Part 3

13.3K 438 64
                                    

Imaginary visual of senyora Lucia ☝🏻




Erinrose POV


Nakarating kami mga bandang alas dos sa bahay nila Pinky, kita ko agad si nanay na nag hahanda ng meryenda ni Senyora Lucia nasa may veranda kasi ito naka pwesto kaya kita mo agad sila pag pasok palang ng gate.

Malaki at malawak ang lupain ng mga Harrison kaya naman nagpatayo sila dito ng mansyon at may bongalow pa sa kabilang dako ng lupain.

"Hi mimita" masiglang bati agad ni Pinky sa kanyang lola at humalik sa pisngi nito.

"Oh hello dear, how was your day?"

"Hmm it's fine naman mimita I had fun strolling around town and oh nakita ko Po itong bff ko" sabay hila sa may laylayan ng t-shirt ko sabay tingin sakin na "go on introduce yourself" kaya...

"Magandang hapon po sa inyo Senyora" sabay bow upang mag bigay galang sa ginang. Abah syempre pinalaki yata kami ng magulang namin na magalang nuh.

" Hmmm such a beautiful young lady" sofistikadang suhistyun nito habang parang sinusuri ang mukha ko na conscious ako bigla kasi naman baka may muta o kaya kulangot akong sumilip sa ilong sheemsss diko kakayanin nakakahiya 'yun.

"What is your name hija?" Tanong nito habang titig na titig parin sakin, ano bayan trip ba ako nitong matandang to? Pero in fairness ah hindi ako malulugi pag pumatol ako dito, dimo kasi halata na Lola na sya eh kasi maganda parin.

Pero hanggang echoss ko lang Yun nuhh, kala niyo ah hinding hindi ako papatol sa mga gorang nuh dagdag hussle lang yon.

"My name is Cattaleigha Erinrose Leveste Monte Po" agad naman itong nagulat ng banggitin ko ang full name ko.

" Are you perhaps related to Mattias Ero Monte hija?" Ay hala sha sinong pokemon naman kaya yong binanggit niya, Wala akong ideya kaya tiningnan ko si Pinky para sana humingi ng idea pero ang shunga busy sa cellphone niya nakangiti pang parang tanga.

"Uhmm no Po, I have no idea hehe" tumawa nalang akong parang shunga sa harap ng senyora.

"Oh I see, never mind that hija, come join me here and apo?did Helleana tell you anything about sa pag bisita niya dito?"

"I don't really know mimita wala naman siyang nabanggit to me eh" nakatingin lang ako kay nanay na pa balik2 sa kusina gusto ko siyang tulungan.

"Uhm.. Senyora? May I please excuse Po tulungan ko lang Po si nanay sa Gawain" bigla naman itong napatingin sakin.

" I'm sorry? Sinong nanay?" Di pa niya siguro kilala lahat ng katulong niya bago palang kasi sila bumalik dito galing Spain kaya ganun.

" Ah nanay ko Po yung nag s'serve ng tea nyo Senyora" nakangiti ako habang sinasabi ito.

" Oh I see, I apologize for that hindi ko alam hija" sabay maarteng takip ng bibig Niya ang cute lang haha pero sa kabila ng lahat kahit sobrang yaman nila napaka down to earth nila hindi nila tina trato na parang hampas lupa ang mga nagtatrabaho sa kanila, sana all mababait ang family.

Mabait naman talaga sila lahat pati itong si Pinky mabait rin kaya lang may sayad tulad ko.

" Anyway ang alam ko is magbabakasyon yung pinsan mong yun. Did you know na ako pa mismo ang nag kombinsi sa kanya to take a vacation, oh that stubborn cousin of yours kaya hindi nagkaka love life dahil sa sobrang workaholic!" Pagkausap ng senyora kay Pinky na lumalantak na ng cassava pie ang baboy talaga kala mo hindi heredera kung kumain eh.

" Pero you know what mimita, may nakita kasi akong article about kay ate Helleana eh and it states na magtatayo raw siya ng bagong building but I don't know where and when eh" mahabang chika ni Pinky sa senyora kaya iniwan ko munsa sila at tinulungan si nanay sa mga trabaho.

Sino naman kaya yung pinag-uusapan nilang pinsan ni Pinky? Saka ate? Matanda pa sa kanya? Si Pinky lang kasi ang nakikita ko sa pamilya nila eh kahit kelan hindi ko pa nakita ang Helleana na 'yon baka kasing gurang na naman yun ni Senyora hahaha pero wait lang, maganda kasi si Senyora eh hmmmmm maybe maganda rin tong Helleana na to.

Alas sais na ng gabi ng matapos kami ni nanay sa lahat ng trabaho dito sa mansyon kaya naglalakad na kami palabas ng gate matapos kami mamaalam sa senyora ng biglang...

"Besty wait up! Hatid ko na kayo kasi it so madilim na at baka something happen pa sa inyo ni tita" kito nyo na sobrang bait talaga nyan kahit may sayad.

"Naku nakakahiya naman sa inyo senyorita Pinky, huwag na Po" si nanay.

"Eh nanay I insist Po, saka I can't bare kung may mangyari sa inyong masama" hays umaandar na naman pagka OA nya opo and pansin nyo rin ba na sobrang conyo niya?balik bayan kasi yan galing pa yan ng Spain.

" Sigi na ho nay hindi kayo mananalo jan " sabat ko sa kanila hinampas naman ako ni nanay.

"Ikaw talagang bata ka mahiya ka naman kay senyorita kahit pa magka-ibigan kayo amo parin natin siya" nako nasermonan pako ni nanay kaya itong si Pinky super paawa effect amp.

" iiihh ang supper sweet nyo Po talaga nanay" sabay yapos kay nanay tapos bigla ba naman akong belatan aba't!

"Pasalamat ka't andito si nanay kundi lagot ka talaga sakin" mahinang sabat ko para di marinig ni nanay ngumisi lang naman ang shunga.

"Ano Inday? May sinsabi ka ba?"

"Wala ho nay, sabi ko ho sobrang bait talaga ni Pinky" sabay ngisi ng nang gagalaiti.

"HAHAHAH let's go na nga!" At hayun na nga't sumakay na kami sa kotse at hinatid na kami sa bahay, puro dal2 ni Pinky lang maririnig mo sa buong byahe apaka talakera eh.

"Maraming salamat talaga sa pag hatid senyorita Pinky" magalang sabi ni nanay ng makababa na kami, bigla nalang nag bukas ang kahoy naming gate at lumabas doon si Eboy.

"Oh 'nay ginabi ho kayo" sabay mano bigla naman itong napatigil ng makita kung sino ang kasama namin.

"Uh hi- uh mag- magandang gabi senyorita Pinky" agad itong nag bow hahah natatawa ako sa itsura ng kapatid ko.

"Oh hiiiii Eboy ikaw na ba yan?OMG look at you! Ang tall mo na ah" sabay lapit dito at sinukat ang height nilang dalawa di hamak na mas matangkad talaga ang kapatid ko sa kanya pwede nga itong maging basketball player eh at batak na batak ang muscles niya eh babad ba naman sa bukid eh.

"Ah ahaha hindi naman masyado" si Eboy na hindi na magkamayaw kung ano ang gagawin makita ba naman crush niya.

"Oh sya umuwi kana senyorita at lumalalim na ang gabi, mag iingat ho kayo sa pagmamaneho" sabay ngiti rito.

"Okay I'll be going now then"

"Eboy ikaw na bahala mag hatid kay Pinky sa labas" Sabi ko sabay wink bigla naman itong namula asuuuus mukha ng mga in love sarap itapon hahahah matapos nun ay nagpa-alam na ako sa kaibigan at pumasok na ng bahay....









A/N

Ang haba ng chapter nato hahahha anyways magandang gabi sa inyo sana ma enjoy niyo itong update 💕








The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon