Dahil sa brief ni Stein kahapon hindi ko na matiis na matawa habang kumakain sa mesa. Napatingin naman si manang saakin.
"O bakit ka tumatawa?"
"Hmmm? ah wala manang may naalala lang ako WAHAHAHAHA!!"
Nagtaka naman si manang pero tawa parin ako ng tawa. Napa-iling nalang si manang habang nagliligpit sa kusina.
"Ah o pala hija napatawag ang mama mo kahapon" ..napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sakanya..."sabi niya uuwi na dawsila ngayong araw"
"Yun lang?" ..tanong ko sakanya, tumango naman siya at lumabas ng kusina.
Haay hindi man lang ako kinumusta nina mama? ~_~
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng biglang nagring ang phone ko sa gilid.
A.L calling.....
"Hello"
"TULONG!!" ..Puta! ano bang problema nito?!
"Ano ba!! kay agang-aga sumusigaw ka!" ..sigaw ko sakanya
"Z! emergency! magkita tayo ngayon sa coffee shop! ngayon din!"
"Ano b--*toot*toot*".. Letchee! binabaan ba ako?!..Ano nanaman kaya ang kagahan ang ginawa nun.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at tapos naman din ako maligo kanina kaya nagbihis na ako kaagad at nagpaalam kay manang.
Paglabas ko ng gate napansin ko namang hindi maayos ang pagkatali ng laces ko kaya umupo muna ako at tinali ulit ito. Habang nagtatali ako ng laces ko napansin ko namang may van na huminto sa harap ko. Pag-angat ko bigla namang may humila saakin papasok sa van.
Teka!!O_O anong nangyayari??!!!
Kidnap?......
The DOUBLE F!!!!! kidnap nga!!!!! OoO !!!!
"Wahhhh ibaba nyo ako!!!" ..sigaw ko habang tinatakpan nila ang mata ko, sipa naman ako ng sipa pero wala akong natatamaan.Ito ba ang sinasabi ni A.L na emergency? nakidnap kaya din siya?! tang ni ina naman o!! >_<
Na bigla naman ako nung pina higa nila ako at naramdaman ko namang may nakahawak sa paa ko at kamay. Don't tell me....
"LETCHEE!! PAKAWALAN NYO AKO!! GUSTO NYO BA NG SAPAK!? PUTANG INA!! MGA GAGO!! RAPIST!!" ..alam ko namang kahit gaano ka lakas ang sigaw ko walang makakarinig saakin dahil umaandar yung van, pero ang bataan ko!!! ayaw na ayaw ko tong ibigay sa mga adik!! NOOO!!! Dito na ba matatapos ang buhay ko?!...
No! hindi pa dito matatapos ang buhay ko dahil alam kong may paraan para makawala dito.
Isip Z .
Magisip ka..
Isip..
BINABASA MO ANG
Band Clash and the Sentinel Sorrow
General FictionDalawang bandang may parehong paniniwala; ang may mapatalo at manalo. Pero lahat sila ay may kanya-kanyang mga sikretong tinatago, mapa masama man o hindi. Pero pano kung ang simpleng away o BATTLE ay magiging isang malaking gulo dahil sa mga konekt...