Part 67

7.3K 212 2
                                    

Helleana

***

6:15 PM ang nakalagay sa sa oras nang relo ko nang matapos ang meeting. I was on my to my office at pagbukas ko ay ang natutulog na Erin ang nadatnan ko. I slowly walked to her at lumuhod sa sahig at dahan dahang dinampian ng halik ang naka pout niyang labi.

" Oh, you poor thing. You must be really tired finding those flowers for me."

Hinaplos ko ang buhok niya bago ako tumingin sa magandang bulaklak sa table ko. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Erin na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. Saan kaya siya nagsususuot kanina at napansin kong may sumabit pang dahon sa buhok niya. Ang cute lang kasing isipin na naghanap talaga siya ng wild flowers for me. Nanggigigil ako habang tumititig sa kanya I kissed her again. Nagising siya at umingos.

" Wakey wakey sleepy baby"

Malambing kong saad dito at nang mapansin niyang ako ang gumising sa knaya ay agad niya akong hinila kaya napatili ako

" Ang ganda mo namang mang gising. "

Natawa ako sa saad niya at dahan dahan na nang tumayo at hinila siya ng marahan.

" Let's go to my place."

Agad naman itong napangisi at kinuha yung bag ko at siya na ang nagdala, sabay kaming lumabas at hawak niya ang kamay ko and I closed it with intertwined fingers. Nasa sasakyan na kami at kotse ito ni Erin,sa kanya nalang ako sumakay at tinatamad akong mag drive. Nakarating kami sa condo ko at agad kong pinindot ang floor ng unit ko. I swiped my card at agad namang nag bukas ang pinto kaya pumasok na ako kasunod si Erin.

" Woah, not bad. "

" Welcome to my place."

Sabi ko habang hinuhubad ang coat ko at nilagay iyon sa ibabaw ng couch. Busy si Erin sa pag check out ng place kaya dumiretso ako sa kitchen.

" Gusto mo bang magluto o ako nalang?"

Sigaw ko habang tumitingin sa mga ingredients dito sa loob ng kitchen ko.

" Namiss ko ang luto mo kaya, ikaw nalang babe. "

Sabi niya habang lumalakad papalapit dito sa kusina at bitbit niya yung picture frame ko nung college pa ako.

" Damn. Ang dami ko sigurong kaagaw sayo noon."

Busangot ang mukha niya habang sinasabi niya yan. Natawa ako sa hitsura niya

" How come? Hindi pa kita kilala noon diba?"

" I know....... Buti nalang sa akin ka bumagsak."

She had that mischievous smirk on her lips kaya lalo siyang naging hot. Oh this kid and her charisma!tinawanan ko lang siya

" What do you want for dinner?"

" You.. "

Pinaningkitan ko ito ng mata, ayan na naman siya sa kamanyakan niya. At first I really thought na ma u'under ko siya and now look how the tables have turned. I grabbed the knife and harshly banged it on the chopping board to show her that I am serious. Kahit pa kinakabahan ako kasi alam kong mabilis lang akong bumigay sa kanya.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon