Kabanata 4

109 8 0
                                    

Nagising si Althea sa malamig na hangin na tumatama sa kanyang balat. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napagtantong nakahiga siya sa isang malaking sofa. Hindi siya pamilyar sa lugar at hindi niya alam kung bakit siya nandoon. Sa bandang dulo ng silid ay may isang bukana na may manipis na puting kurtina na nagsilbing parang silweta. Kumurap ang kanyang mga mata at nakita niya ang babaeng may mahabang buhok at maputlang balat na nakatayo sa kabilang bahagi ng kurtina. Agad na bumangon si Althea para tignang mabuti ang nakatayong pigura ngunit agad din itong tumalikod at tumakbo. Mabilis na sinundan ni Althea ang misteryosang babae ngunit bigla nalang itong nawala sa madilim na hallway. Muling nagising si Althea na gulong-gulo ang isipan. Nagkaroon na naman siya ng kakaibang panaginip tungkol sa misteryosang babae.

"I need to go J, hinihintay ako ni Ruby sa terminal" Paalam ni Althea sa kapatid sa kabilang linya.

"Thea please take care, susundan kita diyan kapag tapos na ako sa mga paper works ko dito." Sabi ni Jamie sa nag-aalalang tono.

"Okay pero wag mong sabihin kay papa yung sinabi ko sayo." Paalala niya.

"Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya ngunit kailangan mo akong balitaan sa mga kaganapan sayo diyan."

Tinawagan niya si Jamie pagkatapos niyang kumain ng almusal at sinabi sa kanya ang bawat impormasyong nakalap niya kay Ruby. Hindi siya sigurado kung magandang ideya na susundan siya ng kanyang adopted sister sa Santa Barbara. Huminga ng malalim si Althea. Hindi niya alam kung may signal ng cellphone sa Punta Fuego. Ayon sa paglalarawan ni Ruby sa lugar, malapit ito sa bundok at medyo malayo sa kabihasnan. 

"Susubukan ko Jamie, kailangan ko nang umalis."


Naglalakad si Althea papuntang terminal ng jeepney kung saan sila magtatagpo ni Ruby. Medyo malapit lang ito mula sa kanyang tinutuluyang hotel. Napagkasunduan nilang magkita sa terminal upang mapadali ang biyahe nila. Dala-dala niya ang kanyang katamtamang laki na duffel bag na naglalaman ng kanyang mga pekeng kredensyal at mga dokumento. Bago ang kanyang paglalakbay papuntang Santa Barbara, nagpagawa si Ray ng mga pekeng dokumento at kredensyal para sa kanya kung sakaling kunin siyang trabahador ng mga Del Fuego. Alam nilang pwede siyang hingi-an ng dokumento o pa imbestigahan ng mga ito, kaya gumawa ng paraan ang kanyang amo.

Nakasuot siya ng simpleng button down na checkered long sleeve, black tight-fitted jeans at isang pares ng white sneakers. Itinali niya ang kanyang buhok at naglagay ng light make up. Mukha siyang tipikal na babaeng probinsyana. Walang sinuman ang talagang maghihinala na siya ay isang mamamahayag mula sa Manila.

"Althea!" tawag ni Ruby habang kumakaway ito sa kanya.

"Hi!" Nakangiting naglakad si Althea papunta sa kinatatayuan ni Ruby.

"Handa ka na ba?" Tanong ng babae na may bitbit na supot at backpack.

Tumango lang si Althea.

Ang kanilang paglalakbay mula sa sentrong bahagi ng bayan ay tumagal ng isang oras bago nila marating ang lumang tulay. Kaunti lang ang mga pasahero sa loob ng labing-anim na sitter na sasakyan. Napansin ni Althea na dumaan sila sa malawak na maisan at palayan sa magkabilang gilid ng kalsada. Naisip niya na isang progresibong bayan ang Santa Barbara pagdating sa agrikultura. Mataba ang lupain kaya sagana sila sa mga palay, mais, gulay at mga prutas.

Nang marating nila ang lumang tulay, namangha si Althea dahil sa ganda nito. Ang disenyo ay napakahusay ng pagkagawa. Gawa ito sa kahoy ngunit napalibutan ng mga bulaklaking halaman. Napakagandang tingnan na mistulang nasa ibang panahon ka. Ang bawat panig ng tulay ay ginagapangan ng mga ligaw na bulaklak. Parang entrance to heaven na makikita mo lamang sa mga pelikula. May ilang nagtitinda ng prutas at kamote sa gilid ng bukana. Walang sasakyang pinapayagang tumawid sa tulay maliban sa mga bisikleta, kaya ang lahat ng mga pasahero ay kailangang maglakad upang makatawid sa kabilang dulo ng tulay. Binagalan ni Althea ang kanyang paglalakad. Nagpiyesta ang mga mata niya sa magandang tanawin ng lugar. Sa ilalim ng tulay ay makikita ang isang lawa na may napakalinaw na tubig at mga patong lumalangoy. Kinuha niya ang kanyang telepono at kumuha ng ilang litrato. Pagdating nila sa kabilang gilid ng tulay, maymga tricycle na ang naghihintay sa mga papasok na pasahero.

BLOOD IS THE COLOR OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon