34. Sealing

19 4 0
                                    

(3rd Person POV)

Mas lalong sumama ang kapaligiran dahil sa nangyayari. Nagkaroon na din ng pag-ulan kasabay nito ay ang pagkulog at kidlat. And underworld king naman ay gigil na gigil na pinaghahampas sila Shadow, Jude at Kris. Walang magawa ang tatlo upang umatake dahil mas dumoble pa ang lakas ng underworld king.

Nagpapasalamat sila dahil kahit papaano ay nagkakaroon sila ng oras upang umiwas sa mga atake dahil kay Sniper na nasa malayong distansya.

"Hinding hindi niyo ako makakaya! Isang hamak na mga mortal lamang kayo! Ako si Lusio ang kasalukuyang hari ng underworld! Ahhh!!" Malakas na sigaw nito at buong lakas na winasiwas ang espada kay Jude.

Naging mabilis ang reaksyon ni Jude at iniharang ang kanyang maso ngunit hindi nito alam na ganoon pala iyon kalakas. Tumilapon ang kanyang katawan papalayo.

Muling tumalon si Kris at gamit ang nagliliwanag na kamao ay balak nitong suntokin sa ulo si Lusio ngunit naging mabilis din si Lusio at inunahan ng sipa sa tagiliran si Kris at ito ay tumilapon din! Malalim na ang paghinga ni Shadow at pilit itong tumayo. Winasiwas nito ang kanyang espada ngunit biglang naging usok ang katawan ni Lusio at nawala sa harapan niya.

"Urgh!!!" Lahat sila ay napalingon kay Sniper na nakalutang sa ere dahil sa kasalukuyan itong sakal sakal ni Lusio.

Nabato sa kanilang kinatatayuan ang tatlo. Napatulala sila sa kanilang nakikita. Nabitawan ni Shadow ang kanyang espada at nakatulala kay Sniper. Kitang kita nito ang pagpupumiglas ni Sniper at pamumula nang mukha nito.

"Snipey!!!!!" Malakas na sigaw ni Shadow at buong bilis na tinakbo ang kinaroroonan ni Sniper.

"Shadow wait!" Sigaw ni Kris at balak sanang pigilan si Shadow ngunit tila wala itong narinig at derederetso sa pagtakbo.

Ngumisi si Lusio pagkatapos ay hinarap si Shadow na ngayon ay malapit na sa kanilang puwesto. Buong lakas niyang tinapon si Sniper sa direksyon ni Shadow. Nanlaki ang mga mata ni Shadow at mabilis na sinalo si Sniper ngunit dahil sa lakas ng pagkakabato sa kanya ay napdaing ito sa sakit dahil sa pagtama nang katawan ni Sniper sa kanya.

And dalawa ay nagpagulong gulong sa lupa hanggang sa tumama ang kanilang katawan sa isang puno nang malaking kahoy.

Mabilis na tumakbo sila Jude at Kris sa kanilang kinalalagyan.

"Shadow, Sniper?" Nakaramdam ng sobrang kaba si Kris habang tinatapik tapik ang pisngi nang dalawa.

"Argh!" Dahan dahan na minulat ni Shadow ang kanyang mga mata at ng makabawi sa nangyari ay biglang hinanap ng paningin nito si Sniper. Nakahinga ito nang maluwag ng makita nito na unti unti na din minumulat ni Sniper ang kanyang mga mata.

Makaraan pa ang ilang minuto ay biglang lumitaw sa kanilang harapan si Lusio. Seryoso itong nakatingin sa kanila. Silang apat naman ay naging alerto muli ngunit lahat sila ay kinakabahan. Nasa kani-kanilang limitasyon na sila. Tanging ang mga kapangyarihan na lamang ng mga spirits ang tumutugon ng lakas sa kani-kanilang katawan.

"Alam ko kung anong gusto niyo, kung anong kailangan niyo. Nakitaan ko nang potensyal ang bawat isa sa inyo at gamit ang aking kakarampot na kapangyarihan ay bibigyan ko kayo at kayo ay magiging aking pinakamatatag at malakas na mga kawal. Ngayon, isuko niyo sila sa akin at maging isa sa binabalak kong plano. Bilang aking magiting na mga kawal" dahan dahan na tumayo ang apat at seryosong tinignan si Lusio.

"Talaga? Alam mo kung anong gusto ko?" Gulat at hindi makapaniwala si Kris at Jude sa sinabi ni Shadow ngunit ito ay kabaliktaran ni Sniper. Ito ay nakangisi habang pinagmamasdan si Shadow.

"Oo" maikling sagot ni Lusio.

"Kaya mo bang buhayin muli ang aking pinsan? Siya na lamang ang mayroon ako" Muling sabi ni Shadow.

"Iyon ay kung papayag ka na aking magiging magiting na kawal" tila nasiyahan si Lusio sa pagbabagong nangyayari kay Shadow..

"Hey Shadow. Don't tell me?"

"What? Wala na din namang saysay kung lalabanan natin siya, at isa pa tinutugis din tayo sa mundong ito" putol ni Shadow sa pagsasalita ni Kris at muli itong humarap kay Lusio at tumango.

"Patunayan mo. Lumapit ka at lumuhod sa aking harapan at halikan ang aking paa" unti unting lumapit si Shadow kay Lusio. Kikilos na sana si Kris upang pigilan si Shadow ngunit mabilis na iniharang ni Sniper ang kanyang braso at umiling.

"Masusunod" lumunok si Shadow at dahan dahan na lumuhod sa harap ni Lusio. "Ngunit mayroon pa akong isang kahilingan" nakayuko ito sa harap ni Lusio habang nakaluhod.

"Magsalita ka aking magiging kawal" ngising sabi ni Lusio.

Tumingala si Shadow at malamig na tinitigan sa mata si Lusio. "You heart" pagkatapos nito ay mabilis na hinugot ni Shadow ang dagger na nakaipit sa kanyang likod at ubod ng lakas na hinagis sa puso ni Lusio.

"Ahhhhhhhh!!!!!"

"NGAYON NA!!!!" Buong lakas na sigaw ni Shadow at mula sa likuran ni Lusio ay lumitaw si Sherra. Nakalahad ang palad nito sa likod ni Lusio habang nakapikit at may binubulong bulong.

Nagkaroon ng animo'y nagliliwanag na sinulid at ito ay padami nang padami.

"Hindi!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Lusio.

Ang mga nagliliwanag na animo'y sinulid ay hinihila ang kaluluwa ni Lusio mula sa katawan ni Ruel hanggang sa tuluyang humiwalay ang kaluluwa niya dito. Mabilis na nabalot ang kaluluwa nito nang mga nagliliwanag na sinulid hanggang sa tuluyan na itong nabalot hanggang sa naging hugis bola ang sinulid at bumagsak sa lupa kasabay nito ay ang pagbagsak ng katawan ni Trisha.

"Trisha!!"

"Shadow!"

Magkasabay na sigaw ni Jude at Kris at sabay na pinuntahan ang dalawa. Inalalayan ni Kris na makatayo si Shadow samantalang buhat buhat ni Jude ang walang malay na si Trisha.

Tuluyang lumabas sa katawan ni Trisha si Sherra at pinulot ang bolang sinulid. Nasa loob nito ang kaluluwa Lusio.

Pumunta silang tatlo sa pinakamalapit na puno at doon ay naupo sa lilim ng puno.

"Tapos na" mahinang sabi ni Shadow. Pilit nitong pinipigilan ang luha na gusto nang kumawala sa kanyang mga mata ngunit ang pagpigil sa iyon ay nawala dahil sa isang napakahigpit na yakap mula kay Sniper na ngayon ay umiiyak.

Iniisip ng dalawa ang naging resulta, madaming buhay ang nawala ngunit magpapatuloy pa din sila sa kani-kanilang buhay. Mahirap ito para sa kanila na naiwang nabubuhay, dala-dala nila ang sakit, kalungkutan at mawalan ng mahalaga sa kanila.

Napatingala naman sa itaas si Kris at pinikit pikit ang mata samantalang inakbayan ito ni Jude at nginitian at tinanguan. Lahat sila ay napalingon kay Sherra na ngayon ay nakalutang sa harap nila.

"Maraming salamat sa inyong napakalaking tulong. Hindi ko alam kong paano namin maibabalik ang napakalaking utang na loob na ito" sabi ni Sherra at kinumpas ang kanyang kamay sa kanila.

Nakaramdam ng kaginhawaan sila Shadow. Lahat ng kanilang galos at sugat ay nawala at para bang hindi sila sumabak sa isang digmaan. Nagkaroon na din ng malay si Trisha at mabilis itong niyakap ni Jude. Isa isa na ding lumabas ang ilan pang spirits sa kanilang katawan at ngayon ay nakalutang sila sa kanilang harapan.

Ang bawat isa sa kanila ay nakayuko sa harap nila Shadow, senyales ng walang humpay na pasasalamat.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now