Part 38

7K 233 9
                                    

Erinrose

Erin's ootd 👆🏻



Mabilis ang naging takbo ng oras na naging araw,at ang mga araw ay naging buwan, hanggang sa ang buwan ay naging taon. Tatlong taon na ang lumipas at wala parin akong naging balita patungkol sa kanya. Wala na rin si Pinky sa probinsya kaya pati dito ay wala na rin akong balita. Ngunit bago siya umalis ay dinalaw n'ya ako upang magpaalam,tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin noon na babalik muna siya sa Spain at may importante siyang aasikasuhin doon. Matapos noon ay inabot pa ako ng isang buwan sa probinsya bago ko natanggap ang mga inaasikaso kong mga papeles. Inuna ko yung mga papeles ko para kapag naghanap na ako ng trabaho ay hindi na ako masyadong mahirapan.

Nagpatuloy ang buhay ko na parang walang nangyari. Nasa Manila na ako ngayon at kasalukuyang inaalala ang masakit na kahapon ko dito sa loob ng aking opisina.
Hindi naging madali ang naging buhay ko dito noon, dumating pa sa puntong kailangan kong matulog sa garage ng isang restaurant na a'applyan ko. Kinailangan ko pang lumusot sa butas ng karayom bago ako matanggap. Nagsimula ako sa mababang posisyon hanggang sa unti unti akong na promote at nakilala ng isang sikat na hotelier na classmate ko noong si Jeff. At doon ako nagsimulang makilala ng mundo. Naging guest na rin ako sa ibat-ibang cooking show dito sa bansa. Naging magkasusyo na rin kami ni Jeff sa negosyo. May sarili akong restaurant dito mismo na hotel.

Nagmumuni muni pa ako habang tinitingnan at pinaikot-ikot yung gawa sa sea shells na bracelet na bigay niya dati. And yes I've kept it after all these years,ito ang naging inspirasyon ko sa mga puntong halos bumagsak na ako noon. Alam kong sinabi ko nang kakalimutan ko na siya, pero I was just fooling myself because after everything she have caused me,I still longed for her. Napangiti ako ng mapait hanggang sa may kumatok sa pintuan...

" Chef, five minutes nalang po at ready ka na for the live interview "

Saad ng isang staff ng isang team na kasalukuyang gumagawa ng interview para sa isang sikat na cooking magazine.

" Okay, I'll be out in a minute "

Agad naman itong tumango at sinarado na yung pinto.  I stood up and started fixing my sleeves, and check my appearance in my full length mirror here in my office. Bago ako lumabas isinuot ko yung relo ko at nilagay ko sa bulsa yung bracelet. Lagi kong ginagawa yun lalo na kapag ganitong may interview ako.

Paglabas ko ay naglakad na ako patungo sa elevator at pumasok. Pasara na sana yung pinto nang may biglang kamay ang humarang dito. Napangiti ako ng makitang  isang staff lang pala ng hotel ang tumigil doon. Nagulat pa siya nang makita niya ako.

" Ay, hala p-pasensya na po kayo chef, hindi ko napinsin. Lalabas nalang po ako."

Ang cute niya sa uniform niya at maganda rin siya, not bad for a housekeeper. I smirked at her bago ko siya pigilang lumabas.

" No, don't be. You can stay, I don't  mind "

Sabay hawak ko sa braso niya para hilain siya pabalik sa loob. Bigla naman siyang namula kaya napatawa ako. Yumuko siya pero alam kong tinitingnan niya ako sa salamin sa harap kaya tiningnan ko siya dito at kinindatan. Agad nang laki ang mata niya at biglang naglikot kaya muntik na syang natumba, kaya agad ko siyang hinila sa bewang at hinapit.

"Careful darling, you don't want to get don't you "

Mas lalo pa siyang namula kaya natawa ako. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang maraming paparazzi na agad kumuha ng mga litrato. Bigla akong nasilaw sa mga flash ng camera kaya mejo niyuko ko yung ulo ko at mejo nagtago sa gilid ng ulo ng babaeng kasama ko. Hindi ko s'ya pwedeng iwanan dito dahil pagkakaguluhan siya ng mga paparazzi. kaya hinila ko siya at nagsimula ng maglakad

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon