Kabanata 23

209 7 10
                                    


A part of me has departed with you

-Althea Galvan




Sa paglipas ng panahon, si Althea ay isa ng matagumpay at sikat na manunulat, tinitingala at hinahangaan ng marami. Sa paningin ng iba siya ay perpekto; maganda, matalino at matagumpay. Laging puno at pinipilahan ang mga book launching at signing ng dalaga. Napaka ganda ng kanyang ngiti sa tuwing kaharap niya ang kanyang mga tagahanga. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, malungkot siya. May puwang sa kanyang puso na hindi kayang punuan ng salapi, karangyaan at kasikatan. Kapag mag isa lang ang dalaga sa kanyang tahanan, umiinom ito ng alak at lumuluha ng patago. Hindi pa rin niya makalimutan ang taong dahilan ng kanyang kasiyahan at kalungkutan, ang tanging taong makakahilom ng sugat sa kanyang puso. Sa pagkawala ng taong yun ay kasama na ring namatay ang kanyang puso. Ilang lalaki at babae na rin ang nagtangkang mag alay ng kanilang pag ibig sa kanya, ngunit Hindi sila nagtagumpay, dahil hindi nila kayang palitan at punuan ang puwang na tanging si Jade lang ang makakagawa. Hindi niya kayang umibig sa iba dahil ang heredera pa rin ang hinahanap at sinisigaw ng kanyang puso.

Hinihimas ni Althea ang maliit na peklat sa kanyang kanang kamay. Matagal na panahon na ang lumipas simula ng gawin nila ni Jade ang ritwal ngunit sariwa pa sa kanyang alaala ang kanilang sumpaan sa gilid ng talon. Naalala pa niya ang lasa ng pinaghalong dugo nilang dalawa ng babaeng pinakamamahal.

Tinungga niya ang sinalin na alak sa kanyang baso. Napa ismid ito dahil sa magkahalong anghang at pait na lasa ng alak. Umupo siya sa kanyang mini bar habang umiinom mag isa. Alas otso pa lang ng gabi ngunit pakiramdam niya ay hating gabi na. Tatlong araw na siyang nagkukulong sa kanyang bahay kaya hindi na niya namamalayan ang oras.

"Damn it!" Bulong niya habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Nagsalin ulit ito sa kanyang baso nang dumating ang kapatid na si Jamie.

"Umiinom kana naman? Gabi-gabi ka nalang umiinom ah, baka magkasakit ka niyan Althea." May bahid ng pag alalang pahayag ni Jamie.

Nilapag nito sa counter ang dalang Japanese food at umupo sa tabi ng kapatid.

"Nagpapalipas lang ng oras, di kasi ako makatulog." Mahinang tugon ng dalaga.

"Nag aalala na sayo si Papa. Tumawag kasi yung katulong mo nung isang gabi, nakatulog ka raw sa sofa dahil sa kalasingan."

"Hayaan niyo muna ako J, dito lang ako sa alak nakakalimot."

"Thea, tatlong taon na ang nakalipas simula nung kinasal si Jade. At tatlong buwan na rin ang lumipas simula nung magcrash ang eroplano na sinakyan nila, she's gone permanently. Pero ikaw buhay pa, please pahalagahan mo naman ang sarili mo."

"Wala ng halaga ang buhay ko Jamie, ano pang silbi ko sa mundo, wala na si Jade, wala ng saysay ang lahat."

"Paano kami ni Papa? Hindi ba kami mahalaga sayo? Alam mo nakakatampo kana ha. Nung kinasal ako, hindi ka dumalo dahil nasa Netherlands ka nun. Nung nanganak ako, wala ka rin dahil may book launching ka. Nung birthday ni Papa, late kana dumating, lasing ka pa. Nung binyag ng pamangkin mo wala ka rin. Mahalaga ba kami sayo Althea?" May tampong pahayag ni Jamie

"I'm sorry." Malungkot na tugon ng dalaga.

"Hindi ko alam kong kasali pa ba kami sa buhay mo, kasi parang wala lang kami sayo eh. Kailangan ka namin Thea, nandito pa kami sana maisip mo yan. Anyway I have to go, kainin mo yang Japanese food na dala ko para sayo." Malungkot na wika ng nakababatang kapatid.

BLOOD IS THE COLOR OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon