Biyernes ng umaga at gaya ng dati maagang nagising si Althea para gawin ang kanyang pang araw-araw na routine. Pagkatapos mag ayos ng higaan ni senyorita Jade ay pumunta siya sa kusina para kumuha ng almusal. Ang mga kasambahay ay abala sa kanilang mga gawain sa loob ng napakalaking kusina. Amoy na amoy niya ang mabangong pagkain at bagong timplang kape na inihanda ng in-house chef ng pamilya. Gaya ng dati, binigyan siya ng chef ng dalawang tray na may parehong food sets at muli siyang sinamahan ng kasambahay na tumulong sa kanya na dalhin ang pagkain sa tree house noong isang araw. Sa lahat ng kasambahay sa mansiyon, siya ang mas madaling lapitan dahil palakaibigan ito. Sa tantiya niya ay kasing edad lang niya ang katulong. Naglakas loob siyang magtanong habang papunta sila sa tree house.
"Ana, maari ba akong magtanong sa iyo?
"Ano ang iyong nais itanong?"
Sino si Santiago? Nagtatrabaho ba siya sa bahay na ito?" Mahina niyang tanong upang hindi sila marinig ng ibang mga tao sa mansiyon.
Tinitigan siya ng kasambahay na tila may pag aalinlangan.
"Bakit?" Balik-tanong ng kasambahay.
"Muntik na niya akong saktan kagabi—at may sinabi siya na ikinabahala ko"
"Talaga? Ano ang sinabi niya?"
"Sabi niya, di kalaunan ay isa rin daw ako sa mga biktimang ililibing sa lugar na ito na pinabayaan ng Diyos. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin at kung bakit niya sinabi iyon.
Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ng katulong. Nakita ni Althea ang takot at pangamba sa kanyang mga mata.
"Si Santi ay anak nina Manang Adela at Sir Fausto. Siya ang hardinero sa bahay na ito at nagsisilbing bantay kapag gabi. Pero kung ako sayo, iiwasan ko siya." Babala ng katulong.
Medyo nagulat si Althea sa paghahayag ng dalaga na si Santi ang hardinero sa mansiyon. Ibig sabihin mali ang teyorya niya na ang hardinero ng pamilya ay isang botanista.
Malayong malayo ang lalaki sa pagiging botanist dahil mukha itong lasenggo na hindi naliligo ng ilang araw. Ni hindi mo akalain na may alam ito sa pag aalaga mga bulaklak at halaman.
"Sigurado ka bang siya ang hardinero?" naguguluhang tanong ni Althea.
"Oo."
"Pero hindi ko pa siya nakita sa loob ng mansyon simula nung araw na mag umpisa akong magtrabaho dito."
"Hindi mo siya makikita kapag araw. Madalas siyang nagtatrabaho sa gabi. Siya ay isang weirdo at sabi ng ibang kasambahay na matagal na dito, pervert daw yan si Santiago. Kaya please iwasan mo na siya" Halos pabulong na sabi ng katulong matapos niyang luminga sa buong paligid.
**************
Tahimik lang si Jade buong araw, ni hindi nakikipag-usap kay Althea na ipinagtataka nang huli. Naninibago siya sa paraan ng pagtrato sa kanya ni Jade. Nang gabing iyon, dinala niya ang bote ng gatas ng kambing sa silid ni Jade at buong tapang na tinanong ang heredera kung siya ba ay galit.
"Jade" mahinahong tawag niya pagkatapos mailapag ang bote ng gatas.
Nakatayo lang siya sa harap ng heredera na kasalukuyang nagbabasa ng libro
"Yes?" Sagot ni Jade nang hindi tumitingin sa kanya.
Abala ito sa pagbubuklat ng mga pahina ng libro.
"Galit ka ba sa akin?" Nag-aalangan niyang tanong.
Lumingon ang nakababatang amo at mataman siyang tiningnan nito.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Bí ẩn / Giật gânAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...