"Minsan ang tadhana ay mapaglaro"
-Wandering Thoughts
"Are you enjoying the view love?" Tanong ni Jane sa kasintahan habang naka sakay sila sa kanyang convertible Bentley papuntang countryside o probinsiya sa Netherlands.
"Yes my love, thank you for bringing me here!"
Ipinasyal niya si Althea sa mga magagandang tanawin sa labas ng siyudad. Una nilang pinuntahan ay ang Zaanse Schans, isang probinsiya sa Netherlands na kilala sa kanilang historical windmills at tradisyunal na mga bahay. Napakaganda at maaliwalas ng mga lugar na kanilang nadadaanan kaya parang bata na napatayo si Althea sa kanyang upuan para yakapin ang malinis at malamig na simoy ng hangin habang nagmamaneho ang kasintahan. Napangiti nalang si Jane habang nagmamaneho nang makitang nag e-enjoy ang kasintahan sa mga magagandang tanawin na kanilang nadadaanan
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras nilang pamamasyal ay huminto sila sa gilid ng kalsada. May maliit na daan papunta sa kakahuyan at tanging tao lang ang pwedeng dumaan kaya bumaba sila ng sasakyan at naglakad papunta sa cabin na pagmamay ari ni Jade. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating na ng dalawa ang cabin. Nasa gitna ito ng kakahuyan at sa kaliwang gilid nito ay may maliit na sapa na nakadagdag sa napakagandang kapaligaran. Gawa ang cabin sa mamahaling klase na kahoy at napakaganda ng desinyo. May mga bulaklak at halaman din ang nakatanim sa paligid nito. Pagkapasok nila sa loob ng cabin ay nakita kaagad ni Althea ang kanyang self portrait painting na ginawa ni Jade noong nasa mansion pa sila, nakasabit ito sa dingding sa may sala. Ang cabin ay nagre-representa ng mga paborito ni Jade, mula desinyo, kagamitan at paraan ng pagkakaayos, parang replika ito ng treehouse niya sa mansion.
"Wow ang ganda naman dito lab, sayo ba ang cabin na ito?" Tanong ni Althea pagkapasok nila sa loob. Nilapag niya ang dalang duffel bag sa upuan na kahoy sa may sala habang pinagmamasdan ang buong kabahayan.
"Yup. I bought this during my mid-year in grad school. Dito ako tumatambay kapag gusto kong mapag isa.
"Mahilig ka talaga sa ganitong setup noh? Naalala ko tuloy yung dating treehouse mo sa mansion, parang ganito rin yun eh." Komento ni Althea.
Biglang natahimik si Jane at unti-unting namumutawi ang lungkot sa kanyang mga mata. Napansin yun ni Althea kaya nilapitan niya ang nobya at hinawakan ang kamay nito.
"I'm sorry lab. Hindi ko na dapat binanggit pa ang nakaraan. Alam kong masakit pa rin sayo ang mga nangyari noon."
"It's okay Thea"
Lumapit sa may bintana ang heredera at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatanaw sa labas.
"Yes, masakit pa rin sa akin lalo na kapag naiisip ko ang sinapit ng aking mga magulang at ng buong sambahayan."
Lumingon ito kay Althea at tiningnan siya ng masinsinan sa mata. Isang tingin na puno ng pag asa at pagmamahal.
"But I'm fine now dahil kasama na kita."
"Babalik ka ba ng Pilipinas?"
"Yes of course. Punta Fuego will always be my home, that's where my heart belongs to. Pero kailangan ko munang tapusin itong master's degree ko."
Lumapit si Althea sa kasintahan at niyakap niya ito mula sa likuran.
"Lab, you have achieve more than enough. The fact na napagtagumpayan mo yung karamdaman mo before at nakapagtapos ka pa ng kolehiyo. You've conquered it all Jade, wala kanang dapat patunayan pa."
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...