PROLOGO

49 17 2
                                    

{Prologo}

"Broken destiny...it's when two people have feeling for each other, but for some reason they can't be together" walang reaksyon na sinulat ng isang twenty-five years old na lalaki habang dinadama ang malamig at sariwang hangin sa tabi ng dagat. At kung minsan nababasa na ang kaniyang paa ng alon pero hindi niya iyon alintana.

"Babe are you ok?" natauhan siya ng marinig ang boses ng kaniyang girlfriend na hindi niya rin namalayan na nasa likuran na niya itong nakatayo, tumango lang ang lalaki, kaya tumabi ang babae sa kanya. "Babe, I know something is bothering you, tell me maybe I can help" naka ngiting sabi ng babae, napahinga naman ng malalim yung lalaki at tinitigan ang magandang araw na ngayon ay papalubog na, hindi niya matukoy dahil parang katulad siya ng araw na lumulubog mag-isa at sumisikat ng mag isa. "I don't know i just....feel like something is wrong, something is not right and something is missing" sagot niya napakunot naman ang babae "Something is wrong? not right?missing? What do you mean? Are you planning to cancel our wedding?" sunod sunod na tanong ng babae sabay tayo. Aalis na sana siya pero tumayo yung lalaki at nagsalita "Wait, hindi ko naman sinabi yun i just..."

"You just what?!" tanong ng girlfriend niya at dahil dun hindi nakapag salita ang lalaki kaya diretso ng umalis ang babae. Nauunawaan niya naman kung bakit ganoon na lang ang kilos ng kaniyang girlfriend dahil marami siyang pagkukulang dito. Napahinga na naman ng malalim ang lalaki, at sa loob-looban niya ay sana hindi na niya ito sinabi dahil kung ano-ano ang iniisip ng girlfriend niya, at ito minsan ang hindi nila pinagkakaunawaan. Napatingin siya ulit sa araw, ilang minuto na lang ay mawawala na. Napaisip siya sa sinabi ng girlfriend niya tungkol sa nalalapit nilang kasal, tama ba?tama bang hindi nila ituloy ang kasal? Dahil sa hindi matukoy na dahilan? Napapikit siya ng ilang minuto at dinadama ang puso niyang walang saya, gana, na para bang may hinahanap na kung ano, ngunit hindi niya ito matukoy.

Minulat niya ang kaniyang mata ng may narinig siyang batang umiiyak, inikot niya pa ang kaniyang tingin hanggang sa nakita niya ang batang babae na umiiyak, nagtaka siya dahil bakit may batang babae sa dagat na ganitong oras, ang alam niya ay siya lang ng girlfriend niya kanina ang nadun, pero napagtanto niya na baka kararating lang ng bata dahil nagkatampuhan sila kanina ng girlfriend niya at hindi na nila ito napansin.

Nakakailang hakbang pa lamang siya papalapit sa batang babae ng may lumapit sa batang babae na dalaga, agad siyang tumigil 'tsaka nag kunwaring may tinitignan.

"Ayos ka lang?" tanong ng dalaga pero umiyak lang ang batang babae, napalingon-lingon ang dalaga sa paligid, napaiwas ng tingin ang lalaki ng napatingin sa kaniya ang dalaga "Ah kuyang matangkad" tawag ng babae, sa pagkakataong iyon bumilis ang tibok ng puso ng lalaki ng marinig iyon habang dahan dahang napalingon sa dalaga, napatigil siya sandali ng magtama ang mga mata nila na para bang pamilyar ang kaniyang nararamdaman, ang mga kislap ng mata ng dalaga ay tila iyon ang nagpatigil sa oras, at kasabay nun ang pag-ihip ng marahan na hangin na nasa pagitan nila..........

-----------------------------------------------------------------
#THE WHITE SMOKE GHOST

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident are either the product's of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime punishable by Law.

THE WHITE SMOKE GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon