72

7.8K 238 4
                                    

3 years after

✨✨✨

I

was on my way to my wife's office at may dala akong wild flowers at lunch. Three years na kaming kasal at hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya, I still fall in love with her every single day. Kaya ako narito dahil susuyuin ko siya dahil kagabi pa siya galit sa akin ayaw niya daw akong makita. Natulog lang naman ako sa sala kagabi at kayakap ko yung flushie na penguin na ibinigay ko sa kanya noong 1st anniversary namin sa Paris.

" Hello po chef Erin. "

" Hello Lyda, is my wife in her office?"

" Opo, pero mag ingat po kayo at simula nung dumating si madam kanina ay badmood na."

Anya saka pasimpleng sumilip pa sa hallway at baka marinig siya ng boss niya. Napangiti ako at dumiretso na sa office niya. I knock my 232 signature knock sa door niya at nagbilang ako hanggang five bago ko buksan yung pinto.

" Hi baby..."

Bati ko sa asawa kong tinotoyo na naman ngayon, she looked so hot in her glasses habang nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok. Masungit ang awra niya ngayon.

" You left without kissing me this morning!"

Agad nawala yung ngiti ko sa labi at dahan-dahan naglalakad sa gilid niya.

" What do you mean? I did kissed you before I left baby what are you talking about.."

" Stop lying to me, because you didn't!"

" Baby I did, I promise. Pinatulog mo ako sa labas remember? I kissed you while you were still sleeping before I left. Don't be mad na hm? Here look, I brought you wild flowers."

Nilahad ko sa kanya yung bulaklak agad namang gumanda ng awra niya bigla nalang ako hinila sa collar ko at hinalikan sa labi bago niya kinuha yung bulaklak. She's smiling all ears na ngayon.

" Aw, gracias baby. I love them."

Anya habang inaamoy yung mga bulaklak. Niyakap ko siya while she's still sitting, I kissed her temple at hinawi yung buhok niya sa gilid ng leeg bago ko ito hinalikan.

" Let's eat baby, I also brought lunch."

Lalayo na sana ako sa kanya nang hinawakan na naman niya yung collar ko

" Okay, but I would like to eat here. "

Anya at agad tumayo at tinulak ako paupo sa swivel chair niya. Nang makaupo na ako ay agad naman s'yang kumandong sa akin. Natuwa ako dahil nagpapababy na naman siya. Sininghot ko siya sa leeg bago ko buksan yung dala kong lunch. Agad niyang tinakpan yung ilong niya nang maamoy niya yung sinigang na ni request niya kanina kaya iyon ang niluto ko.

" Yuck baby, throw that away ang baho. Ayaw ko niyan! "

" What do you mean? I thought you wanted to eat sinigang kaya I cooked you sinigang."

" I don't want it, itapon mo yan ngayon din!"

Agad ko namang tinakpan yun at binalik nalang sa loob ng paper bag.

" Alright what do you want to eat then, hm?"

Para pa siyang naduduwal dahil may naiwan pang amoy yung sinigang kaya agad kong pinaypay sa ere ang kamay ko.

" What's happening to you baby kahapon kapa ganyan eh, hindi ka na kumakain ng tama."

Concerned kong saad sa kanya habang sinusuri ko yung buong mukha niya, she looks fine naman pero may kakaiba sa kinikilos niya eh. There was one time nahuli ko siyang kumakain ng strawberry at sinawsaw pa sa suka nang hating gabi. I fixed her hair and put it behind her ear, while she's scrunching her nose and checking the flowers in her arms.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon