The ultimate possession was, in fact, the taking of the life. And then, the physical possession of the remains.
************
Kumurap ng ilang beses si Althea. Sinisiguro niya kung namalik-mata lang ba siya o totoo ang kanyang nakita. Sa hilagang bahagi ng hardin ay may isang lalaking taimtim na nagbubungkal ng lupa. Sa tindig, buhok at kilos ay kilala niya ito. Ang lalaki ay walang iba kundi ang hardinero na anak ng mag-asawang katiwala ng mga Del Fuego. Unti-unting kinutuban si Althea. Kailangan niyang magmatyag ng mabuti kung bakit naghuhukay ang lalaki. Hindi niya inalis ang mga mata sa hardinerong nagbubungkal at ilang segundo lang ay tumigil ito sa paghuhukay. Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Althea nang makita niyang may hinila ang lalaki mula sa loob ng sako at laking gulantang niya ng makita ang isang bangkay. Nabalot ng dugo ang leeg nito at sa tingin niya ay isa itong babae base sa mahaba nitong buhok at damit na sinusuot. Lalong nagitla ang dalaga ng mapagtanto niya na ang bangkay ng babae ay walang iba kundi ang katulong na lagi niyang kausap, si Ana. Pagkatapos malantad ng buo ang bangkay mula sa sako ay walang pakundangang inihagis ito ni Santiago sa hukay at pagkatapos ay unti-unting tinabunan ng lupa. Kinilabutan at nanlamig ang buong katawan ni Althea sa nasaksihan. Isinara niya ang bintana at nagpalakad lakad sa kanyang silid na mistulang hindi alam ang gagawin. Sobrang nagulantang siya sa kanyang nasaksihan kaya pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Kailangan niyang ipaalam ito kay Jade, kailangan niyang makausap ang dalaga.
Halos patakbo siyang pumunta sa kwarto ni Senyorita Jade ngunit pagbukas niya ng pinto ay wala doon ang kasintahan. Lumabas siya at naisipang pumunta ng hardin upang hanapin ang heredera. Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso habang patakbong binabaybay ang malawak na hardin papunta sa tree house ni Jade. Hingal na hingal si Althea pagdating sa punong-kahoy kung saan nakalagay ang tree house. Aakyat na sana ito sa hagdanan nang may biglang humawak sa kanya. Unti-unting lumabo ang kanyang paningin at nahihirapan siyang huminga. Naaninag niya ng bahagya ang taong humawak sa kanyang braso ngunit hindi niya alam kung sino ito at ilang segundo pa ay nagdilim na ang paligid niya.
Nagising si Althea sa sakit ng kanyang ulo. Mainit ang kanyang katawan ngunit nilalamig siya. Inilibot niya ng bahagya ang kanyang paningin at napansin niya na wala siya sa sariling kwarto.
"Hello my love, how are you feeling right now?" Bungad ni Jade.
Ang napakagandang mukha ng heredera ang kaagad naaninag niya. Yumuko ito at hinalikan siya sa noo. Nakalugay ang kanyang buhok at nakasuot pa ito ng kanyang robang pantulog. Napagtanto niyang nasa kwarto siya ng kansintahan.
"Jade, bakit ako nandito sa kwarto mo? A--anong nangyari kagabi?"
"Hinimatay ka mahal ko at inaapoy ka ng lagnat kaya dinala kita dito sa kwarto ko."
"Jade.."
"What is it mahal ko?"
"May pinatay kagabi, nakita ko may inilibing na bangkay si Santiago doon sa hardin." Pahayag ni Althea garalgal na boses.
"My love what are you talking about? Walang inilibing, nag tatanim lang ng halaman si Santi,, it's his job bilang hardinero." Kaswal na paliwanag ni Jade
"Pero Jade, I saw it with my own eyes last night. Kinuha niya mula sa sako ang bangkay ng katulong dito! Oo, kilala ko yung bangkay siya ay katulong dito at pinatay siya..."
"Ssssh, huminahon ka mahal ko, walang pinatay na katulong dito. Bunga lang yan ng mataas mong lagnat, magpahinga ka muna okay?" Malambing na saad ng heredera.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...