12- Microchip

19 4 0
                                    


(3rd Person POV)

Samantala, sa isang madilim na lugar kung saan mayroong isang malaking palasyo, naka-upo sa trono ang isang nilalang habang nakaluhod sa kanyang harap ang kanyang kanang kamay na tauhan.

"Panginoon nakabalik na po ako galing sa mundo na iyon" sabi ng tauhan.

"Mag-ulat ka" malamig na utos ng tinawag niyang panginoon.

"Hindi ko alam kung anong mayroong hiwaga sa mundong iyon dahil ang mga ipinadalang tauhan natin doon upang hanapin ang mga pinuno ng bawat clan ay nagiging espirito. Maging ako ay naging espirito sa mundong iyon at bumalik lang sa ako sa katawan ko noong nakabalik na ako dito. Tanging pagsanib lamang sa mga mahihina ang espiritwal na lakas ang kaya naming gawin doon, ngunit hindi namin kayang saniban ang mga may malalakas na espiritwal na lakas" pagpapaliwanag ng tauhan.

"Kung ganoon, maging sila ay espirito na din o marahil ay sumanib na sila sa katawan ng mga nilalang na nandoon upang magtago mula sa atin. Hindi ko sila hahayaang mabuhay pa ng matagal. Kailangan mong maghanda at ipatawag ang lahat lahat ng aking mga kawal. Dahil sisiguradohin kong ang lugar na iyon ang kanilang magiging libingan!"

Samantala sa Hallow City. May limang pigura na animo'y mga kaluluwa ang nakalutang sa itaas ng lugar, sapat na upang makita nila ang nangyayari sa buong siyudad.

"Mahigit limandaan taon na tayong nandidito. Ngunit hindi pa sapat ang ating lakas pero ngayon ay nagawa na niyang matunton ang ating kinalalagyan." Sabi ng isa sa limang nilalang.

"Kailangan nating magmadali, kailangan nating magtago sa katawan ng isang tao. Iyon lang ang naiisip kong paraan habang tayo ay nagpapalakas"sabi ng isa.

" kung gayon, maghahanap na ako ng pagtataguan"

"Ako din, kahit na ayaw kong magtago dahil simbolo iyon ng kaduwagan ngunit hindi naman ito habang buhay. Ito ay pansamantala lamang"

"Mas maganda kung magtatago tayo sa mga taong may potensiyal at may malakas na ispiritwal na lakas. Gamit ang ating kapangyarihan ay madali lang natin iyong magagawa. "

"Hanggang sa muli nating pagkikita"

Naghiwa-hiwalay ang lima at nilibot ang buong siyudad, naghahanap ng pagtataguang katawan dahil alam nilang hindi na ligtas kung mananatili sila sa labas.

(Sniper POV)

Nagulat ako sa nadatnan namin pagdating sa ilalim ng City Hall. An underground Laboratory? Para saan? Sa mga halimaw?

Hinila ako ni Shadow papunta sa isang Stock room at may tatlong naka lab gown ang nag-aayos ng mga gamit, pero napahinto sila at napatingin sa gawi namin.

"Hello" Shadow said while waving her hand.

"Who are you?" The one asked.

Tinaas ko ang aking kamay at pinaputukan sila sa kanilang mga ulo.

"Badass!" Sabi ni Shadow at nilapitan ang isang bangkay. Hinubaran niya ito at kinuha ang lab gown at face mask nito kaya ginawa ko din ang ginawa niya.

"Cool, we look like an scientist now" she said.

"Tss. Whatever!" I said at lumabas na ng stock room at malayang nilibot ang lugar. Ngunit inunahan ako ni Shadow ng lakad kaya sumunod na ako sa kanya.

Nakaabot kami sa isang kwarto kung nasaan nadoon ang mayor ng Hallow City. So siya ang nasa likod ng Secret lab na to? Anong pinaplano niya?

"So this things is okay now?" Tanong ni Mayor sa isang naka lab gown at itong si Shadow naman ay talagang lumapit doon at tinignan ang pinag-uusapan ng dalawa. Bilib na ako sa confidence ng babaeng to!

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now