Ang hardin ng mansiyon ng mga Del Fuego ay mistulang karagatan ng mga bulaklak at halaman. Ang malawak na espasyo ay napuno ng lahat ng uri ng mga halaman lalo na ang mga namumulaklak na maayos na nakahilira sa patio at sa lahat ng sulok ng hardin. Sumagi sa isip ni Althea na baka isang botanist o eksperto sa mga halaman ang kanilang hardinero dahil sa tingin niya ay nandoon na lahat ng klase ng bulaklak at herbal plants. Napakaganda rin ng pagkakaayos ng buong hardin. Gayon pa man tila may kakaiba siyang nararamdaman sa lugar na hindi niya mawari.
Maingat na tinitingnan ni Althea ang bawat larawan ng halaman na nakuha niya mula kay aling Adela upang matiyak na mapipitas niya ang tamang halamang gamot at mga bulaklak para sa bath tub ni Jade. Hindi siya pamilyar sa mga halaman dahil lumaki siya sa siyudad. ang kanilang tahanan ay isang apartment na maliit lang ang likod-bahay at walang hardin.
Nakita niya sa isang sulok ng kanyang mga mata na pinagmamasdan siya ni Jade mula sa veranda habang namimitas ng mga bulaklak. Nakaramdam siya ng hiya at hindi komportableng pakiramdam. Ngunit kasabay nito, may namumuong excitement at kilig sa kaisipang nakamasid sa kanya ang magandang heredera. Hindi niya alam kung bakit niya naramdaman ang ganoong klaseng paghanga sa isang babae.
"Jade your bath tub is ready" mahinang sabi ni Althea sa amo na nakaupo sa maliit niyang mesa habang nagbabasa ng libro.
Isinara ni Jade ang libro at ibinaling ang tingin kay Althea. Napaka amo ng mukha niya. Tumama sa kanya ang sikat ng araw mula sa kanyang bintana. Dahil sa sinag ng araw ay mas nagliliwanag ang mukha ng heredera. Nagmistula siyang diyosa na nagkatawang tao at lalong nabighani si Althea.
"Salamat Althea" Sagot naman ni Jade sa pinakamatamis na tono. Nginitian niya ang kanyang bagong yaya, pagkatapos ay naglakad na ito papuntang banyo.
Napatingin si Althea sa librong binabasa ng kanyang amo. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang makita niya na ang libro ay tungkol sa pag-ibig.
Mula sa walk in closet ay dinig na dinig ni Althea ang huni ng kanyang nakababatang amo habang naliligo ito sa kanyang banyo. Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman niya ang kapayapaan habang nakikinig sa matamis na huni ni Jade. Binuksan niya ang isa sa mga cabinet upang kumuha ng roba at tuwalya para sa amo. Napansin niyang maayos na nakatupi ang mga damit, roba at tuwalya sa loob at amoy bulaklak at halamang-gamot ang buong cabinet. Ang lahat sa loob ng silid ay nagrerepresenta sa katauhan ng heredera; maganda, maayos, mabango at puno ng misteryo. Isinara ni Althea ang locker at akma na sana itong tatalikod at pupunta sa banyo nang napangsinghap ang bagong yaya sa kanyang nakita. Para siyang tuod na nakatayo lang at hindi makagalaw dahil sa pagka bigla.
Isang hubo't hubad na Jade ang nakatayo sa harapan niya. Dumadaloy pa ang mga patak ng tubig sa kanyang hubad na katawan at tumutulo pa ang kanyang buhok. Natigilan at napalunok si Althea sa kanyang nasaksihan. Hindi pa siya nakakakita ng hubad na babae sa personal at ito ang unang pagkakataon kaya nagulantang siya. Ang katawan ni Jade ay parang isang gawa ng sining. Perpekto ang hubog at bawat anggulo nito. Kailanman ay hindi pa humanga si Althea sa kagandahan ng isang babae tulad ng paghanga niya sa heredera.
"Hi, pwede bang makuha ang aking tuwalya at roba?" Nakangiting sabi ni Jade na nagpagising kay Althea mula sa kanyang ulirat.
"Sorry. Here." Inabot niya ang tuwalya at tinulungan ang nakakabatang amo sa pagsusuot ng roba.
Nanginginig ang kanyang mga kamay nang dumampi ito sa malambot at makinis na balat ni Jade. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay nalanghap niya ang nakakabighaning lavender at mabulaklak na amoy ni Jade.
"First time mo bang makakita ng nakahubad na tao?" Prangka na tanong ng heredera sa kanya na may pilyang ngiti sa labi.
Namumula si Althea. Hindi niya inaasahan na itatanong iyon ng kanyang amo. Nanginginig na naman ang mga kamay niya nang itali niya ang roba habang nakatitig sa kanya si Jade.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...