Kabanata 8

124 8 0
                                    

Napangiti si Althea hanggang tainga matapos basahin ang note ni Jade para sa kanya. Maliit na bagay lang iyon pero nakaramdam siya ng tuwa. Inilagay niya ang liham sa loob ng kanyang bulsa at ang dilaw na bulaklak sa flowerbase na nakalagay sa gilid ng mesa. Matapos linisin ang silid ng tagapagmana, bumaba siya sa hardin upang pumili ng mga halamang gamot at bulaklak para sa bathtub ni Jade. Wala rin siya doon. Hinanap ni Althea ang kanyang amo sa mga sanga ng mga puno baka sakaling nandoon nakatambay ang dalaga ngunit wala ni bakas at anino niya. Sa hindi malamang dahilan, medyo nadismaya siya dahil ilang oras na niyang hindi nakikita si Jade simula noong nakita niya ito kagabi sa veranda.

Pagkatapos niyang mamitas ng mga halamang gamot at bulaklak na kailangan niya, nagpasya siyang dumaan sa lihim na daanan na ipinakita sa kanya ni Jade. Medyo madilim ang buong basement at ang tanging ilaw lang ay ang maliit na vintage lamp sa magkabilang gilid ng hallway. Nasa kalagitnaan na siya ng basement at sa pintuan sa ikalawang palapag nang makarinig siya ng kaluskos at mahinang boses. Boses ito ng babae at sa tono ng boses ay parang nasisindak. Lumingon si Althea at tinignan kung saan nanggaling ang boses pero bigla itong tumigil. Umiling siya sa pag-aakalang nag-iimagine lang siya ng mga bagay-bagay at nagpatuloy pabalik sa kwarto ni Jade.

Ilang oras na ang lumipas mula nang ihanda ni Althea ang bathtub ni Jade ngunit hindi pa rin nagpapakita ang tagapagmana. Nagpasya siyang pumunta sa kusina para kumuha ng kape. Nakalimutan niyang kumain ng almusal dahil abala siya sa pag aasikaso sa kanyang nakababatang amo. Abala naman ang mga kasambahay sa kusina sa mga gawaing bahay kaya nagluto nalang si Althea ng almusal para sa kanya at kay Jade. Wala siyang ideya sa paboritong pagkain ng heredera ngunit susubukan niyang magluto ng sa sariling paraan.

Dala-dala ang tray na may dalawang mug ng kape, sariwang prutas, French toast, at piniritong itlog nang pumasok siya muli sa kwarto ng senyorita. Pero pagbukas niya ng pinto nagulantang siya nang makita ang mga patak ng dugo sa sahig papunta sa banyo. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesa at mabilis na nagtungo sa banyo ng amo. Nakaupo na si Jade sa tub at kasalukuyang naliligo. Nagkalat din ang damit niya sa sahig na may bahid ng dugo.

"Jade a--ayos ka lang? Hinanap kita simula kaninang umaga." Sabi ni Althea sa nag-aalalang boses.

"I'm fine Althea, huwag kang mag-alala." sagot ni Jade. Pagod at mahina ang boses niya at hindi rin siya tumitingin kay Althea.

"May nagkalat na dugo sa sahig at..."

Hindi na nakapagtapos si Althea ng sasabihin nang may isang boses mula sa likuran niya ang sumambat. Walang iba kundi ang punong kasambahay.

"Siya ay nasa kanyang buwanang regla." Pumasok si Adela sa banyo. Matigas at madilim ang mukha nito.

"Oh." Nawala ang pag alala ni Althea sa narinig.

"Pakisabi sa mga kasambahay na linisin ang sahig ni Senyorita at ang mga damit na nagkalat." bilin ni Adela sa yaya.

Bumalik si Althea sa kusina at ipinaabot sa mga kasambahay ang iniutos ni Adela. Babalik na sana siya sa kwarto ng amo pero sinalubong siya ni Adela sa hallway at inutusan ulit na sundan si Jade sa likod-bahay. Tumalima naman si Althea at pumunta sa likod ng mansion.

Ang likod-bahay ay isang kapansin-pansing tanawin. May gazebo na pinalamutian ng iba't ibang ligaw na orchids. May tatlong maliit na kulungan ng ibon na gawa sa bakal. Nakasabit ito sa bawat gilid ng gazebo at may lamang iba't ibang uri ng ibon sa loob. Marami ring nakatanim na mga prutas at iba pang nakakain na halaman sa paligid. Maraming rebelasyon ang mansion ng mga Del Fuego, sa bawat araw ni Althea sa loob ng mansiyon ay may nadidiskubre siya

"Althea." Isang matamis at medyo malalim na boses ang pumutol sa kanyang malalim na pag-iisip. Paglingon niya ay nakita niya si Jade na nakatayo at nakangiti. Nakasuot siya ng kupas na maong at off shoulder flowery printed blouse. Para siyang isang sikat na estudyante sa kolehiyo na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Ang kanyang buhok ay nakapusod na lalong nagpapakita ng kanyang maganda at maamong mukha. Walang make-up ang kanyang mukha at napaka preskong tingnan.

BLOOD IS THE COLOR OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon