Minsan ang pagbitaw ay mas makapangyarihan kaysa pananatili at pagkapit. Ito maaari ang pinakamahirap na bagay na gawin ng isang tao...ngunit minsan kailangan mong gawin dahil ito ang makakabuti.
Si Jade ay lumaki sa loob ng isang tahanan na sagana sa lahat, ngunit kailanman ay hindi siya nakaramdam ng tunay na kaligayahan na dulot ng pag ibig. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng tunay na kasiyahan, hanggang sa dumating si Althea sa buhay niya. Si Althea na isang babae ang nagparamdam sa kanya kung paano maging masaya at magmahal. Nagkaroon ng kulay ang madilim niyang mundo ng umibig siya sa dalaga. Si Althea ang kanyang pag ibig, lakas, kasiyahan at kalungkutan. Kaya gagawin niya ang lahat kahit pa isakripisyo ang kanyang sarili maligtas lamang ang babaeng pinakamamahal.
Bumalik si Jane sa kanyang cabin ilang minuto ang nakalipas pagkatapos dukutin si Althea. Kumukulo ang kanyang dugo sa galit dahil bumalik na naman sa kanyang alaala ang ka lunos-lunos na nangyari sa kanilang pamilya noon sa Punta Fuego. Gusto na niya itong ibaon sa limot ngunit tila pinaglalaruan na naman siya ng tahdana dahil sa nangyari sa kanila ni Althea. Desparado siyang mailigtas ang kasintahan at gagawin niya ang lahat mabawi lang niya ang nobya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ilang importanteng gamit at nilagay sa duffel bag. Pakatapos ng ilang sandali ay dumating ang kanyang on call bodyguard na si Mikhail Ivanov.
Nang mag desisyon siyang mag aral at manirahan sa Netherlands ay naisipan niyang kumuha ng on call bodyguard. Kahit pa man kinalimutan na niya ang masamang karanasan noon sa Pilipinas, alam niyang may mga taong darating at manggugulo sa buhay niya. Kaya inatasan niya ang kanyang assistant na si Bjorn na maghanap ng pinakamagaling na on call bodyguard o SOS. Sa lahat ng nag apply ay si Mikhail ang pinili niya dahil bukod sa black belter ito sa ibat-ibang klase ng martial arts, ay magaling din ito sa computer, pagmamaneho ng sasakyan at pati sasakyang panghimpapawid. Meron itong military background at nagtrabaho din dati bilang secret agent sa isang malaking ahensiya na nag resolba ng mga malalaking krimen sa Europa. At higit sa lahat tapat ito sa kanyang serbisyo.
"Miss Jane, where are we going?
Nakasakay na sila sa isang mountain rover na binigay niya dito noong tinanggap niya ito bilang bodyguard.
"Let's go to the hangar."
"I'm sorry I was not able to come on time. Tell me what happened." Tanong nang lalaki habang nagmamaneho.
"That bastard and his men kidnap my girlfriend, just a few minutes before I ended our conversation. It was so sudden, I didn't see it coming."
"I see. Okay, here's my take on this, we need to keep it a secret, otherwise Althea's life will be at risk."
"What do you mean?"
"If we report this to the authorities, he will surely do something bad to her. Ulrich' father is a very powerful man in this country, he has many connections and he can even manipulate the authorities."
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang dalaga
"I know right. Do you have any idea how to get my girlfriend back? How do we tract their location?" May bahid ng pagka desperado ang tono ng dalaga.
"Hmm, wait is there a computer inside your hangar?"
"Yes I have a laptop inside the hangar's mini office."
"Great. Do you know Ulrich's mobile number and model?"
"Yup, and he's using iPhone's latest model."
Nang dumating ang dalawa sa pribadong paliparan na pagmamay ari ni Jane ay kaagad naghalungkat sila sa loob ng opisina nito. Binuksan ni Mikhail ang laptop ni Jane at inumpisahan ang pag install ng software para ma track ang cellphone unit ni Ulrich. Ilang minuto lang ng kanyang ginagawa ay nakita na nila ang location ng mobile phone ng lalaki.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...