Napakagat ng labi si Althea nang bumaon ng bahagya sa kanyang palad ang maliit na kutsilyong binigay noon sa kanya ng kaibigang si Ruby. Pumatak ang kanyang dugo sa maliit na tasang hawak ni Jade. Nagkasundo ang dalawa na gawin ang ritwal na kinaugalian ng angkan ni Jade sa tuwing iibig sila.
Sa may di kalayuan ay nakaupo at nakamasid lang si Santiago sa dalawa habang ginagawa ang ritwal. Nasa gilid sila ng talon kung saan nakatago ang sekretong kweba na puno ng ginto. Hinihintay niya na matapos ang dalawa sa kanilang pamamaalam sa isat-isa.
"Ang magkahalong dugo natin ay simbolo ng ating pagiging isa. Mahal ko, saan man ako mapunta dala-dala ko ang pag ibig mo. Sa pamamagitan ng dugong ito magiging isa ang ating puso at kaluluwa. Mahal na mahal kita" Madamdaming pahayag ni Jade, pagkatapos ay uminom ito sa hawak na tasa.
Pagkatapos niyang uminom ay binigay niya ang tasa sa kasintahan at ininom din nito ang huling patak ng kanilang pinaghalong dugo.
"Jade, ang dugo ko at dugo mo ay iisa hanggang sa huling hininga natin. Kung magkakalayo man tayo dadalhin at panghahawakan ko ang pagmamahal na ito hanggang sa muli nating pagtatagpo. Mahal na mahal kita." Puno ng sensiridad na litanya ni Althea.
Pagkatapos lagyan ng bendahe ang kanilang mga sugat sa kamay ay mahigpit na nagyakap ang magkasintahan. Ilang minutong nagyakapan ang dalawa at walang gustong bumitaw ngunit kailangan ng umalis ni Althea. Parehong basa sa luha ang kanilang mga mata nang maghiwalay mula sa pagkakayakap. Hinawakan ni Althea ang magkabilang pisngi ni Jade. Masuyong hinahaplos na parang kinakabisado niya ang bawat detalye at anggulo sa mukha ng dalaga. Kinuha naman ni Jade ang kamay ng nobya at masuyo itong ginawaran ng halik.
"Paalam Jade" Madamdaming pamamaalam ng dalaga sa kasintahan.
"Paalam mahal ko, hanggang sa muli nating pagkikita." Pamamaalam ni Jade.
***********
"Ito na ba ang bahay ng kaibigan mo?" Tanong ni Santi habang inaalalayan niyang bumaba si Althea mula sa likuran ng kabayo.
"Oo. Wag mo na akong ihatid sa loob, kaya ko na ang sarili ko." Pahayag niya nang makitang nag aalala ang lalaki.
Pagkatapos nilang magpaalamanan ni Jade sa may talon ay ipinahatid siya nito kay Santiago sa bahay nila Ruby upang ipaalam sa pamilya nito ang sinapit ng dalaga.
"Mag ingat ka Althea." Paalala ng lalaki pagkatapos ay sumakay na ito sa likod ng kabayo.
"Salamat Santi, mag ingat ka rin."
Ilang hakbang na ang nilakad ng kabayo lulan si Santiago palayo sa kinatatayuan ng dalaga nang bigla nitong tawagin ang lalaki. Huminto ang kabayo at nilingon ni Santi ang dalagang nakatayo pa rin sa labas ng kubo.
"Bakit Althea, may kailangan ka pa ba?" Wika nito.
"Wag mo sanang pabayaan si Jade...please" Puno ng senseridad na pakiusap ng dalaga.
Tumango ang binata.
"Makakaasa ka, hindi ko pababayaan ang Senyorita Jade.
Pagkaalis ni Santi ay pumasok na si Althea sa loob ng bakuran nila Ruby. Habang papalapit siya sa kubo ay may narinig siyang nag uusap sa loob. Pamilyar ang boses nang isa sa nagsasalita kaya dali dali siyang umakyat at kumatok sa may pintuan.
"Sino yan?" Narinig niyang tanong ni Tiyo Gabriel.
"Tiyo Gab si Althea po ito." Narinig pa niyang binanggit ng boses ng babae ang kanyang pangalan.
BINABASA MO ANG
BLOOD IS THE COLOR OF LOVE
Mystery / ThrillerAmbitious writer Althea Galvan is determined to write a story about the mysterious daughter of a very wealthy family. Unfortunately, the family was known to be very evasive and protective of their only child, so no media, journalists, or television...