part 5

11.6K 375 55
                                    

Imaginary visual of Eboy ☝🏻



Erinrose POV


Araw ngayon ng Lunes kaya maaga naman akong nagising, oh well lageh naman pala, sa lakas ba naman ng tilaok ni Rambo sinong hindi magigising hahaha.

"Eboy gising na, bangon na at kumuha ka ng itlog ni Daisy and then maligo ka after"
bigla naman itong nabalikwas ng bangon at parang gulat na gulat pa.

"Si-sino ka?! Sino k-ka! Anong ginawa mo sa ate ko?!" Nagulat ako sa pag sigaw nito aba'y gagi to ah.

"Hoy! Tangeyna neto bumalik ka sa mundo gago ako lang to ano ba! Tsk bumangon ka na nga!" Bigla naman itong ngumiti ng nakaka loko.

" And ayan na, yan na ang ate ko bumalik na hihihi." ngisi nito mas Lalo tuloy nawala mata niya singkit kasi siya.

"Ano bang pinag sasabi mo d'yan? Para kang engot eh."

"Eh kasi ate bigla ka nalang kasi nag salita ng English eh akala ko kung sino na sumapi sayo" aba't tangeyna neto oomh! binatokan ko nga...

"A-ar-araay a-tee tama na ma-masakit ate bitaw na please aray haha sorry na..." aba't tumatawa pa akala niya siguro natutuwa ako e minsan nga lang ako mag English eh inaasar pa'ako hayop yan kaya piningot ko nga.

"Ayan sigi pa asarin mo pa ako ulit hindi lang pingot gagawin ko" sabay bitaw agad naman itong tumakbo palabas, buti nga, pasaway eh.

Nasa kusina ako habang nagluluto ng sumulpot ito may dala ng itlog na apat na piraso.

" Ba't ang dami nyan? Kinuha mo lahat?" Mataray na tanong ko sa kanya badtrip ako eh.

" May tinira akong anim ate hehehe." nilagay niya sa lababo yung itlog at parang takot pang lumapit sakin pano, yung tingin ko kasi asar parin, bigla naman itong kumaripas ng takbo ng akmang hahablutin ko na yung sandok, tamo yun parang tanga.

"Plantsahin mo na rin yung uniform ko ah!" Sigaw utos ko rito.

" Tapos na, kahapon pa ate!! nasa tokador!" Sagot niya habang nasa banyo naligo na ata.

"Hmmmm, Sarap mo talaga mag luto ate pwede ka ng mag asawa" sabi nito sabay subo ng tuyo at pritong itlog, kami lang dalawa nauna mag breakfast kasi maaga pa naman titirahan nalang namin sina nanay at tatay mamaya pa yun gigising.

"Kaya lang wala ka palang jowa ate."

"Isa pang asar Eboy wala kang baon ngayon."

"Ate namaaan nagbibiro lang naman eh."

"Ah so happy ka sa biro mo ganun?"

"Ate joke lang yun eh, hindi pwedeng wala akong baon ngayon kasi may project kaming gagawin."

" Hindi kita bigbigyan ng baon kapag hindi ka umamin kay Pinky na crush mo siya."

" LUH, ate namaaan wag naman ganun, ate please ang hirap eh, alam mo naman kung hanggang saan lang tingin nun sakin" aba't nalungkot bigla amp!

" Sus! wala ka pala eh! Torpe! Hahahahah"

"Kapag ikaw talaga ate na in love hindi kita tutulungan" aba't binantaan pa ako.

"Asa ka boy!" balik asar ko dito. Tapos na kaming kumain at umalis na ng bahay andito na kami sa may sakayan nag aantay ng tricycle 8:00 pa simula ng klase namin kaya may oras pa naman kami 7:15 AM palang, nag aantay kami ng may huminto sa harap namin na isang pulang Lamborghini jeep LM002 at alam ko kung sino ang may ari nito.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon