23- Imputation

19 2 1
                                    

(Shadow POV)

"I can't believe that you're Shadow, Clariss. And you is Sniper? Wow! Zage and Hanzo is here to? The Notorious assassins in many City?" Di makapaniwalang sabi ni Ms. Samantha habang tinitignan kami.

Dito na kase kami sa office niya dumeretso upang ipaalam na kung maaari ay dito muna kami mamalagi.

"This agency is intended for assassins, so feel at home." Ngiting sabi nito.

"But I will need your help, there's a food from other country ang nagdonate ng mga foods para sa Philippines at sa mga survivor so kailangan niyong puntahan ang location upang makakuha nun since di magtatagal ay mauubosan na din tayo ng stock. "

Tumango lamang kamiat si Kris na ang bahala sa mga gagawin since trabaho naman niya yun hahahha.

Matapos namin magpasalamat ay pumunta na ako sa dati kong silid. Bahala na sila mamili kung saan sila. Sinundan ako ni Snipey sa kwarto dahil alam kong makikimarites ito sa akin.

"So you knew that Kris and Jude are assassins noon nag-aaral pa tayo?" Humarap ako sa kanya na nakatayo sa gilid ng pinto.

"Hindi pa, naalala mo yung inaabangan natin sila sa kotse? At ang pagdating nila sa division 10 noon? Kaya naisip ko na part sila ng assassin  at sumali ako sa training upang malaman ang totoo. Happy?" Napangiwi siya sa sinabi ko kaya napatawa ako.

"Baliw ka talaga, kung ano anong pumapasok sa utak mong babae ka. Anyways, sasama ka ba? Susundoin ko na si Luna, nasa division 6 yung bahay ko." Pag-aalok niya. Napaisip ako, gusto ko ding bisitahin si Dunkan kaya umoo ako.

Lumabas na kami ng kwarto at dumeretso kami sa parking lot. Hiniram namin kotse ni Jude at sabi paki-ingatan daw. Tss di naman mamahalin yung kotse niya eh. Baka sampla ko sa kanya mga kotse ko.

"Saan yung headquarters mo?" Tanong ni Snipey habang nagdadrive at papalabas na kami nang parking lot.

"Madami akong HQ Snipey eh tsaka sekreto yun, pero since friend naman kita ipapaalam ko sa iyo yung isa. Sa Division 3"

Napasimangot siya nang marinig niya ang sinabi ko pero wala na din siyang sinabi.

"What's your plan now?" Deretso lang ang tingin ko sa daan. Palabas na kami ng Division 1 at masasabi kong tahimik na sa lugar na ito.

"I will try to communicate with that person, yung nagpapakita sa atin? Baka may alam sila sa nangyayaring ito."

"I will too, I just want to back our city in normal" nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kaya napangiti ako nang mapakla. 'Yeah, me too'

Pagdating namin sa division 3 kung saan naroroon ang isa sa mga HQ ko ay sinabi ko kay Snipey na iparada niya sa harap ng isang maliit na bahay. Simple lang ang bahay na ito, at di mapaghihinalaan na may HQ sa loob.

Bumaba na ako sa kotse at tahimik namang sumusunod si Snipey. Pagpasok ko sa loob ay isang tipikal na itsura nang isang bahay nakita ko. May salas at pader sa gitna, sa likod naman nito ay ang kusina. Nilibot ko ang buo kong paningin sa paligid, sinisiguro kong walang kaluluwa na naglilibot libot sa lugar.

Pumasok na ako sa nag-iisang kwarto dito at pumunta sa closet at hinawi ang mga damit na nakahanger at sa likod ng mga damit ay may nakatagong hagdan pababa. Ngumiti ako at pumasok sa loob.

"This is cool" Snipey said while roaming her eyes around. May mini arcade kase dito sa baba, billiards ang computers na pagmamay-ari ni Dunkan.

Nakita ko siyang nagluluto sa kusina kaya di ko maiwasang mapangiti dahil nakikita kong nasa maayos ang kalagayan niya.

"Hi insan" napalingon siya sa akin at binigyan din ako nang ngiti.

Dala dala niya ang isang mangkok na may noodles at naupo sa isang upuan doon sa kusina.

"Yow! Buti naman at pinasyalan moko dito, halos mapanis na ang laway ko dahil wala akong maka-usap" Dunkan said and then he started eating his noodles.

"This is awesome!" Napalingon kaming dalawa ni Dunkan kay Snipey habang tinitignan ang bawat screen ng mga computers doon.

Napansin ko din ang iba na black out na.

"What happened to those black screen?" Tanong ko habang tinuturo ang mga screen na itim.

"Nasira ang mga camera niyan na nakalagay sa ibang division dahil sa mga gulong nangyayari, ang iba naman ay nasira niyo" tumango ako sa kanya at nilapitan si Snipey na tinitignan ang bawat screens doon.

"Kaya pala andali lang sayo makakuha nang mga impormasyon, may mga mata ka pala sa lahat ng lugar dito!" Di makapaniwalang sabi nito sa akin. Well thanks to my cousin.

"Insan we will planning to move in Secret Agency. Dun muna kami mamamalagi, wanna come? Or dito ka lang?" Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya. From that alam ko na ang isasagot niya.

"I will come of course! Ayoko dito mag-isa ako lagi"

"Paano itong mga computers mo dito?" I ask him.

"Naisip ko na yan. Deactivate ko nalang mga yan tapos install nalang ako ulit doon" sabi nito at madaling nag-ayos ng mga gamit niya.

"Hindi rin siya excited no?" Bulong ni Snipey sa akin. Mas maganda na ding andun siya para naman kahit papaano ay matignan ko siya. At isa pa malaking tulong din siya kung sakali sa agency.

Nagpasiya namang umalis si Snipey para sunduin si Luna. Binigyan pa siya ni Dunkan ng tracking device para malaman namin ang magiging byahe niya.

Nang makaalis si Snipey ay umupo ako kaharap ang mga computers. Tinignan ko ang ibang cctv camera sa division 4 dahil may iilan pang nagana doon.

Dito lang ang alam kong lilipatan ng mayor na yun dahil naclear na namin ang lugar na ito. Nakita ko sa daan ang magkakasunod na mga sasakyan. Sila na siguro ito.

"Mukhang malapit sa camp ang kanilang lilipatan. But tell me kung anong naimbistigahan mo." Sabi nito habang sinusuri rin ang mga screens.

Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat, na mga kalukuwa ang may pakana. Napaisip din siya sa sinabi ko.

"You know what? May mga books akong nabasa dati about exorcism pero hindi naman ganyan ang nagiging resulta ng mga nasasapian. But still they turned into demons. I'm sure may idea ka na kung bakit sila nandito" he said seriously at tinignan ako.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Napansin ko na sa tuwing nakakasalubong ako nang mga halimaw ay hinahabol nila ang mga tao, pero ang kapwa nila halimaw ay alam nilang kakampi nila."

Tinignan ko siya ng seryoso bago nagpatuloy sa mga naiisip kong dahilan. "Maaaring may dalawang dahilan kung bakit ito nangyayari. Una ay may hinahanap sila dito, panglawa naman ay upang sakupin ang buong pilipinas pero kung balak nilang sakupin ito dapat ay may abilidad silang makapang hawa nang iba upang maging kasapi nila pero hindi. Kaya posibleng may hinahanap o sadya sila dito."

Tumango-tango si Insan na parang sang-ayon siya sa sinasabi ko. "Pero sino naman ang hinahanap nila o ang pakay nila?" Sa tanong niyang iyon ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga nilalang na nagpapakita sa aming lima. Masama ang hinala ko sa mga bagay na ito at pakiramdam ko ay may mangyayaring masama!

Hindi kaya may kinalaman o alam sila sa mga nangyayari? I really need to communicate with him. That man with armor. Simula din nung nagpakita dila ay oarang nagkaroon kai nang kapangyarihan na parang binigay talaga sa amin upang maging tulong para patayin ang mga halimaw.

"Insan?? Uyyy! Natahimik ka jan? Sabi ko nasa labas na si sniper" 

Hindi ko alam na nilamon na pala ako nang iniisip ko. Kaylangan kong maka-usap ang iba tungkol sa bagay na ito.

Lumabas na kami sa bahay at nakita sila Luna at Snipey sa loob ng sasakyan kaya pumasok na din kami at umalis sa HQ ko.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now