Chapter 48

2K 45 3
                                    

Sorry guys di ako naka ud nung last. Pasensya na mga pare ah, may problema eh. Pero ngayon okay na. Pero phone lang gamit ko sa pag update.

-


Kathryn's POV.


Di ko alam pero dinala ko si Jon sa ospital. Ewan ko, sinasabi ng isip ko na dalhin ko siya sa ospital.


"Kamusta na siya?" Tanong sakin ni Jana. Tinawagan ko kasi siya agad nung makarating kami dito.


Ngumiti ako ng tipid. "Ewan" Tipid ko ding sagot.


Lumapit siya saakin. "Di ko na alam ang gagawin ko, ate Kath. Sobrang naguguluhan na ako"


Niyakap ko siya.


"Wala kang kasalanan, Jana"


"Marami ng nasasaktan"


Tiningnan ko siya sa mata. "Pwedeng humingi ng pabor sayo Jana?"


She nodded.


"Dalhin mo naman ako sa asawa ko"



Jana's POV.


"Dalhin mo naman ako sa asawa ko" Gulat ako nung sinabi ni ate Kath yan saakin. Grabe. Seryoso?


Napalunok ako.


"Ate Kath,"


"I want to see him!"


I took a deep sigh and slowly nodded. "Sige, sasamahan kita"


Ngumiti siya at niyakap ako ulit. Sorry kuya, naaawa na ako sa kanilang dalawa. Di ko na matiis.

Dinala ko si ate Kath kung saan andito si kuya Daniel. Pero kailangan naming mag ingat.


"Ate Kath, dun ka dumaan sa likod. Makikita mo agad yung kwarto. Dito nalang ako dadaan, kasi baka makita ka nila" Sabi ko kay ate Kath.


Tumango siya. "Wala bang bantay dun sa likod?"


"Hmm, meron. Pero iilan lang din naman"

"S-sige"


"Ingat ka ate Kath"


Tumango siya at umalis na. Ako naman, nagkunwari na parang walang nangyari. Parang walang kasama.


Nakasalubong ko agad si kuya William.


MAHAL KITA KATHRYN BERNARDO (BOOK 2) |FINISHED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon