25. The Leaders

13 3 0
                                    

A/N: Sorry for the wait!! Being a choreographer got me busy as well as my final thesis!! I'm trying my best to make it up to you guys. 😘😘

---

(Shadow POV)

Kasalukuyang sinusuri ko ang nilalang na nakaluhod sa akin. Ilang araw ko na siyang nakikita sa panaginip ko pero ngayon ko lang siya nakita na gising ako.

Sinampal sampal ko ang magkabilang pisngi ko kung totoo bang gising ang diwa ko at napagtanto kong totoo dahil sa naramdaman ko ang sakit mula dito.

"Sino ka?" Mahinang tanong ko, sapat na para marinig niya.

Tumingala siya sa akin at tinignan ako nang may halong pagsisisi na ipinagtaka ko.

"Ako si Runo, ang pinuno nang Warrior Clan." Napakagiting ng pagkakasabi nito na ikinataas ng kaliwang kilay ko.

"Adik ka ba? Lakas ng amats mo ah" Pagbibiro ko ngunit ayun sa ekspresyon niya ay parang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

Huminga ako nang malalim at pumunta sa pinto ng kwarto ko at nilock ito bago pumunta sa mini salas ko at umupo. Inaya ko din siyang umupo sa upuan na nasa harap ko habang nasa gitna namin ang isang maliit na glass table.

"Ngayon, ipaliwanag mo sa akin ang lahat lahat." Maikling sabi ko, marami akong dapat itanong at baka ito na ang hinihintay kong pagkakataon para malaman ang mga sagot sa mga katanungan ko.

Napansin ko ang paghinga niya nang malalim at nagsimulang magkwento kaya naman ay tinuon ko ang buo kong atensyon sa kanya.

"Ilang buwan na ang nakakalipas sa aming mundong pinagmulan, isang digmaan ang nangyari dahil sa pagsakop. Nais sakupin ng Underworld King ang aming mundong pinagmulan. Natalo kami sa digmaan at lahat ng aming mga kasapi ay napaslang sa digmaan, ngunit nagawa ko at kasama ang iba pang pinuno nang iba't-ibang Clan na makaligtas sa kamatayan. Iniwan namin ang aming mundo pansamantala at babalik kaming muli para maghiganti! " mariin nitong sabi. Nakita ko din ang paghigpit ng hawak niya sa hawakan ng kanyang sandata.

Napakunot ng noo ko dahil wala akong ideya sa mga sinasabi niya. Ibang mundo? Underworld King? Parang nabasa naman nito na nagugulohan ako kaya naman ay muli itong nagsalita.

"Sa aming pagtakas mula sa kamatayan ay napadpad kami sa mundong ito, malaki ang aming kasalanan sa inyo. Dahil sa amin ay nagkakagulo ang inyong mundo. Nasundan kami ng underworld king dito at siya ang may kagagawan ng lahat ng ito."

Muli siyang lumuhod sa harap ko at bahayang yumuko. Damang dama ko ang kanyang pagsisisi dahil sila ang dahilan kong bakit naging ganito ang aming lugar.

"Patawarin niyo kami, hindi namin inaasahan ito. Nais lamang namin na magpalakas muli at bumalik sa aming mundo upang bawiin ang sa amin."

Huminga ako nang malalim at tinignan siya ng seryoso. "Tama ka, walang may gusto nang nangyari. Biktima lamang kayo maging kami nang Underworld King na sinasabi mo. Ngunit nais ko at nang mga kasama ko na muling ibalik sa dati ang aming mundo" wala akong karapatang sisihin siya at ang mga kasama niya. Maging sila ay nawalan ng mundong tinitirahan.

Muli siyang umupo at tinignan akong muli. "Noon ang plano lamang namin ay bawiin ang aming lakas at bumalik ngunit napagtanto ko, simula nang namalagi ako sa iyong katawan ay mas dumoble ang pangkalahatang lakas ko na iyong nagagamit sa pakikipaglaban mula sa mga halimaw. Isa akong pinuno nang Warrior clan ngunit handa akong ibaba ang aking dangal. Nais kong hingiin ang iyong tulong maging ang iyong mga kasama upang tapusin ang kasamaan ng Underworld King"

Tumahimik ako at nag-isip. Kaya pala ang lakas ko at may nagagawa na hindi nagagawa nang normal na tao, dahil pala iyon sa kanya. Ibig sabihin maging si Sniper, Jude, Kris and Trisha, may nakatira din sa kanilang katawan. Tumayo ako at lumabas sa aking silid pagkatapos kong pinabalik si Runo sa aking katawan. Kailangan ko silang maka-usao ulit.

Una akong kumatok sa pinto ng silid ni Kris. Ilang katok pa ang ginawa ko ay nagbukas na ang pinto. Nakita ko si Kris na seryosong nakatingin sa akin. Napataas ang kilay ko dahil nakabalandra sa aking harapan ang kanyang katawan. Wala siyang damit.

"We need to talk, but please cover your ugly body" mataray kong sabi na ikinangisi niya. Marunong na siya ngumisi ngayon ah.

"Yeah, My ugly body said by your red ears" ngisi niyang sabi habang tinuturo ang tainga ko kaya napasimangot ako.

"Ambisyoso! Bilisan mo jan!" Sigaw ko at malakas na binagsak ang pinto ng kanyang kwarto. Gago yun ah!
Makaalis na nga lang. Pupuntahan ko pa ang iba!


"What is it this time?" Bored na sabi ni Sniper. Nandito kami ngayon sa aking silid. Nakapalibot kami sa mesa dito sa kusina. Seryoso ko silang tinignan at maya maya pa ay pinalabas ko si Runo sa aking katawan gamit ang pagbulong sa aking utak.

Namilog ang kanilang mata sa nasaksihan. Halatang nagulat sila sa kanilang nakikita.
"Siya si Runo, ipapaliwanag niya sa inyo ang lahat lahat para maliwanagan kayo at para makakuha nang sagot mula sa inyo" pagkatapos kong magsalita ay nilantakan ko ang pagkain sa harap ko at hinayaan silang makinig sa mga sinasabi ni Runo.

"Alam naming malaki ang aming kasalanan sa nangyari, kaya naman ay handa kaming tumulong at ibahagi ang aming kapangyarihan sa inyo. May malakas kayo na espirituwal na kapangyarihan kaya masisiguro kong magagamit niyo nang maayos ang aming kakayahan" pagtatapos ni Runo.

"Teka, kung gayon nasaan ang iba mo pang kasamahan? " tanong ni Jude.

"Nandito din sila, sa loob nang inyong katawan" pagkatapos magsalita ni Runo ay may apat na nilalang pa ang lumabas mula sa katawan nilang apat. Nagulat din sila sa mga ito maging ako. Ang apat ay nakaluhod sa kanilang harapan.

"Ang pinuno ng Brawl Clan, Si Hylos. Bihasa siya sa mano manong laban. Gamit ang natural na kapangyarihan nang kapaligiran ay kaya nitong palakasin ang kanyang bawat atake" pagpapakilala ni Runo kay Hylos. Natural lamang ang kabuohang itsura nito ngunit ang mga mata nito ay purong puti na nakakakilabot sa aking paningin. Siya ang lumabas sa katawan ni Kris.

"Ang pinuno nang Elves Clan, si Felix. Bihasa siya sa pagpapanday nang kahit anong bagay. Sila din ang pinagmumulan ng malalakas na armas at kalasag. Nay angking bilis din sila at tibay ng pangangatawan na kasing tibay ng bakal." Ito naman ay isang duwende, may hawak hawak itong maso na nakapatong sa kanyang kaliwang balikat. May balbas din ito at ang nakakatuwan ay nakangiti itong tumango sa amin. Siya ang lumabas sa katawan ni Jude.

"Ang pinuno nang Archer Clan, si Luna. Bihasa sa paggamit ng pana at sibat. Sila ay mandirigma na bihasa sa malayuang atake. Kaya nilang tanawin mula sa malayo ang isang maliit na bagay dahil da kanilang kahanga hangang paningin." Ito ay isang babae na lumabas sa katawan ni Sniper. Isa itong matapang na babae na may seryosong ekspresyon ng mga mata.

"Ang pinuno ng mga elves, si Sherra. Sila ang pangunahing manggagamot sa aming lugar. Bihasa din sila sa pagkontrol ng mga elemento gamit ang kanilang tubgkod." Isa itong fairy. May mahabang patusok na mga tainga at may hawak hawak itong tungkod na may kristal sa dulo. Ito naman ang lumabas sa katawan ni Trisha.

"Ano sa tingin niyo? Wala na din tayong magagawa. Kung gusto niyong matapos ito ay kakailanganin natin sila." Saad ni Trisha.

Nagtinginan silang lima at tumango sa isa't-isa.

"Kung gayon, ang inyong pagsasanay ay uumpisahan na natin sa lalong madaling panahon." Sabi ni Felix na ikinangisi ko.

Ngayon, sa aming paglabas muli sa lugar na ito ay sisiguraduhin kong ibang Shadow na ang haharap sa mga halimaw. Isang mas pinalakas na Shadow!

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now