24- Skeleton and Warrior

17 3 0
                                    

(Dunkan POV)

Malapad akong napangiti habang pinagmamasdan ko ang bagong set up ko dito sa secret agency. Mabuti naman at may mga computers sila dito kaya madali nalang para sa akin na pasukin ang system sa bawat city. Yung iba na lang ay nasira na.

Mag-isa lang din ako sa control room na ito, dito ko na din pinili na gawing kwarto dahil hindi rin ako komportable kung makikisalamuha ako sa mga Assassins na yun. Geez!

Napalingon ako sa pinto nang narinig ko ang pagbukas nito, at doon ay pumasok ang baliw kong pinsan.

Sinuri niya ang buong kwarto ko bago ngumiting tumingin sa akin. "I just want to check if okay ka dito and it seems that you are"

Di ko mapigilang mapangisi sa kanya. "Alam mo insan, masyado kang mabait sa akin nitong mga nagdaang araw huh."

Nang marinig niya ang sinabi ko ay naglakad na ulit ito palabas ngunit bago pa niya masara ang pinto ay nagsalitang siyang muli.

"Itong nangyayari sa atin ngayon, narealize ko na sobrang importante na masiguro ang kaligtasan mo. Ikaw nalang ang pamilya ko kaya hindi kita hahayaang mapahamak."

Sabi nito bago tuluyang isara ang pinto. Nakatingin lang ako sa pinto na may nag-aalalang tingin. 'Ako nga dapat ang mag-alala dahil ikaw tong nakikipaglaban sa mga halimaw. Mag-iingat ka lagi insan'

(Drake POV)

I am seating here in the back of my car. Nikko is the one who drives. I am staring at the sky from the window's car and thinking about her.

I was a bit disappointed of myself. I already know that we are enemy but still I continue this feelings to grow. I already know that she likes someone else but I continue to fight.

I want this feelings to be gone in my body,heart and mind. I want to refresh myself that is why we are heading to airport, we are going back to America.

I look at the car in front of us, where the rest of the gang is there. Only Nikko and I are here in the car. I just can't stand their noise.

I look at the car in front of us, there's Joshua, Tobi, Autumn, Rica, Roger, Michael, Rage, and I look at Nikko who's silently driving. I just realized that I have them and that's more important than what I have feeling now.

Suddenly I heard Nikko cussed and I saw how the car in front of us roll in the round. Nikko hits the brake of the car that cause to spin in the ground.

"What happened?" I asked but then I saw a Giant Skeleton in front of us that answered my question.

"Holy shit!"

(3rd Person POV)

Nagmadaling bumaba sila Nikko at Drake sa sasakyan at agad na pinaulanan ng bala ang dambuhalang skeleton ngunit hindi man lang nito nagagawang saktan ang halimaw.

Tinakbo ni Drake ang sasakyan ng kanyang mga kasama sa di kalayuan na tumilapon dahil sa paghampas ng halimaw dito. Nag-aalala niyang tinignn ang mga kasama sa loob. Habang inaabala naman ni Nikko  ang halimaw.

Naabutan nitong gumagapang papalabas ng sasakyan si Tobi habang may duguan ang kanyang ulo.

"Tobi! Fuck!" Tarantang sabi ni Drake habang inaalalayan itong makalabas.

"He..lp them Dra...ke" kahit nasasaktan at nahihirapan ay nagawa pa ding makapagsalita ni Tobi.

Nagmadaling hinila ni Drake si Autum na pinakamalapit sa pinto, sumunod si Rage at Joshua. Umiiyak na pinagmamasdan ni Autumn ang kanilang kalagayan.

"Hurry up! We need to live this place!" Malakas na sigaw ni Nikko. Makikita din ang nagdurugong braso nito dahil sa pinsala mula sa higanting Skeleton.

Nagagawa nitong iwasan ang mga atake nito dahil sa mabagal nitong mga galaw ngunit hindi lahat ay nagagawa niyang iwasan.

Samantalang si Rage at Joshua ay kahit nanghihina ay nagawang puntahan ang driver's seat upang kunin si Roger na siyang nagmamaneho ngunit pagbukas niya nang pinto ay nanlamig at natigilan siya sa kanyang nakita.

Puno ng mga basag na salamin ang mukha ni Roger at naliligo na ito sa sariling dugo, nilipat nito ang kanyang paningin sa katabing upuan at doon ay nakita si Michael na nasa parehong sitwasyon at higit sa lahat ay ang mga ito ay wala nang buhay.

Tumabi sa kanya si Rica at doon ay napatakip nalang sa kanyang bunganga at napa-iyak dahil sa nakikita.

Hinila silang dalawa ni Drake dahil sa papunta sa direksyon nila ang halimaw. Malakas na inihampas ng halimaw ang kanyang kamao sa kinatatayuan nila Rage, Joshua at Rica ngunit agad na naka-iwas ang mga ito dahil sa hinila sila ni Drake ngunit dahil sa laki nang kamao nang Skeleton ay tumama ito sa sasakyan dahilan upang mas nayupi at nasira ito.

Mabilis na pumasok sila Drake at Nikko sa sasakyan maging ang iba pa. Nagmadaling pina-ikot ni Drake ang sasakyan at iniwan ang lugar na iyon kasama ang katawan ng kanilang dalawang kasamahan.

Tahimik ang loob ng sasakyan habang ito ay bumabyahe. Tanging ang mahinang hikbi nalang ni Autumn at Rica ang naririnig. Kapansin pansin din ang mga sugat at pinsala nila sa kanilang mga katawan.

"We can't leave this place, not until we avenge Roger and Michael's death" malamig na sabi ni Drake. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa manubela ng sasakyan.

"Get ready and heal yourselves. We will hunt some demons after!" Ani Drake at mabilis na pinatakbo ang sasakyan pabalik sa tirahan ng Mayor.

Samantalang sa isang silid sa Secret Agency ay nag tipon tipon sina Kris, Shadow, Jude, Trisha, at Sniper. Masinsinan silang nag-uusap sa kanilang mga plano at gagawin.

"May nakuha ba kayong impormasyon sa mga nilalang na yun?" Tanong ni Shadow sa mga ito ngunit  umiling ang mga ito kaya napa-isip siyang mabuti.

"Susubukan ulit natin makipag communicate sa kanila. Alam kong may kinalaman sila sa mga nangyayari. Ang paglitaw at pagpapakita nila kasabay ng paglitaw ng mga halimaw ay hindi nagkataon lang" Sniper said.

"Before that, we need to get the goods at Division 10 port. Zage and Hanzo are in another mission so we will be the one to get it" napangiwi si Shadow sa narinig dahil sa tinatamad siya.

"Ahmm ano.. Ahh Kris, dito na lang ako kase..."

"You will come" putol ni Kris at umuna nang tumayo at iniwan silang lahat doon.

"Mapagdesisyon siya no?" Sabi ni Shadow sa mga kasama kaya naman napatawa na lang ang mga ito.

Nagsibalikan sila sa kanilang mga silid. Nilock ni Shadow ang kanyang pinto at seryosong tumayo sa gitna ng kanyang silid.

"Ngayon, lumabas ka sa katawan ko at magpaliwanag. May karapatan akong malaman ang mga nangyayari!" Malamig na sabi nito.

Maya-maya pa ay nagliwanag ang kanyang katawan at ang liwanag na ito ay unti-unting nabuo sa kanyang harapan at doon ay nakita nito ang lalakeng puno nang baluti ang katawan at ang gintong kalasag nito maging ang kanyang malaking espada.

"Paumanhin" sabi ng lalake at lumuhod sa harap ni Shadow na ikinakunot ng noo nito dahil sa pagtataka.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now