Mula sa bukas na bintana ng kwarto ni Jade, taimtim na nakamasid si Althea sa kalangitan na puno ng mga bituin. Malalim ang kanyang iniisip at ang nagniningning na mga bituin ang nagpapukaw sa kanya mula sa pagmumuni-muni. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa hubad niyang katawan kaya napayakap ito sa kanyang sarili. Saglit niyang pinagmasdan ang tulog na kasintahan sa kama. Payapa at mahimbing itong natutulog habang siya ay hindi man lang dinadalaw ng antok.
Ang daming pumapasok sa kanyang isipan, lalo na ang mga pangyayaring kanyang nasaksihan sa loob ng mansiyon at ang sitwasyon nila ni Jade. Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman, nagtatalo ang kanyang puso at isipan. May bahagi ng kanyang isipan na may pagdududa sa kasintahan at sa pamilya nito. Nagtatanong kung ano talaga ang tunay nilang pagkatao. Totoo ba ang mga haka-haka ng mga taga Santa Barbara na sila ay masamang pamilya? Gayon pa man ang kanyang mga pagdududa ay dinadaig ng pagmamahal niya kay Jade. Mahal niya ang heredera, mahal na mahal at ngayon lang siya nakaramdam ng ganito ka tindi sa isang tao. Subalit may namumuong takot sa kanyang puso. Takot dahil sa sobrang pagmamahal niya sa nag iisang anak ng mga Del Fuego ay hindi na siya makakabalik pa sa dati dahil nalunod na siya ng kanyang naramdaman.
At ang pinaka kinakatakutan niya ay kapag nalaman ni Jade na siya ay isang huwad na tagapag alaga. Paano niya sasabihin sa kasintahan ang totoo niyang pagkatao?
Nagitla siya nang may mga bisig na yumakap sa kanya mula sa likuran. Kaagad nawala ang lamig na nararamdaman niya nang madikit sa kanyang balat ang mainit na katawan ng dalaga.
"Hey, what are you doing here? Bakit gising ka pa?" Malambing na tanong ni Jade.
Binigyan nito ng mumunting halik ang balikat ni Althea.
"Hindi pa ako dinadalaw ng antok." Saad niya.
"Why? Is there something bothering you my love?"
"Wala naman. Gusto ko lang panoorin ang mga bituin sa langit. Tingnan mo, ang ganda diba?"
"Yeah, as beautiful as you." Nakangiting papuri ng heredera.
Humarap siya kay Jade at malumanay nitong hinawakan ang pisngi ng dalaga at pagkatapos ay masuyo niya itong hinalikan sa noo.
"You know what, you are such a mood. Kanina lang daig mo pa ang leon sa pagka wild mo sa kama, now you're acting like a true gentleman." Nakangiting puna ni Jade.
"Alin ba ang mas gusto mong version ko? The wild one or the gentlewoman?"
"Both?"
Ilang minuto lang ay tahimik na nagmamasid ang magkasintahan sa mga bituin sa kalangitan habang nakayakap si Jade mula sa likuran ni Althea. Tila ninanamnam ng dalawa ang kapayapaan ng gabi na magkasama sila. Parehong nag uumapaw ang kanilang mga puso sa pag ibig sa isat-isa.
"I never thought na makita at makilala kita Jade. Before I became your nanny, you are just a myth, a famous name with an imaginary face...now here you are, warm and alive at nakayakap sa akin." Pahayag ni Althea.
"Why? Anong hitsura ko sa imagination mo bago mo ako nakita ng personal? Katulad ba ng iniisip ng maraming tao?"
"Nope, although maraming tao ang nagsasabi ng kanilang mga haka-haka tungkol sa kung anong hitsura mo."
"So ano nga? Anong na imagine mo sa histura ko?"
"Mysterious and enchanting. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo. I usually look at the person's soul."
Ngumiti ang heredera at hinalikan sa pisngi ang kasintahan.
"Come with me, I'll show you something."
"Saan na naman tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Bí ẩn / Giật gânAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...