32. The Underworld King

23 3 0
                                    

(Trisha POV)

Nakatulala pa din kami sa nangyari habang si Sniper ay nakaluhod at nakayukong tahimik na umiiyak habang si Shadow ay nakatulala pa din sa dagat habang tumutulo ang luha. Seeing them in this state makes me want to cry too pero tinatagan ko ang aking sarili.

Hindi namin alam kung may nakaligtas ba sa pagsabog na nangyari.

"Sh..shadow" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nakita ko si Sniper na biglang tumayo at lumusong sa dagat na nagmamadali ngunit mabilis na hinigit ni Kris ang braso nito upang pigilan.

"Let me go" sin lamig na yelo ang boses nito.

"No you can't. Look" sabi ni Kris sabay turo sa isang bolang usok na lumulutang pataas. Lahat kaming lima ay napatingin dito.

"What is that?" Jude asked. Ngunit wala din kaming maisagot. Biglang lumabas sa katawan ko si Sherra maging ang iba pang spirit at sila ay seryosong nakatingin sa lumulutang na usok.

"Ang Underworld King" malamig na sabi ni Sherra.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang usok hanggang sa tuluyan itong mawala at doon ay lumubas ang isang nilalang. Teka?

"Mayor?" Jude said.

Tama, si Mayor Ruel ay kasalukuyang nakalutang sa ere. Malapad itong nakangisi sa amin at kakaiba din ang kulay ng mga mata nito. Ito ay purong itim.

"Hindi na siya ang dating siya. Ang underworld King ay tuluyan ng sinakop ang kanyang pagkatao" seryosong sabi ni Luna.

"Maghanda kayo at huwag maliitin ang kakayahan niya" dugtong naman ni Felix.

"Hahahahaha! Hahahahaha! Sa wakas nagpakita na din kayo mga hangal! Oras na para ipagpatuloy ang digmaan na sinimulan ko noon, sisiguraduhin kong sa pagkakataon na ito ay tuluyan ng maglalaho ang inyong lahi sa mundong ito maging sa magiging mundo ko!" Kinilabutan ako sa lalim ng boses nito.

"Ikaw" napalingon kami kay Shadow na ngayon ay nakayuko pa din habang hinuhugot ang kanyang katana sa likod. Nakakakilabot din ang malamig nitong boses.

"Ikaw ang tuluyang maglalaho ngayong araw, sisiguraduhin kong walang kahit katiting na bakas mo ang maiiwan sa mundong ito" matapos nitong sabihin iyon ay mabilis na pumasok si Runo sa katawan niya.

Pumadyak sa lupa si Shadow at tumalon ng mataas, kapansin pansin nag nagliliwanag itong katana. Buong lakad niya itong winasiwas na pagmumukha ng underworld king ngunit gamit lamang ng isang kamay ay sinalo niya ito at walang kahirap hirap na dinurog saka mabilis na umikot at binigyan ng sipa sa simura si Shadow dahilan upang tumilapon ito.

"Shadow!!!!" Sniper shouted.

"Kayo na ang bahala, ibibigay namin ang lahat ng mayroon kami upang matulongan kayo. Kailangan ng magwakas ng kaguluhan na ito" Sabi ni Sherra at mabilis na pumasok sa katawan ko. Nakaramdam kaagad ako ng kakaiba sa aking katawan.

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang isuko sa akin ang limang iyan at hahayaan kong mabuhay kayong mga mortal" Nakangising sabi ng underworld king.

"You wish!" Sniper said at mabilis na pinaulanan ng mga palaso ang underworld king. Kaya naman ay kumilos na din ako.

Isa sa mga kayahan ni Sherra ay komontrol ng mga elemento ngunit tanging elemento lamang ng kalikasan ang tangi kong kayang gamitin. Gamit ang mga ugat ng mga puno sa likod ko ay pinasalakay ko ito papunta sa underworld king na kasalukuyang iniiwasan ang mga palaso ni Sniper.

Patuloy ito sa pagpapa-ulan ng mga palaso kaya naman ay hindi nito napansing ang maliliit na ugat na ngayon ay nakagapos na sa kanyang magkabilang paa. Buong lakas ko itong inihampas sa buhangin.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now