Part 41

7.2K 231 10
                                    

Erinrose

Nagising ako dahil sa katok dito sa bintana ng kotse ko. Napabalikwas pa ako dahil nagulat ako, akala ko ano na. Isang batang palaboy lang pala yung kumatok. At kaya ako narito sa kotse ko sa kadahilanang maaga talaga akong umalis sa condo ni Yngrid para hindi na n'ya ako mahanap pa doon. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako ulit dito mismo sa kotse. Kumatok ulit yung bata kaya pinagbuksan ko na ito ng bintana

" Anong kailangan mo bata?"

" Nagugutom na po kasi ako ate, pahingi po ako ng pera."

Naawa ako sa hitsura nito at pansin ko ring napaka payat nito, kaya agad akong bumunot ng isang libo sa wallet ko.

" May mauuwian ka pa ba?ano pala ang pangalan mo boy?"

" Ako po si Gebgeb ate, at wala na po akong mga magulang ."

Malungkot na saad ng bata. Agad ko namang na isip yung orphanage ng asawa ni Jeff

" Ah, Gebgeb gusto mo bang sumama sa akin? May alam akong orphanage at tiyak akong magugustuhan mo doon. Ano sama ka?"

Agad naman siyang namangha at natuwa ngunit agad din nawala ang ngiti nito

" Pero ate, baka pag tawanan lang ako ng ibang mga bata doon."

" No, haha ano ka ba. Mababait silang lahat doon, at kilala ko sila kaya hindi ka aawayin dun. Hali ka na?"

" T-talaga po ate? "

" I promise, 'lika na. "

" P-pero ate ang dumi ko po, baka madumihan yang sasakyan mo. Sobrang ganda at astig pa naman po "

Napangiti nalang ako sa turan ng bata agad kong binuksan yung isang pintuan sabay harap ulit sa bata.

" Pasok ka na. At wag kang mag-alala  hindi naman ako maarte. "

Agad naman itong sumunod at pumasok sa loob.namangha pa ito at sabay inilibot yung paningin niya sa loob ng sasakyan ko.

" Woah, grabe ate sobrang ganda ng kotse mo. "

Tumawa lang ako hanggang sa umabot na kami sa orphanage. Agad akong bumaba at nakita kong papalapit  ng gate yung mother superior ng orphanage.

" Good morning po mother "

" Oh, anak napadalaw ka?"

Tanong agad nito sa akin, habang sinisipat yung bata sa likod ko.

" Ah, mother ito nga po pala si Gebgeb. Nakita ko po siya kanina, kaya naisipan kong dalhin dito."

Agad nag tago yung bata sa likod ko kaya hinawakan ko ito sa balikat.

" Lumapit ka na kay mother geb,, mag mano ka. "

Agad naman itong napatingin sa akin bago dahan dahang lumapit sa ginang.

" Mano po ako m-mother."

"Kaawaan ka ng dios anak "

Agad naman nitong pinalapit yung bata sa gilid niya

" Dito ka na lang muna ha, may trabaho pa kasi ako."

Ngumiti naman sa akin yung bata kaya agad na akong nag mano kay mother, pero agad akong napalingon pabalik ng maalala kong hindi ko pa pala naibigay kay Gebgeb yung pera.

" Geb sandali, ito oh sa'yo na yan. Huwag kamg mag-alala dadalawin kita dito. "

" Huwag na po ate, sapat napo na dinala niyo ako dito. "

Agada naman akong napangiti at sabay lapit ko dito at kinuha yung kamay niya at nilagay yung isang libo doon sabay tiniklop ito.

" Tanggapin mo ma yan. Pakabait ka dito ah, sigi aalis na ako."

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon