Isang itim na paru-paro na may tuldok-tuldok na lila sa magkabilang pakpak ang dumapo sa kaliwang balikat ni Althea pagkatapos niyang lumabas ng mansyon. Sinubukan niyang hawakan ngunit lumipad ito. Sinundan niya ang paru-paro na lumipad patungo sa gitnang bahagi ng hardin ng isang mansion. Pagkatapos ay nakita niyang hindi lang isa kundi maraming paru-paro na may iba't ibang kulay ang nagliliparan sa mga puno ng akasya. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Althea hanggang sa maramdaman niyang may humawak sa kanyang paa. Ngunit nang tumingin siya sa baba, isang kamay mula sa lupa ang nangangapa sa kanyang kaliwang bukung-bukong. Natakot siya at hindi makagalaw. Sinubukan niyang tanggalin ang kanyang paa ngunit may isa pang kamay na lumabas sa ilalim ng lupa at humawak sa kabilang paa niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at parang dahil sa takot. Sinubukan niyang sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
"Althea!" Bahagyang niyugyog ni Ruby ang balikat ng kaibigan.
"Huh?" Naguguluhang sambit ng dalaga habang kinukusot ang kanyang mga mata.
"Umuungol ka habang natutulog. Masama ba ang panaginip mo?" Nag-aalalang tanong ng nakababatang babae.
Sumandal si Althea sa upuan ng sasakyan at pumikit. Napagtanto niyang nagkaroon na naman siya ng kakaibang panaginip. Naalala niya na nakatulog pala siya habang nasa loob ng jeepney. Pagkalabas nila ng mansyon, bumalik sila sa tirahan nila Ruby upang magpaalam kay Lola Luisa. Pagkatapos ay bumalik sa lumang tulay upang sumakay sa huling biyahe ng jeep papuntang bayan. Mag alas-singko na ng hapon at inaantok na ang mga pasahero dahil sa malamig na panahon, maliban kay Ruby. Uminom ito ng kape na inihanda ni Lola Luisa para sa kanila habang si Althea ay hindi na makuhang uminom dahil sa kanyang kasabikan. Hindi pa rin siya makapaniwala na siya ay tinanggap sa trabaho ng mag-asawang Del Fuego pagkatapos ng kanyang panayam.
"Nanaginip ka ba na maging pinakamagandang yaya?" Pang-aasar ni Ruby. Malapad ang ngiting nakatitig ito sa kaibigan na naalimpungatan pa rin.
"Siguro. O baka pagod lang ako." Dahilan ni Althea para itago ang kanyang emosyon.
Ang totoo ay nababahala siya sa kanyang madalas pagkakaroon ng kakaibang panaginip. Hindi niya sinabi ang tungkol dito sa kanyang kaibigan dahil ayaw niyang isipin nito na may sayad siya.
Dumating sila sa terminal ng dyip sa bayan ng sampung minuto pasado alas singko. Napagdesisyunan ni Althea na sumakay ng ibang trysekel dahil ayaw niya na malaman ni Ruby na tumutuloy siya sa isang hotel. Pumayag naman ang huli dahil malayo rin ang boarding house niya sa pupuntahan ni Althea. Nang marating nila ang istayon ng trysikel, sumalubong sa kanila ang maraming taong nagkukumpulan at ang tunog ng mga sirena ng sasakyan ng pulis. Dalawang pulis ang nakikipag-usap sa isang matandang lalaki at ang iba pang pulis ay naglalagay ng yellow crime tape. Dahil sa curiosity, nagmamadaling naglakad ang magkaibigan at sinubukang pumuslit sa kumpol ng mga tao para lang masilip kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Dumating ang isang ambulansya at isang bangkay ng lalaki ang kinuha at inilagay sa loob ng isang cadaver bag. May malaking hiwa ito sa itaas ng kaliwang dibdib, na para bang dinukot ang puso sa dibdib. May butas din ang lalamunan nito na tila ginilitan. Nagimbal sina Althea at Ruby sa kanilang nasaksihan. At sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig ng dalawa ang pag uusap ng mga pulis at ng matandang lalaki. Nalaman nilang ang bangkay ay isa na namang biktima ng serial killer at itinapon sa tabi ng trike station sa kalagitnaan ng sikat ng araw.
*********
"Paano ka namin makokontak kung hindi ka pinapayagang gamitin ang iyong telepono?" Sambit ni Jamie sa kabilang linya.
Medyo may inis ang tono ng pananalita nito.
"Ako ang tatawag sa iyo kung may pagkakataon akong makapunta dito sa bayan. Sigurado akong bibigyan nila ako ng day off. Tsaka walang signal sa loob ng mansiyon."Paliwanag ni Althea sa kapatid.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...