Part 64

7.1K 210 0
                                    

Erinrose

***

Gabi na nang makarating kami sa hacienda at ngayon ay lulan na naman kami ng sasakyan pauwi ng bahay. She's being super clingy to me after I proposed to here kanina. Nasa steering wheel ang isang kamay ko habang ang isa ay nasa hita ni Ana. She's playing with her and kanina ko pa napapansin yan. I think she liked the ring so much. Pagkarating namin sa bakuran ay agad akong nag park st naunang bumaba bago ko siya pinagbuksan ng pinto, she gave me a sweet smile bago kamo lumingkis sa braso ko.

" Magandang gabi ho nay,tay. "

Agad naman akong nagmano at gumaya si Ana na siyang ikinatuwa ni nanay.

" Aba'y kawaan ka nang diyos anak. Kumain na ba kayo? Kung hindi ay ipaghahanda ko kayo ng makakakain."

" No thank you nanay, nakakain na kami ni Erin sa hacienda bago kami umuwi dito. "

Sagot ni Ana sabay balik ng kamay niya sa braso ko. Naupo na sila nanay sa sala at nanonood ng palabas sa TV. Pasimple namang bumulong si Ana sa akin.

" Aren't you going to tell them?"

" Tell them what?"

Bangag kong tanong dito na siyang ikinasalubong ng kilay at sinamaan ako ng tingin.

" Are you being serious right now Erin?"

Ang totoo niyan ay binibiro ko lang siya, balak ko naman talagang sabihin na kina nanay kanina pa, kaya lang naunahan na ako ng chika nila. Kinurot niya ako sa gilid kaya napa aray ako.

" Ow! Oo na ito na. Hindi ka naman ma biro eh."

Agad ko siyang hinila palapit kina nanay at naupo sa may couch sa harap nila. Agad ko namang kinuha ang atensyon ng dalawa kaya napatingin ito sa amin.

" Nay, tay..... Nag proposed na po ako kay Ana kanina at umuo siya."

" Aba'y! Napakabilis mo nga naman anak oo, hahaha nakakatuwa namang kakasagot niya pa lang sa iyo kanina ay tinalian mo na agad. "

Pabulong na sabi ni nanay sa huli niyang binanggit. Si tatay naman ay natutuwa na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa amin ni Ana.

" Aba kelan ba ang petsa ng kasal at nang makapaghanda na ako? Ay jusko dapat ay magandang maganda ako sa araw na iyan Kanor, para naman makita nila kung kanino talaga nag mana itong si Inday natin!"

Natawa nalang kami da turan ni nanay bago ito sinagot ni Ana

" We will discuss about that soon po nanay, but for now,I want Erin to also properly meet my parents as well. "

Sabi nito habang malambing akong tinititigan. Napangiti ako dito saka pinisil ko ang kamay niya.

" Aba'y ayos nga naman iyon. Hala sigi kayo na muna ang mag usap ng tungkol sa bagay na iyan at kami ay maghihintay lamang. "

Matapos nang pag-uusap namin ay umakyat na kami sa kwarto at magpapahinga na rin sila nanay. Nasa may terrace ako at nagbabasa ng cook book habang si Ana ay nasa harap ng salamin at nag s'skin care. Nakasuot ako nang salamin habang seryoso kong sinusuri ang mga nakasulat sa libro nang bigla niyang hinablot iyon at agad na kumandong sa akin.

The Moon In My Night Sky   (Sugar Mommy ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon