saan naroroon ang kagubatan. Nakita nila si Zage at Hanzo na tumatakbo nang mabilis papunta sa kinaroroonan nila.

"Halimaw!!! May isang higanteng halimaw!!!" Malakas na sigaw Zage habang tumatakbo at ang isang kamay ay nakaturo sa likuran nito.

Nang makarating sila sa kinaroroonan ng kanilang kasama ay napahawak sila sa kanilang mga tuhod at hinihingal. "Bat kayo nandito?" Tanong ni Shadow.

"Pinasunod kami ng pinsan mo dito dahil may nakasunod sa inyong halimaw!" Hingal na sagot ni Zage.

Samantalang si Hanzo ay tinutok ang kanyang braso na ngayon ay isang bazooka na. Nagpakawala ito ng atake at tungo sa halimaw na nasa malayo pa. Isang malakas na pagsabog ang naganap, nagsitapon ang iilang mga puno at nagkaroon ng usok sa paligid.

Ang ilang guwardiya naman na nasa loob ng barko ay nagmadaling lumabas at tinutok din ang kanilang mga baril.

Sa pagkawala nang usok ay ang paglitaw ng sunod sunod na mga puno tungo sa kanilang direksyon kaya kanya kanya sila ng talon at iwas upang hindi mapinsala.

Tumalon ng mataas si Sniper at gamit ang kanyang baril mula sa ere ay itinutok niya ito sa halimaw. Nagulat ito dahil isa itong kalansay na sobrang laki!

Kapansin pansin na wala na ang isa nitong braso marahil sa ginawang pag atake ni Hanzo ngunit hindi pa rin dapat ito baliwalain.

"What is it this time!" Gigil na sabi ni Shadow at mabilis na tumakbo papunta sa halimaw bitbit ang kanyang katana.

"Everyone find a safe place, we will handle this" Jude said to all the guards. "Hanzo and Zage, bantayan niyo sila" dugtong pa nito at mabilis naman na tumango ang dalawa.

Nagkatinginan sina Hanzo at Zage dahil pareho silang nagulat sa nasaksihan nila. Sa isang iglap lamang ay nawala sa kinatatayuan nila ang lima.

"Are they monsters too?" May takot na sabi ng isang guard.

Ngumisi si Zage dahil nakita nito kung paano tumalon ng pagkataas-taas si Shadow at inatake ang halimaw. "I guess they are" tugon nito at tinignan ang guwardiyang nagtanong. "But they are our allies" ngisi nito pagkatapos sambitin iyon.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now