Part 15

9.1K 360 90
                                    

Erinrose POV

Kasalukuyan kaming nasa kaldsada ngayon habang si Ana ay nagmamaneho patungo sa lugar kung saan ko idinidekta sa kanya ang bakery ni'na Eva

"Uhm dito mo nalang i park "

sabi ko sabay tanggal ng seatbelt at naunang lumabas, sinigurado ko munang may tao baka kasi wala eh, napansin kong walang nagbabantay hanggang sa lumabas si Eva na may dalang bagong hain na tinapay upang i display hindi niya pa ako napansin kaya naman dahan dahan akong lumapit

" Hoy pabili akong Monay "

bored naman itong napatingin sa'kin, tapos bigla namang siyang natigilan at muntik pang mahulog yung dala niyang mga tinapay dahil para itong nabigla at nang laki ang mata sabay sabing

" Hala shet! Erin mag tapat ka sakin! s-sabihin mong buhay pa ako! s-sabihin mo!"

nagulat naman ako sa inasta nito, naka hilig pa ito sa glass na nakaharang sa pagitan ng tindera at mamimili, yung glass na display'han ng mga tinapay ba

ng malapit na ako sa kanya ay bigla naman nitong hinablot ang manggas ng damit ko sabay tanong ng

" Erin p-patay na ba'ko?! b-bakit may napakagandang anghel sa likod mo? sinusundo na ba niya ako?"

saad nito na tila may tinatanaw sa likod ko, kaya naman tiningnan ko rin kong ano ang tinutukoy niya wala maman akong nakita bukod kay Ana

" A-aano ba! bitaw nga! nasasakal ako gago ka ba ha?"

inis na nilayo ko naman ang sarili ko sa kanya, kasi naman parang tanga eh bigla ba naman akong hablutin!

"Erin n-nakikita mo yung nakikita ko?shet para siyang dyosa par "

" Ang alin ba? "

napatingin naman ako ulit sa likod ko at nakita ko si Ana na naglalakad na parang model lang sa kalsada patawid at papalapit sa'min o kaya sa akin?

" H-hala shet beh papunta siya dito! mag ayos ka dali! hoy!"

" Ah siya ba tinotokoy mo?"

" Oo kaya mamaya ka na bumili lumayas ka muna at siya muna uunahin ko! ang gandang mommy eh "

aba't tinaboy pa nga ako! gago to ah ako kaya kasama niyan!

" So what is this place?"

" seryoso ka? 'di mo alam ang panaderya?" nahihiwagaang saad ko dito, luh di pa ba sya nakakita ng bakery? o sadyang hindi niya napansin tong mga tinapay o kaya blurry na paningin niya?

" Would I ask if I knew stupid "
maarteng saad nito at nagtataray na naman bilis mag bago ng mood

" Ah this is called a bakery kaya kita dinala dito dahil papakainin kita ng Monay "

bigla naman itong napakunot ng noo

" Monày? what is that? are you trying to poison me "

apaka arte naman nito tingnan lang natin kung anong say mo pag natikman mo ang Monay ko

" Uhm eherm! h-hi po m-magandang tanghali ho sa inyo ano hong sa inyo mommy? ah este madam ?"

epal na tanong naman ni Eva kay Ana na ngayoy nakatayo na sa harap ko at naka fold ang mga kamay sa harap ng dibdib

" h-hoy kilala mo siya?"

" Malamang kasama ko eh ngayon mo lang napansin?" sarkastiko kong saad sa kaibigan

" Pabili nga akong Monay pakakainin ko lang to "

agaran naman siyang nag lagay sa supot ng Monay ng biglang lumabas si aling Belen, may dala pa itong walis tingting at nagulat ito ng makita ang kasama ko, grabe ganun ba talaga siya ka ganda? yung nakakagulat?

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon