Kabanata 20

161 8 2
                                    

Who knows how long I've loved you,

you know I love you still.

Will I wait a lonely lifetime?

If you want me to, I will.


Ilang minuto mula sa paglabas ni Althea sa paliparang pandaigdigan ng Amsterdam ay dumating ang kanyang sundo na taxi. Habang nasa biyahe papuntang hotel na kanyang tutuluyan ay pinagmamasdan ni Althea ang kanilang mga nadadaanan. Ang desinyo ng mga gusali ay klasiko at mistulang pinagtagpo ang unang panahon at ang kasalukuyan. Napakalinis din ng lugar at halata na desiplinado ang mga tao. Ayun sa kanyang pagsasaliksik, ang siyudad ng Amsterdam ang isa sa pinaka maunlad at mapayapang lugar sa buong Europa, kaya siguro dito pinili ni Jade na manirahan at mag aral. Hindi alam ni Althea kung saan magsisimulang maghanap sa babaeng laman ng kanyang puso at isipan. Napakalaki ng Amsterdam at alam niyang suntok sa buwan ang kanyang paghahanap sa kasintahan. Sa panahon ngayon ay madali lang naman maghanap sa internet, lalong lao na sa social media ngunit tiyak na mahihirapan siya dahil walang anomang sosyal media aacount si Jade. Isa lang ang detalyeng alam niya... nasa Leiden University ito nag aaral base sa artikulong nabasa niya sa isang news site, kaya naisipan niya na doon mag umpisa sa paghahanap.

Pagkapasok niya sa loob ng kanyang hotel room ay kaagad itong humiga sa malambot na kama. Isang four star hotel ang na booked ng kanyang sekretarya kaya maganda ang kanyang kwarto at maaliwalas. Napagod siya sa mahabang biyahe at gusto niya sana umidlip pero nakaramdam siya ng gutom kaya bumangon siya at lumabas at naghanap ng makakainan. Nakahanap siya ng magandang resto na malapit lang sa kanyang hotel. 


"Goedenavond(Good evening)! Can I get your order Mevrouw?(Miss?)" Nakangiting tanong ng waiter na mukhang Filipino.

Tinitigan nito si Althea na tila kinilatis kung siya ay isang banyaga o Filipina. Kung hitsura ang pagbabasihan, mapagkakamalang banyaga ang dalaga dahil sa taglay nitong anyo. Ang malaki at bilugan nitong mga mata at mahahabang pilikmata at ang matangos na ilong ay nagbibigay ng indikasyon na may dugo siyang banyaga. Kung titingnan mo siya ay mapagkamalan mong Espanyol na may halong Indiano dahil sa katangusan ng ilong.

"Can I have Fillet Mignon with potato salad and beer please"

"As you wish Mevrouw. Are you a Filipina?" Tanong ng waiter

"Yes."

"Welcome to Amsterdam kabayan." Nakangiting tugon ng lalaki.

"Salamat. Pinoy ka rin?" 

"Opo."

"Pwede magtanong?"

"Oo naman po."

"Saan matatagpuan ang Leiden University at anong sasakyan ko?"

"Actually Mam, pwede mo siyang lakarin mula dito or kung ayaw mong maglakad pwede kang sumakay ng taxi, nasa ika anim na bloke lang yung university mula dito." Sagot ng waiter.

"Ahh talaga? Thanks ha."


Mag alas otso na ng umaga nang magising si Althea. Hinawi niya ang kurtina upang makita ang labas. Nasa ika labinlimang palapag ng gusali ang kanyang kwarto kaya kitang kita niya halos ang buong siyudad. Isa sa napapansin niya sa lugar karamihan ng mga tao ay naglalakad lang o kung hindi man nagbibiseklita. Naisip niyang mas mabuti kung maglalakad siya papuntang unibersidad para mag umpisang hanapin ang kasintahan. Malakas ang kutob niyang magkikita sila ng babaeng minamahal.

Mula sa hotel ay naglalakad ang dalaga papuntang Leiden University. Pagkatapos ng bente minutos ay narating din niya ang unibersidad at dahil maaga pa ay wala pa masyadong estudyante ang pumapasok sa loob. May nakita siyang coffee shop sa tapat ng paaralan kaya naisipan niyang kumain muna ng agahan. Habang kumakain at umiinom ng kape ay nakatuon ang mga mata ni Althea sa gate ng unibersidad. Pinagmamasdan niya ang bawat tao na pumapasok sa loob nito, nagbakasakali na makita niya si Jade. Nakailang tasa ng kape na siya ngunit hindi pa rin niya nahagilap ang taong hinahanap. Tumayo siya at napagpasyahang lumapit sa gwardiya ng paaralan.

BLOOD IS THE COLOR OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon