Part 57

6.2K 198 22
                                    

Helleana

***

Kasalukuyan akong kinukuhanan ng statement ng mga pulis ngayon dito sa hospital at nalaman nilang pinsan ko si Pinky at matagal na pala itong nalulung sa droga at may sakit ito sa pag-iisip. Agad namang sumugod sila tito at tia upang kausapin ang anak nila na ngayon ay nasa Mental hospital. Nalaman nila ang ginawa nito kaya agad silang humingi ng tawad sa akin. Hindi naman ako galit dahil naiintindihan ko ang kalagayan ni Pinky. Kinuhanan nadin ito ng statement pero hindi ito maka-usap ng maayos. Lagi niyang tinatawag si Erin at magpapakasal na raw sila. Nakita na rin ang bangkay ni Craig na walang awang itinapon lang sa gilid ng sapa kasama yung mini van na ginamit siguro noong nakidnapped ako.

Paalis na ako ng hospital at tutungo ako sa condo ni Erin pero pag dating ko doon ay walang tao. Naghintay lang ako sa labas hanggang sa mag alas onse na at wala paring nagbubukas sa mga katok ko. Kaya pumunta ako sa restaurant niya ar baka naroon siya. Agad akong nakiusap sa isang cook at tinanong kong nasaan si Erin

" Excuse me. Hi, is chef Erin here? Paki sabi si Ana at gusto ko siyang makausap please."

Agad naman itong tumango pero ang sabi nito sa akin bago umalis ay hindi niya pa raw nakikita si Erin. Bumalik naman ito na parang nag-aalangan at sinabing wala rito si Erin. In my mind I already know she's here kaya naghintay lang ako ng ilang minuto at baka maya-maya ay lumabas ito para mag lunch. Pero mag a'ala una nalang ay wala paring Erin na lumbas, kaya I decided to leave nalang muna and give her space maybe she needs time. Umuwi nalang muna ako ng condo ko at nagpahinga ng maayos. Nagising ako mga bandang alas sais na ng gabi. Naisip kong baka nakauwi na si Erin sa condo nya kaya ngayon ko ulit susubukang kausapin siya.

Matapos makapag bihis ay dumiritso ako sa baba at sumakay sa kotse at pinaharurot ko iyon patungo sa condo ni Erin. Pagkarating ko doon ay agad akong sumakay ng elevator. Paglabas ko ay saktong lumabas galing sa loob ng unit niya ang isang housekeeper kaya nagmadali akong tinanong ito

" Hi, may tao ba sa loob?"

" Hello po ma'am, good evening po. Wala po si ma'am Erin sa loob eh. Hindi ko po alam kung saan nag punta. "

Gad akong nanghina nang sinabi iyon ng babae sa akin

" Okay, thank you ."

" Sigi po ma'am."

Agad akong umalis at bumalik sa sasakyan ko. Nagsisimula na naman akong ma frustrate dahil hindi ko siya matatawagan dahil sira ang phone niya. Aalis na sana ako ng makita ko ang kotse na madalas niyang ginagamit, kaya bumaba ako at nilapitan iyon. Pag lapit ko ay walang tao. Nagulat pa ako nang makita ako ng guard.

" Ano pong kailangan n'yo ma'am?"

"Uhm.. is the owner of this car here?"

" Ah si ma'am Erin ho ba?, Eh umalis po siya kanina gamit yung isang sasakyan niya ma'am eh. "

Agad tumaas ang kilay ko. And where would she go?

" Alam mo ba kung saan siya pumunta kuya?"

" Ay hindi po ma'am eh, pasensya na po."

" Alright. Sigi thank you, goodnight."

Sabi ko sabay pasok sa kotse ko at pinaandar na iyon habang iniisip ko kung saan ko hahanapin si Erin. Biglang uminit ang ulo ko ng sumagi sa isip ko yung sinabi niya kagabi na pagsasawaan niya ang katawan ng Yngrid na iyon! Napahigpit ang hawak ko sa manibela sa inis.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon