Part 17

8.7K 329 15
                                    


Erinrose POV

Seven thirty ng dumating ako sa school araw ngayon ng byernes at ang sabi'y ngayon ang pag bisita ni Governor Felipe at mga kasapi nito, kaya nama'y maagang nag bukas ang school dahil may nauna naring mga estudiante upang mag handa para sa mga pakulo mamaya sa program

" Good morning ho kuya guard " bati ko sa guard namin dito sa school nakangiti pa ako nyan habang preskong naglalakad papasok ng

" Hep hep hep teka lang asa'n ID mo?"

agad ako nitong hinarang gamit ang stick ng sliding folder

" Si kuya apaka aga ang strikto masyado saglit lang ho at nandito lang sa bag ko "

pabiro ko pa itong sinagot sabay bukas ng bag at dinukot ang ID ko sabag suot sa harap niya sabay ngiti

" Taraaaan "

" ikaw talagang bata ka kahit kaylan pasaway, hala sigi pasok na "

tatawa tawa naman akong pumasok ng gate at dumiretso sa room namin, naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Eva

" Wow ang aga mo ah himala "

pabirong saad ko ng makalapit ako sa kanya, agad naman itong napatingin sa at dalidaling itinago yung hawak niya sa likod

" H-hoy! Wag ka ngang nang gugulat d'yan!"

" Ano yang hawak mo?"

sabay silip ko sa likod niya na agad niyang iniwas

" A-ah w-wala to ano ka ba hahaha "

tiningnan ko lang siya ng may pagtataka kasi ang weird niya

" Oh eh bakit napaaga ka yata samantalang lagi ka namang late?"

" Hehehe wala lang may ginawa lang akong importante "

sabi nito na may pa wiggle pa ng eyebrows niya sabay ngisi ng nakakaloko

" Tara na nga samahan mo'ko kina Jeff may ibibigay lang ako saglit "

sabay akbay nito sakin at iginiya ako palakad, marami rami na rin ang mga dumating na estudiante dahil nagsimula ng dumami ang mga taong p'parito at padoon, nakarating na kami sa room ng 4th year college at nandoon sina Jeff at nakita kong nag aayos ito ng mga gamit nilang pang banda, sila kasi ang tutugtug mamaya for intermation number

pumasok naman sa loob si Eva ako nama'y nagpaiwan sa labas ,may inabot ito kay Jeff na hindi ko alam kong ano wala naman akong paki, baka recipe lang ng tinapay

" Tara na naku excited na ako mamaya hahaha "

halata nga dahil pagbalik nito sa akin ay napakalawak na ng ngiti sabay akbay ulit sakin at naglakad na nga kami papuntang room baka kasi andon na si ma'am for checking of attendance markahan pa kami ng late

nakarating kami sa room at wala pa si ma'am kaya saktong umopo na ako sa upuan ko sa may bandang likod malapit sa bintana trip ko dito kasi nakikita ko ang quadrangle habang may mga estudiante na naglalaro for sports at P.E

" Sobrang gandan naman yata ng gising mo ngayon Eva, hindi ka siguro nabuhusan ng tubig ni aling Belen ano para kang baliw d'yan kakangiti mo "

" Hmm hindi naman hahaha saka kahit anong gawin mong pang-aasar sakin ay okay lang, makakabawi rin naman ako sayo later "

sabi nito na may nakakalokong ngiti mejo na bother naman ako kasi ano na naman kaya ang ginawa niya? alam niyo bang na trauma na ako sa kanya nung highschool pa kami? isinali niya lang naman ako sa poetry!kaya wala akong choice noon at nerecite ko nalang yung roses are red at violets are blue, pambihira kasi tong si Eva desisyon masyado kaya ayon at nakaraos naman ako at pinalakpakan kahit mukha akong engot sa stage

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon