Part 1

22.6K 573 143
                                    

Imaginary visual of Erinrose above☺️
Pls wag n'yo ko e judge 'di kayo chewing gum eh 😂







Erinrose POV

Tiktilaooooook tiktilaoook! Putak putak putak!! Pak!Pak!Pak putaaak!

Alas singko palang ng umaga ito agad ang naririnig ko sa bahay namin pano ba naman kasi itong alaga kong manok na si Rambo e talak na ng talak na kala mo nama'y di pa talaga ako nagising eh sa lakas ba naman ng putak ang ingaaaaayy!

"Good morning!mahal kong Rambo" sabay kuha ko dito at niyakap sabay paikot na sumasayaw, nasa likod ako ng bahay namin dahil dito nakalagay lahat ng mga alaga namin .

" Ano ba yan Rambo amoy iput ka naman eh!" sabay tapon ko dito lumipad tuloy at pumatong sa may puno ng Langka nila aleng Bebang, don't worry guys marunong naman umuwi yun hehe takot niya lang maisahog sa pancit eh!

And yes po, opo hindi po yung nanay ko ang tumatalak sa umaga hindi siya katulad ng typical na nanay na siyang gumigising sa mga anak nila na kung maka gising wagas, na pati kapit bahay ata ginising na rin sa lakas ng sigaw.

Instead ako pa yung gigising sa kanila kapag may pagkain na akong naihanda sa aming munting lamesa na gawa lamang sa kahoy pero sosyal kasi pinatungan naman yun ng gold na mantel may printa pa ng mga samot-saring prutas oh divah!

Ang nanay ko bumili ng mantel in fairness ang ganda ng taste ng nanay ko ah dami tuloy naming prutas hahaha

"Eboy gising! bumangon ka na d'yan!ihanda mo na yung Kalabaw!" Sigaw ko habang nagluluto dito sa may kusina namin na may matic na fire exit, butas kasi yung ding-ding eh hahahah di pa kasi naayos ni tatay.

"Ate gusto ko yung baon ko e balut mo sa dahon ng SAGING!AT DAMIHAN MO NG MAIS AH!" si eboy na ngayon ay pumapanik na ng hagdan pababa.

"Oo na! Sigi na ihanda mo na si Turo saka yung mga gamit ni tatay pang bukid."

Si eboy ang nakababata kong kapatid dalawa lang kami 'niyan, 19 yrs old na siya at ako naman ay 23 nag-aaral kami dito sa pam-publikong paaralan high school na si eboy at ako naman ay 3rd year college na at pareho kaming scholar ni Governor.

Araw ngayon ng sabado kaya walang pasok at magtatrabaho kami ngayon heto nga't naghahanda ako ng agahan namin.

"Naaaay,Tayyyy gising na po kayo may pagkain na'po sa hapag" malumanay Kong gising sa mga magulang ko.

"Ayy kaawaan ka ng panginoon anak" sabay hikab at nag dasal ng morning prayers niya.

"Magandang umaga rin 'ho sa inyong dalawa 'nay 'tay" nakangiti kong bati pabalik.

" Eh kay ganda nga naman talaga ng umaga kung mukha ng dalawa kong bathala ang bubungad sa'kin tuwing umaga ey" banat ni tatay na nang bola pa ng keaga_aga.

"Aba'h ito talagang tatay mo oo kung ano-ano pang pinagsasabi eh gusto lang naman niyan ng morning kiss" si Nanay naman bumanat pa ng biro eh gutom na alaga ko sa tiyan eh.

"Aba'h syempre naman! Tompak!" Si tatay sabay baba sa kama hayy nako.

"Ano ba yan 'nay 'tay ke aga aga ang haharot niyo kumain na nga tayo gutom na ako" sabay tawa lang naman sila dalawa ang ha'harot eh.

"Eboy ikaw na mag dasal" si tatay na ngayon naka upo habang si nanay naman nag titimpla ng kape nito.

"Naks namaaan para sa'n ka bumabangon nay?" biro ko kay nanay.

"Aba'y tinatanong pa ba yan edi syempre sainyo batang to oo."

Sabay abot kay tatay ng kape sabay kindat ni tatay balik kay nanay really?! In front of my kamote? Charr lang hahaha.

Kamote saka saging hinanda kong agahan namin meron ding itlog ninakaw ko dun sa asawa ng manok kong si Rambo na si Daisy.

Nag saing din ako ng mais para sa baon nila tatay sa bukid kami kasi ni nanay dito lang sa bayan pupunta yan si nanay sa bahay nina Governor kasi namamasukan siya dun stay out lang siya para makauwi siya sa amin mabait naman kasi ang pamilya nina Governor eh kaya ok lang.

"Yung mga gulay ate naihanda ko na pala nasa bilao na dalhin mo na rin yung sarok para dka mainitan sa paglalako ng gulay."

Ang sweet talaga nitong si Eboy akala mo naman talaga walang hihingin mamaya eh.

" Uhm.. ate, ano kasi uhm pupunta kaba kina Pinky?"

Oh 'tamona pambihira talaga to eh.

"Oo bakit?! manghihingi ka naman ng picture ni Pinky!" Pambuking ko sa kanya na agaran namang nabalisa at napatingin sa magulang namin na nakangiti habang kumakain lang crush niya kasi si Pinky na pamangkin ni Gov. na kaibigan ko rin.

"Hindi ah! ba't ako manghihingi ng picture nun eh artista ba sya."

"Asuuus eh anong tinatanong tanong mo kanina ha" asar ko pa.

"Nagtatanong lang ako baka kasi nandun na naman yung mga kaklase niya pag tripan na naman yung mga bulaklak."

May garden kasi dun sa bahay nina Gov. na sya ang namamahala tapos tinulungan yata siya ni Pinky mag tanim dun at nalaman niya na favorite flower pala ni Pinky yung ipapatanim dun kaya dun siguro umusbong yung pagka crush nitong si Eboy kay Pinky.

"Oo na aawatin ko kung may makikita akong umaaligid kay Pinky! Ah este sa bulaklak pala."

"Tay oh si ate parang timang." Sumbong nito sa tatay namin.

"Asuuus ayaw mo lang maunahan sa crush mo eh." Pang-aasar ko pa.

"Tay si ate oh!" Paiyak na hahahah

"Oh awat na, ikaw Inday madali ka na d'yan at maglalako ka pa, ikaw naman 'dong Eboy bilisan mo na kain ng makaalis na tayo't mataas na ang araw."

"Opo Tay/ Opo Tay" sabay naming tugon kay tatay pero di parin ako natapos inasar ko pa talaga siya sa tingin haha
busangot tuloy.

Pagkatapos naming mag agahan ay nagsihanda na kami sa aming mga lakad habang sina tatay at Eboy ay lumakad na sakay ni Turo patungong bukid kami ni nanay ay naiwan muna dito sa bahay dahil mag hahanda na din kami paalis ng bayan...




A/N

Hoooy ito na ang unang patikim umabot ng 1000+ ang words ng ferson 😂 feel free to comment mga MIMAH! Ano say nyo? Itutuloy ko pa ba hahaha ang hirap mag imagine eh haysssttt Krimstick malala 😭

Pasensya na't nadamay pa kayo sa kabaliwan ko sa kwento hahaha

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon