Part 43

6.9K 241 5
                                    

Helleana





I was on my way to the club because Craig told me to go there. Hindi na sana ako pupunta nang ginamit na niya naman ang Mamà ko, he knows I can't say no to my mother. Wala ako sa mood nang bumaba ako sa kotseng itim matapos akong pagbuksan ng driver na pinadala ng gago kong finance. Napaikot naman ang mata ko a isiping fiance ko parin siya. I fixed the coat that covers my shoulder at dahan dahan nang naglalakad papalapit sa entrance. I was wearing a red long gown na may slit sa thigh. Diritso akong naglakad palapit sa bouncer

" VIP "

Agad kong pinakita yung card na tinanggap naman nung malaking mama at agad na kinuha yung harang then he let me proceed inside. Malakas na tugtug at dim lights ang bumungad sakin pagkapasok ko pa lang. Masasabi kong maganda ang ambiance ng club na ito at halata sa mga gamit at muwebles ang paglasosyal nito. Maraming mga tao ang nakatingin sa akin, most of them are men and they're eyes were written by the word "hungry". Psh men!.

Agad akong nilapitan ng tauhan ni Craig at iginiya kung saan ito nakapuwesto.

" You look stunning as ever darling "

Umikot ang mata ko dito at agad na umupo sa tabi nito. Wala akong choice dahil pang dalawahan pang itong pinili niyang table.

" I was already enjoying my sleep, if it weren't for your stupid request."

" Oh come on,Ana is this how you welcome me? What will yout mother say about this?"

Nagtagis ang bagang ko dahil naiinis na talaga ako dito sa lalaking 'to!. Hindi nalang ako umimik at nag order na ng drink. Tahimik lang ako dito habang daldal naman ng daldal itong kasama ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, maraming mga tao na nag e'enjoy. Oh how I envy them. I was busy sipping my drink when suddenly my eyes caught a woman who's walking with her glass of drink. I felt the rush of longingness  in my system as I watch the woman's back, alam na alam ko kung sino ito.

Her hair was dyed in different color pero mas bumagay ito sa kanya, she even grew taller. I continued watching her until she reached the stage at pinakilala siya ng kasama niya who seemed very familiar to me,parang nakita ko na yung lalaki. Then she faced the crowd and I saw how beautiful she is now, she looked very matured but hot at the same time. I watched her as she slowly fixed the sleeves of her white long sleeves. Habang ginagawa niya yun ay lumalandas ang mata ko sa katawan niya, I eyed her from head to foot and damn it I can't contain myself here. Gusto ko siyang lapitan at yakapin but I don't have the courage to do so. Inaamin ko na nahihiya ako sa ginawa kong pag iwan sa kanya noon.

She was now singing and damn she's so hot when she swayed her hips in the most sexiest way. She seems different from what I always see in TV or newspaper,maraming nagbago sa kanya but for ke. She was still the old Erin before, but that's what I thought. I was so wrong for thinking that. She changed at nakita ko yun sa kung paano siya humarot doon sa babaeng lumapit sa kanya at ang higad na babae nama'y tuwang tuwa pa sa tuwing hahawakan siya ni Erin. My blood boils as I watch her kissing the woman's neck. I can't contain my feelings kaya napahampas ako sa couch. Damn it I know I shouldn't feel this way, but I just can't help it!

" What's wrong, are you alright?"

" Im fine!stop talking to me, naririndi ako sa boses mo."

Tumawa lang ito at bahagyang nilapit amg mukha sa akin

" You know, your so hot when you raise your voice darling. Why don't we put it in a better use hm? let's go to my place... "

Bulong nito sa akin at inamoy yung buhok ko sa galit ko ay tinulak ko ito sa mukha, tumawa lang naman niya at umiiling iling pa.

Nakita kong papalapit sila Erin sa gawi ko at mas lalo lang akong nainis sa pag lagay ng kamay niya sa likod ng babaeng higad. Narinig ko lahat ng mga pinagusapan nila dahil malapit lang kami. The only thing that separates us is the wall separating the room na inuokyupa namin. Ilang minuto pa at para akong tino torture sa mga tawa nila and the way she flirts with her girl makes me want to put fire in this place!

An hour passed at nakita kong paalis na sila sinundan ko talaga ito ng tingin. Nakita kong umalalay yung security sa babaeng higad na ngayon ay lasing na lasing na. Erin smiled when the woman stole a quick kiss on her lips! What the fuck!. Lalo akong nainis kaya hindi ko na napogilin ang pag tayo at sundan ito

" I need to go to the restroom. No need for your minions to follow me I can manage "

Sabi ko agad ng akma itong kukumpas ng kamay niya para sa bodyguard na sumama sa akin. Nagmamadali akong s lumabas at baka hindi ko na sila maabutan pa. I shoved everyone na humaharang sa daanan ko at wala akong paki kung magalit pa sila, damn I need to see her! Agad ko silang naabutan sa parking lot at nakita kong pinasok na nung security yung babae ni Erin sa sariling kotse nito at umalis na. I saw her blew some air bago lumapit sa kanyang kotse. Kumunot ang noo ko pagkakita ko dito, that car seemed familiar too.She was about to open her door when I called her

" Erin ..."

Napansin kong natigilan pa siya pero agad din naman siyang humarap sa akin. I felt a thousand pang of pain when she said that she doesn't know me at all. Mejo naimsulto din ako sa inasta niya sa akin kaya agad ko siyang hinugot nang akma na naman itong papasok na sa kotse niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. I just can't contain my anger and yes! Oo nagseselos ako sa babae niya kanina!nasasaktan ako!

Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Hindi na niya ba talaga ako nakikilala? Damn it gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at gustong gusto ko siyang hagkan! Pero lahat nang yun ay siya na mismo ang gumawa. Nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya sa akin. Kaya lalo akong nagalit nang maalala ko kung paano siya ka gentle sa babae niya kanina, kaya nagpumiglas ako at gusto ko siyang sampalin ulit! But she caught my arm and said the words na nagpabasag sa puso ko. I know how wrong I was when I left her before without even telling her.

Hindi ako nagparamdam sa kanya sa mga lumipas na taon. Alam kong nasaktan ko siya at nasasaktan din ako noon! Gusto ko siyang balikan kaya lang wala akong choice dahil mas kailangan ako ng mamà ko sa Spain. All the longingness I have felt for years suddenly vanished when I felt her lips crushed on mine. Nagulat pa ako kaya hindi ako agad nakarespond, I got mad ng pumasok na naman sa isip ko yung halikan nila ng babae niya kaya nagpumiglas na naman ako.

But she settled me by putting her hand on my waist kaya agad akong natigil at nagpalunod sa mapang parusa niyang halik. I was about to respond to her kisses when she suddenly shoved me sideways at agad siyang pumasok sa loob ng kotse niya!I was so shocked and offended by what she just did! At natigilan pa ako sa huli nitong saad bago ito umalis. Hindi ko alam kung saang sinaktan ko siya ang tinutukoy niya,yung pag sampal ko sa kanya o yung pag iwan ko sa kanya noon. I felt frustrated kaya napasigaw na ako sa galit!

Agad akong bumalik sa loob ng club para kunin yung clutch bag ko at nagpasya nalang umalis dahil sobrang naiinis ako sa gabing 'to! Idagdag pa itong lalaking kasama ko kaya parang gusto ko nalang sumabog!

" I'm leaving this place!huwag mo na rin akong ipahatid kaya kong umuwi mag-isa!"

" Wait, Helleana!"

Wala na akong lingon lingon at agarang lumabas ng club at pumara ng taxi. Wala akong paki-alam kong mag sumbong pa ang kymag na yun sa màmà ko. Ugh! Gusto ko nalang mag relax kaya sinabihan kong mag drive ng mabilis yung driver para makarating na ako sa condo ko. I frustratedly swipe my card at nang bumukas ang pinto ay agad kong hinubad yung heels ko at tinapon kung saan saan yung bag ko. Busangot ang mukha ko ng pumasok ako sa banyo, agad kung pinuno ng tubig yung bathtub at agaran ding hinubad ang lahat ng suot ko. Nang mapuno na iyon ay naglagay ako dito ng sabon at agarang lumusong na sa tubig. I felt relaxed ng maramdam ko ang tubig sa katawan ko. Pumikit nalang ako hanggang sa makalimutan ko kung bakit ako ganito ka frustrated ngayon...

"Damn you Erin for making me feel this way ..."

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon