Kabanata 2

155 12 0
                                    

Nagising si Althea dahil sa sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan. Pinapabatid nito sa mga pasahero na nakarating na sila sa kanilang unang stop over at oras na para kumain ng kanilang tanghalian at pumunta sa palikuran. Nakatulog siya tatlumpung minuto pagkatapos nilang umalis sa siyudad ng Maynila. Bumaba ng bus ang karamihan sa mga pasahero para kumain at pumunta ng palikuran. Napansin ni Althea na may nakaupo sa tabi niya. Isang babaeng halos kasing edad lang niya. Tiningnan siya nito at bahagyang nginitian.


"Hi, hindi ka ba kakain ng tanghalian o pupunta sa toilet? We have thirty minutes" Magalang na tanong ng babae sa kanya.

"Uhm, oo nga pala, iihi muna ako." Sagot niya at nginitian din nito ang babae.

Pagkalabas niya ng palikuran ay pumunta siya sa cafeteria sa harap kung saan nakaparada ang bus nila. Medyo may kaluwagan ang loob at marami-rami na rin ang kumakain. Nag-order siya ng pagkain at soda sa counter pagkatapos ay naghanap ng bakanteng upuan. Nahagilap niya ang babaeng katabi sa bus sa may sulok ng cafeteria. Kumaway ito sa kanya at nag alok na saluhan siya kaya nilapitan niya ito.

"Hi, nagpareserba ako ng upuan para sa iyo." Masayang alok ng babae.

Umupo si Althea sa tapat ng dalaga at dahan-dahang inilagay ang tray sa mesa.

"Salamat" Nakangiting sabi niya.

"Walang anuman. By the way I'm Abegail, Abby for short" Pagpapakilala ng babae sabay abot ng kamay. Agad naman siyang nakipagkamay sa dalaga.

"I'm Althea." Maiksing sagot niya.

"Nice to meet you Althea, papunta ka ba sa San Nicolas?" Tanong ulit ni Abby habang ngumunguya ng pagkain niya.

"Hindi. Sa Santa Barbara ang destinasyon ko"

"Ganun ba? Dalawang oras yun mula sa San Nicolas. Taga doon ka ba?" Nakangiting tanong ulit ni Abby.

"Hindi, pupunta ako doon para sa isang proyekto na may kaugnayan sa trabaho ko"

"I see. Ako pala ang unang bababa ng bus." Saad ni Abby.


Nagpatuloy sa biyahe ang bus bandang 12:30 ng hapon. Magkasundo na ang dalawang babae habang lumilipas ang mga oras. Kumportable silang nagpalitan ng kwento na para bang matagal na silang magkakilala. Kahit papaano ay panandaliang nakalimutan ni Althea ang lungkot at pangungulila sa pamilya dahil sa bagong kaibigan. Binigyan ni Abby si Althea ng konting deskripsiyon kung ano ang aasahan niya bayan ng Santa Barbara, na nagbibigay sa huli ng ideya kung paano niya isusulat ang kanyang mga kuwento. Tuwang-tuwa naman si Abby nang malaman niyang isang manunulat ang bago niyang kaibigan.

"Wow, yan ang pangarap ko noong bata pa ako" Masayang sambit ni Abby.

Ngunit unti-unting naging malamlam ang kanyang mga mata. Agad itong napansin ni Althea

"Bakit?" Curious na tanong niya sa bagong kaibigan.

Unti-unti ring nawawala ang masayang ekspresyon sa mukha ng dalaga.

"Nung pumanaw ang aking ama, ako ang nagtaguyod sa aking pamilya. Kaya kinalimutan ko na yang pangarap na yan.

"Sorry to know that"

Ilang sandaling binasag ng katahimikan ang kanilang pag-uusap. Saka muling nagsalita si Abby at iniba na ang usapan.

"Tungkol saan nga pala ang isusulat mo?" Tanong niya.

Unti-unti ng nawala ang lungkot sa kanyang mukha.

"Gusto kong isulat ang buhay ng misteryosang anak ng isang mayamang pamilya sa Santa Barbara."

BLOOD IS THE COLOR OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon