Chapter 15: The letter 'H'
Pagkalabas namin ng hall dumiresto na kami sa cottage dahil wala pa kaming ganang magswimming at gumala, may 5 days pa naman kami dito eh kaya marami pang time para gumala.
Pagpasok ko sa room ko wala akong nakitang Elevic at Desiree sa loob, siguro gumala na yun o nag-swimming."Maka ligo nga" ..binuksan ko naman yung maleta ko at inilabas ko ang violet towel ko at isang baby blue shorts at white sleveless na may nakaprint na kulay black na cross sa gitna.
Teka saan yung shampoo ko? don't tell me na iwan ko yun sa bahay?
Hinalungkat ko naman yung maleta ko pero hindi ko makita yung shampoo ko. Argghh! naiwan ko nga sa bahay >…
Hihingi nalang siguro ako kay Khanne, wala naman kasi dito yung dalawang ka room mate ko.Pinatong ko naman yung towel at damit ko dun sa maliit na mesa at lumabas na ako ng kwarto gamit ang kulay white kong havainas. Pumunta naman ako sa room ni Khanne at hiniram yung shampoo niya, tinanong pa nga niya saakin kong gusto ko bang sabayan niya ako at syempre tumanggi ako baka di ko mapansin vini-videohan na pala ako ng Khanne na yun. Mabuti na yung safe diba? Kawawa naman yung naging room mate ni Khanne baka hindi yun makatulog dahil sa kababalaghan na ginagawa niya. -_-
Bumalik na ako kaagad sa kwarto ko. Nung nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang bumukas ito mula sa loob.
OoO "Holly Molly!!" ..napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat nung tumambad ang mukha ni Sir Sario saakin.
Bakit andito to sa loob ng kwarto namin? anong ginagawa niya dito sa girls cottage? especially sa room namin?
Tinanguan naman niya ako at dahil sa gulat ko nagtatakang napatango din ako sakanya. Nakangiting lumabas naman si Sir Sario at nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang nakalabas na siya ng girls cottage.
Dali-dali naman akong pumasok ng kwarto at ni-lock yung pinto at tumakbo ako papalapit sa maleta ko, kumpleto pa naman yung underwear ko at bra at tsaka wala namang nawala o nagalaw.Ang maleta nina Desiree at Elevic!
Nilapitan ko naman ang mga maleta nila pero hindi din ito nagalaw. Kahit gwapo at hot si Sir Sario nakakatakot pa din kung may biglang lalaking tumambad sayo pagbukas ng pinto mo sa kwarto nyo.
Pero baka naman tinitignan niya lang ang mga condition ng aircon sa cottage namin? pero like duh! pwede namang si Mrs. Don diba? o kaya mga babaeng staff sa resort nato?Baka naman nag lagay siyang CCTV sa room namin?!
Tinignan ko naman ang mga sulok ng kwarto namin pero wala naman akong nakitang nakakahinala kundi yung box ng condom lang sa ilalim ng unan ni Desiree, hmm I think the RANK2 bitch is my roommate.
Hindi ko nalang pinansin ang paglabas ni Sir Sario sa room namin kaya kinuha ko na yung gamit ko at pumunta ng CR.--------
"Di nga?!" ..sabay nilang sigaw saakin at pinagtinginan naman kami ng ibang estudyante.
Kakasabi ko pa kasi sakanila yung paglabas ni Sir Sario galing sa kwarto namin kanina."Nagulat nga ko eh, pero alam nyo yung nakakatakot? ngumiti siya saakin bago ako nilagpasan" ..sabi ko sakanila habang umuupo kami sa isang kahoy ng ginawang upuan. Alas tres na kasi kaya andito kami sa harap ng mga cottage namin.
"Baka naman bakla si Sir Sario at gusto niyang makita ang room ng girls" ..A.L
"Ang babaw naman yata ng rason mo" ..Yexie
Tumingin naman kami dun sa tinatayuan ni Sir Sario na busy sa pagbabasa sa papel na nasa kamay niya. Tinitigan lang namin siya ng bigla siya tumingin saamin- no, saakin lang pala at ngumiti.
"Guys meron ngang something kay Sir Sario" ..pabulong kong sabi sakanila habang nakatingin pa din ako kay Sir.
Inalis niya naman ang tingin niya saakin at binalik na niya ang atensyon niya sa papel na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Band Clash and the Sentinel Sorrow
General FictionDalawang bandang may parehong paniniwala; ang may mapatalo at manalo. Pero lahat sila ay may kanya-kanyang mga sikretong tinatago, mapa masama man o hindi. Pero pano kung ang simpleng away o BATTLE ay magiging isang malaking gulo dahil sa mga konekt...