17- A Promise

21 3 0
                                    

(Sniper POV)

Nasa loob kami ng Van at andito ako sa gitnang bahagi nang van habang nasa harap si Hanzo katabi nito Jude na nagdadrive, katabi ko naman si Shadow and Trisha while Zage and Kris ang nasa dulo.

"Deretso na ba tayo sa Division 1?" Tanong ni Jude sa amin.

Nilibot ko ang paningin sa border ng Division 1 at 2 kung saan kami papunta. Sobrang gulo nang paligid at madaming halikaw din ang pakalat kalat sa paligid.

"You know what? Maghanap ka ng hotel, dun tayo dederetso" si Shadow na ang sumagot since wala kaming balak magsalita.

"Baliw ka ba? Nagawa mo pang maghotel?" Sabat naman ni Jude habang nagdadrive.

"Baliw ka ba? For your info, simula nung nakulong ako ay hindi pako nakakaligo, let us take a shower at makapagbihis man lang!"

"I agree" mabilis kong sabi! God!! Sa sobrang daming nangyayari ay nakalimutan ko na ang hygiene ko!

"Kris?" Jude asked Kris's permission. Tss!

"We have whole day tomorrow to do the mission so I agree too" napangiti kami ni Shadow sa isa't-isa.

"Ang aarte, mamatay din naman" rinig kong sabi ni Hanzo, tumaas ang kilay ko at magsasalita na sana kaso naunahan na ako ni Shadow.

"At least mamamatay kaming fresh hahahaha" muli akong napangiti sa sinabi niya. This girl know how to annoy a person huh.

Nakapasok na kami sa boarder ng division 1. Isa talaga ang Division 1 sa mga mayayaman pagdating sa mga buildings. Nagkalat sila paligid.

Huminto kami sa isang building which is a hotel na masasabi kong maayos pa naman. Pumarada kami mismo sa harap nito kaya hinanda ko ang baril ko na pistol while ang sniper rifle ko ay nasa likod.

I saw shadow walk outside the van while holding is katana. Naglalakad ito na parang wala lang nangyayari sa paligid. What a happy go lucky.

Dahan dahan at sabay sabay kaming pumasok sa reception are ngunit agad ni pinaputukan ni Hanzo ang halimaw na nadoon. Sa likod ng reception area ay ang magarbong restaurant at mga clothing stores.

Dahil sa putok ng baril ay mabilis na nagsitakbuhan ang mga halimaw sa amin kaya naman nagsimula na akong mag-paulan ng bala maging ang mga kasama ko.

"Go Snipey!! Wag kang magpapatalo! Lamangan mo sila sa kills! " rinig kong sigaw ni Shadow sa tabi ko since wala naman siyang dalang baril.

Hindi ko siya pinansin at sabay sabay kaming nagreload. Mayroon pang limang patakbo sa akin ngunit mabilis na namilog ang mga mata ko at napahinto sa pagreload ng baril.

Si Shadow, in just a second ay nandun na siya agad sa kalaban. Napansin ko din ang pagkabigla sa mukha niya.

"Shadow!!" I shout dahil malapit na ang bunganga ng isang halimaw sa leeg niya. Ngunit nagulat muli ako dahil sobrang bilis ng galaw niya at nakita ko na lamang ang halimaw na lumilipad na ang ulo nito. Maging ang iba ay nakangangang nakatingin sa kanya.

"This is fun!!! Wait try ko nga ulit" we heard her say that at mabilis na naglaho sa paningin namin. Nakita ko na lang ang pagbagsak ng apat na halimaw na puro wala ng ulo. Ho..w can she do that? Nilingon ko ang paligid dahil hindi ko na siya nakita.

"Amazing right!" Lahat kami ay mabilis na napalingon sa likod namin dahil nandun na siya.

"Yo.. You! What the hell are you!" Tulalang tanong ni Zage at maging si Hanzo at iba pa ay nakatulala sa kanya.

"Hoy! Hindi lang ako ang abnormal dito no! Bat di mo tanungin ang mga yan? Kaya din nila yun! She said while pointing the four of us.

" try niyo kase." Sabi niya pa.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now