Part 29

9.3K 309 8
                                    

Erinrose POV


Nasa bahay ako ngayon at naghahalungkat ng mga gamit ni tatay katulad ng martilyo at mga pako, naisipan kong gawan ng munting kubo yung lugar kung saan madalas kong puntahan dati

" Ate ano bang gagawin mo dyan?"

nagulat ako kaya nauntog ako sa may lababo, pambihira kasi tong si Eboy bigla biglang sumsusulpot na parang kabuti

" Aray ano ba! Wag ka nga manggugulat d'yan "

sabi ko sabay himas sa ulo ko

" Eh ano ba kasing ginagawa mo d'yan?"

"Hindi ba obvious ha?! may hinahanap ako saan ba kasi nilagay ni tatay yung martelyo at pako?"

" Hahaha wala d'yan ate nandoon sa may likuran, nakita ko kasi si tatay gumamit nun habang inaayos yung butas sa kusina kahapon "

" Ba't ngayon mulang sinabi ha!"

" Eh ngayon ka pa lang nagtanong eh "

naiinis naman akong naglakad patungonsa likod an nandoon nga yung hinahanap ko, pansin ko kay tatay makakalimutin na, kagabi kasi hindi niya napatay yung gripo tapos yung salamin niya hinahanap niya eh nasa damit niya lang naman nakasabit.

" Ano ba kasing gagawin mo ate? "

pangungulit ni Eboy, sakin kaya naman isasama ko nalang siya mamaya ng mas mapadali yung gagawin ko

" Samahan mo nalang ako mamaya pupuntahan ko si Eva "

" Anong gagawin natin te?"

" Wag ka nalang mag tanong samahan mo nalang ako, i handa mo yung mga kahoy saka yung duyan, humiram ka na rin ng besiklita kay Bogart "

aangal pa sana ito nang akma kong babatuhin ng martelyo ay tumakbo agad ito sabay sabing

" Biro lang ate! Ito na hihiramin ko yung bike ni Bogart! "

ganito talaga kami ni Eboy hindi kami magkasundo  pero kapag isa sa amin ang naagrabyado ay wag ng magtangkang magpapakita ang umaway sa amin at uupakan talaga namin, ganoon ang bond namin

nakabalik na nga siya dala yung bisikleta hinanda ko na ang mga gamit at yung mga kahoy na gagamitin ko

sumakay na ako sa likod habang hinihila namin yung kahoy patungo kina Eva

" Hoy! Ano yang dala niyo?"

" Kahoy Eva ipapalo ko lang saiyo "

parang tanga eh nakita na nga tinatanong pa

" Waka kang gagawin ngayon?"

" Wala naman nakakabagot na nga eh "

" Samahan mo nalang ako dun sa dating tambayan ko, diba nakita mo na yun?"

" Uy! Sigi sama ako sandali lang "

Naghintay pa kami sa kanya kasi naman nagsalisi pa ng tinapay at soft drinks ang gaga sabay mabilis na takbo palabas ng bahay nila dala yung bisiklita ng pinsan niya, maliit lang yun pang 8 years ild kaya naman para siyang tanga magpatakbo sumasagi yung tohod niya sa manibela sabay sigaw pa ng

" TARA NA BILISAN NIYO BAKA ABUTAN AKO NI MAMA!"

sigaw niya habang humaharurot ng takbo kaya naman sumunod na kami sa kanya, nasa daan na kami patungo doon panay pikunan lang kami sa daan

" Eh ikaw nga nung grade 3 nakatae ka kasi hindi marunong magbasa wahahahaha "

sigaw ni Eva kay Eboy at ito naman isang pikon di nagpatalo

" Eh ikaw natagusan ng regla sa gitna ng parade! HAHAHAHHAHA"

sabi nito sabay paharurot ng takbo ng aming bisikleta naiwan tuloy si Eva na pilit humahabol sa amin na hindi niya magawa gawa kasi kahit todo padyak siya nahuhuli parin ang liit kasi ng bisikleta niya hahaha

" Hoy! Eboy pag ako nahulog dito maglalakad ka pauwi!"

tili ko rito paano kasi lakas magpatakbo sakit tuloy ng puwet ko

Nakarating na kami sa lugar at papasok na kami sa masukal na daanan kasi mas dumami yung damo kumpara nung huling punta ko dito kasama si Ana

Si Eboy ang nauna at pinaghahampas niya ang mahahabang damo ng kahoy para makadaan kami. Naarating na kami sa patag

Pinili ko yung spot malapit sa puno para madali lang gawan ng munting kubo, yung tamang bobong lang at papag lang ayos na, nag simula na kaming gumawa nun ngunit nakailang ulit pa kami paano kasi naman puro kami bangayan

" Sabi kasing huwag muna e pako ambobo naman eh! "

" Mas bobo ka ,pag hindi ko pinako yan ede bagsak na tayo sa lupa! Hindi kasi nagiisip!"

si Eboy at Eva na ngayon ay kulang nalang mag sakalan sa harap ko

" Akin na nga yang pamukpok at ipa palo ko lang sa mga ulo niyong dalawa!, Paano tayo matatapos eh puro kayo ngaw ngaw d'yan!"

bigla naman sila natihimik at sabay tumalikod sa isa't isa

" Paabot ako nung isang kahoy "

sabay pa nilang napulot yung kahoy

" Ako na / ako na "

"Dali na! Nakakangawit dito pucha kayong dalawa!"

Umabot na kami ng hapon doon bago namin nagawa yung munting kubo nakatayo na ako ngayon sa harap habang ang dalawa nama'y itinatali na yung duyan sa magkabilang dulo ng puno

hays natapos rin, sana lang magustuhan to ni Ana napatingin ako sa papalubog na araw saka napangiti

Nagliligpit na kami ng mga gamit at uuwi na napansin kong punon ng galos yung kamay ko pero ayos lang at sanay narin naman ako dito kaya walang kaso sakin yun.

Nasa daan na naman kami at ayon naman ang bangayan namin pero tumatawa kami na parang mga timang at dahil sa ingay namin muntik pa kaming hinabol ng aso kaya naman mabilis rin kaming nakauwi sa mga bahay namin.

Siguro nagtataka na kayo kung bakit hindi kami pumapasok, yun ay dahil malapit na ang fiesta sa amin kaya wala ng masyadong klase kasi naghahanda na rin ang karamihan para sa celebrasyon kaya ayon .

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon