Part 42

7.5K 260 9
                                    

Erinrose

Ana's ootd🔥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ana's ootd🔥















I am driving my way to the club. I decided to just go straight there and didn't bother to change my clothes, presentable parin naman ako tingnan. Pagdating ko sa club, agad kong pinark yung kotse ko at agarang lumabas sabay lakad palapit sa entrance, iniwan ko nalang yung coat ko sa kotse at ngayon ay naka white long sleeve na lang ako. Ganun ulit kagaya ng dati ay mataas parin ang pila dito. Diritso lang akong naglakad habang yung mga nakapila ay tumitingin sa akin, nagtataka siguro sila kung bakit hindi ako pumila.I smirked at that thought.

" Good evening ma'am Erin "

" Evening Jimmy. "

Nag bow ito sa akin bago kinuha yung harang at binuksan yung pinto. Bumungad sa akin ang malakas na tugtug at maraming mga taong nagsasayawan sa gitna. I walked passed through the sweaty people and went straight to the bar counter, um'order ako ng isang inumin sabay upo sa harap. I was waiting for my drink to be served when I suddenly felt the urge to release my urine,kaya agad akong tumayo at naglakad patungo sa restroom. Naglalakad ako ng bigla akong nabunggo ng isang lalaki na may kalakihan ang katawan, may bigote rin ito at mejo may edad ngunit makisig parin ito kung tumayo.

" I'm sorry."

Nauna nalang akong humingi ng tawad dito dahil mukhang wala itong balak umimik. Seryoso lamang yung mikha niya habang nakatingin sa akin. Tumango lang ito ng marahan sa akin sabay naglakad paalis. Agad rin naman akong tumalikod dito at naiihi na nga ako. Pagkapasok ko sa restroom ay agad akong umihi and damn that feels nice. Matapos kong umihi ay agad akong tumungo sa sink at nag hugas ng kamay. May mga babae pang tumingin sa akin at para silang kinikilig kaya kumindat ako dito sabay labas ng cr.

Pag balik ko sa counter ay handa na yung inumin ko. Agad akong uminom dito at kinalahati iyon, it's a scotch. 1 glass lang ang plano kong inumin dahil ayoko magkaroon ng hangover bukas. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at agad kong nakita si Jeff, na agad ding itinaas ang kamay niya para sabihing lumapit na ako sa kanya. He was on the mini stage na while the other band members are fixing their instruments. Singer nalang ang kulang doon, at dahil nga wala ang vocalist nila kaya ako ang gagawa nun.

" Ladies and gentlemen let me take your attention please! Are you guys enjoying the night?!"

" Yes! / Woooo!"

" Ladies and gentlemen I would like to apologize at wala ngayon ang main vocalist namin. But don't worry, we have our very own chef Erin, everybody!"

Agad naman naghiyawan at sumipol yung mga tao dito sa club, may mga babae pang tumitili. Bitbit ang baso ng inumin ko ay dahan dahan akong naglakad patungo roon sa mini stage, may mga pumupuri sa akin kaya ngumiti lang ako dito. Nang nasa stage na ako ay ininom ko na yung huling laman ng baso at agad na binigay iyon sa malapit na waitress. I was cooly fixing my sleeves at tinupi ito hanggang siko habang naguusap kami dito kung ano yung kakantahin.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon