"Kumain ka na ba ng almusal mo iha?" Mahinahong tanong ng driver.
Sumulyap siya sa salamin sa itaas ng dashboard ng kotse para mas masilip ang kanyang pasahero sa likod na tahimik lang sa ilang minuto nilang paglalakbay.
"Uhm, hindi pa po. Kakain nalang po ako ng almusal pagdating natin doon sa bayan. Salamat sa pag alala manong" Magalang niyang sagot.
"Althea tama? Ako nga pala si Berto, pwede mo akong tawaging Manong Bert." Nakangiting pakilala ng matanda.
"Ikinagagalak kitang makilala Manong Bert."
Tumango at ngumiti lang ang matandang lalaki.
"Saan kita ihahatid?"
"Pakihatid nalang po ako sa may istasyon ng trysikel."
"Sige, susunduin din kita bukas sa eksaktong alas otso ng umaga sa parehong lugar."
"Yes please, thanks Manong Bert."
"Taga Santa Barbara ka ba?"
"Taga...San Nicolas po ako." pagsisinungaling niya.
Mataman siyang tinignan ng lalaki saka itinuon ang atensyon sa daan.
"Mga tatlong oras ang biyahe papuntang San Nicolas mula sa Santa Barbara. Pwede kitang ihatid kung gusto mo, maaga pa naman." alok ni Mang Berting.
Nag-alinlangan si Althea. Ilang saglit siyang nag iisip dahil ayaw niyang mag hinala ang matanda na hindi talaga siya taga San Nicolas. Mahirap para sa kanya ang pagsisinungaling ngunit kailangan niyang gawin dahil kung hindi ay baka mauwi sa wala ang kanyang proyekto.
"Salamat ngunit kailangan ko munang bisitahin ang isang kaibigan ko sa bayan." Paliwanag ni Althea.
"Ayaw mo bang bisitahin ang pamilya mo?" Tanong ng matandang lalaki.
"Tatawagan ko nalang po sila sa aking cellphone. Bibisitahin ko ho sila sa susunod na day off ko, pero salamat po sa alok niyo." Magalang na paliwanag ni Althea.
"Okay ineng, sabihin mo lang sa akin kapag nagbago ang isip mo." sagot ni Manong Berting saka itinuon ang atensyon sa daan.
"Gaano na po kayo katagal na nagtatrabaho sa mga Del Fuego Manong?"
"Naku, nagsimula ako tatlong buwan na ang nakalipas, nang misteryosong mawala ang gwardiya sa mansiyon.
"Medyo bago pa lang po pala kayo."
"Ang totoo niyan, si Fausto talaga ang driver ng pamilyang yan pero itinalaga nila siya bilang head security ng mansion at kanang kamay ni Senyor Roman. May ginawang kasalanan kasi ang dating security guard nila." Kwento ng matanda.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Althea, biglang nabuhayan ito at naging interesado sa bagong rebelasyon.
"Bakit? Anong ginawa niya?"
"Sinubukan niyang halayin si Senyorita Jade."
"Ano?" Gulat na sambit ng dalaga.
"Hating gabi daw noon at tulog na ang lahat maliban sa guwardiya. Nakita niyang umakyat si Jade sa tree house nito. Palihim niya itong sinundan sa loob at gusto niyang pagsamantalahan ang senyorita ngunit mas malakas pa sa leon si Senyorita Jade--lalo na kapag galit ito. Binali niya ang mga braso ng lalaki at nilaslas ang kanyang lalamunan. Pagkatapos ay hinulog niya ito mula sa tree house."
Napalunok si Althea na tila may nakabara sa kanyang lalamunan dahil sa rebelasyon ng matanda.
"Namatay ba siya?"
"Nakaligtas daw siya pero wala nang balita sa kanya simula noong insidenteng iyon. Nawala lang siya na parang bula."
"Paano mo nalaman ito?"
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystère / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...