Nagmamadaling pinindot ni Althea ang number button ng elevator. Medyo gusot ang buhok na hanggang balikat dahil sa pagmamadali at unti-unting namumuo ang mga pawis sa noo habang nakatingin sa kanyang relo. Late na siya ng labinlimang minuto sa meeting nila ng kanilang Editor in Chief. Ang pagiging newbie writer ng isang kilalang pahayagan ay mahalaga para sa kanya, dahil kailangan niyang masabayan ang kanyang koponan na karamihan ay kilala sa kanilang larangan. Kailangan niyang mapabilib ang kanyang amo sa bawat kwento at nilalaman na kanyang isinusulat. Pinangarap niyang maging isang mamamahayag at manunulat mula pa noong high school at nagsisikap siya upang maging bahagi ng pinaka prestihiyosong magasin sa bansa. Simula noong unang araw ng kanyang pagtatrabaho sa kanilang opisina ay ito ang unang pagkakataon na mahuli siya sa oras ng pagtitipon. Si Althea ang tipo ng tao na gustong maging maayos ang mga bagay-bagay, perpeksiyonista sa madaling salita. At pinakaayaw niya ay mahuli sa trabaho.
"Good morning Steph, nandito na ba si boss Ray?" Tanong niya sa office secretary habang pinupunasan ang kanyang noo.
"Yes Miss Althea, nasa loob na siya ng board room" Nakangiting sagot ng sekretarya.
"Shit." Sambit niya habang inaayos ang sarili.
"Huwag kang mag-alala kasalukuyan pa siyang nagkakape." Nakangiting sabi ng sekretarya sa dalaga.
"Salamat Steph." Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng boardroom kung saan naghihintay ang kanyang amo.
Si Ray Suzara na amo at mentor ni Althea ay isang mahigit singkwenta anyos na kilalang manunulat at editor in chief ng Urban Stories. Isang sikat na news magazine na kinahuhumalingan ng mga mambabasa dahil sa kakaibang laman at kwento nito. Si Ray ay isa ring award winning na documentary writer na iniidolo ni Althea mula pa noong nasa kolehiyo siya. Nang malaman niya na si Ray ang Editor In Chief ng Urban Stories, mas lalong lumalim ang kanyang pagnanais na maging mentor ang lalaki. Ngayong bahagi na siya ng prestihiyosong pahayagan, gagawin niya ang lahat para makamtan rin ang narating ni Ray Suzara.
"Oo, narinig ko ang tungkol sa mga Del Fuego sa Santa Barbara, ngunit hindi nila pinahihintulutan ang pakikipanayam at isapubliko ang mga detalye tungkol sa kanilang nag iisang anak. Imposibleng makakuha tayo ng scope patungkol sa misteryoso nilang anak." Paliwanag ni Althea habang nagkakape ang dalawa sa mahabang mesa ng boardroom.
Humigop ang lalaki sa kanyang tasa bago matamang tumingin sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.
"Alam ko. Sagot ng lalaki. Tumikhim ito bago nagsalita ulit.
"Ilang beses ko nang sinubukang makipag-ugnayan sa pamilyang iyon." Tumigil ito at nagsindi ng sigarilyo.
"So? Nakapanayam mo ba ang anak nila?" Tanong ni Althea. Makikita ang kyuryusidad sa mukha niya.
"Of course not" Hinithit muna niya ang hawak na sigarilyo saka nito inilagay sa ashtray.
"So why push through now if you already failed to convince them many times? Ano ang katiyakan natin na papayagan ng mga Del Fuego ang mga mamamahayag na isapubliko ang kuwento ng kanilang anak?" Tanong ng dalaga
Sandaling natahimik si Ray at sumandal sa kanyang upuan. Kalmado ang mukha nito habang tinitingnan ang kausap.
"Mayroon akong plano at ito lang ang tanging paraan upang makapasok tayo sa loob ng mansiyon ng mga Del Fuego."
"Ano ito? Tanong ulit ng dalaga.
Mababanaag sa kanyang mukha ang magkahalong curiosity at excitement.
"Mag-a-apply ka bilang kasambahay nila." Kalmadong sagot ni Ray.
Bahagyang lumaki ang mga mata ng dalaga na tila di makapaniwala sa narinig.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Misteri / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...