{Epilogo}
Naalimpungutan ang isang binata dahil sa sinag ng araw, unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata, at napatulala siya ng ilang minuto hanggang sa may marinig siyang boses ng isang babae. "Goshh Nexus gising ka na!" masayang sabi ni Ma'am Alice habang maluha-luhang tinitignan ang anak, tumawag siya ng Doctor para suruin si Nexus, tinawagan agad ni ma'am Alice ang kaniyang asawa at si Amber. Habang tulala lang si Nexus na nakatitig sa kisame.
Dalawang linggo na ang lumipas ng pumanaw si Mirabelle, naisipang bumisita ni Jayden sa bahay nila Mira para maglinis, huli na ng mabalitan niya na dino-nate niya ang kaniyang puso para sa anak ni Mrs. and Mr. Guzman. Hindi madali para sa kaniya na mawala ang dalawang mahalaga sa kaniya buhay, si Mira na kaniyang kaibigan simula bata pa lang at hindi niya rin inaasahan na sa haba ng panahon nilang hindi pagkikita ay higit na sa kaibigan ang nararamdaman niya para sa kaibigan pero iba naman ang tinitibok ng puso ni Mira. Halos hindi niya nakatulog ng ilang araw dahil sa pagkamatay ng babaeng sinisinta, hindi niya man lang nakausap ng maayos ang kaibigan.
Pilit siyang ngumiti ng makarating sa kwarto ni Mira, hindi pa siya pumunta sa kwarto ni Mira mula nung nabalitaan niya na patay na ito, hindi dahil sa takot na baka biglang magparamdam si Mira kundi ang mga alaala ang magbibigay sa kaniya ng dahilan para bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi naman marumi at maalikabok ang buong bahay, naisip ni Jayden na manatili muna siya sa kwarto ni Mira.
Binuksan niya ang bintana para makapasok ang simoy ng hangin at umupo siya sa kama ni Mira. Pinagmamasdan ni Jayden ang paligid, hindi siya madalas sa kwarto ng kaibigan pero sa bawat sulok ng kwarto niya ay nakikita niya si Mira na naroon. Ilang minuto pa ang lumipas, at ng maayos na ang kaniyang pakiramdam ay aalis na sana siya ng humangin ng malakas dahilan para may mga papel na nagkalat sa sahig.
Agad naman itong kinuha ni Jayden, napangiti siya ng makita ang mga drawing ni Mira, nakita na niya ito noon. Linapag niya ang mga drawing sa mesa, pero napatigil siya ng may makita ang isang papel na nakaligpit sa isang notebook, dahan-dahan niya itong kinuha at umupo sa upuan.Napatakip siya ng bibig ng makita na galing ito kay Mira, isang sulat para sa kaniya.
Mahal kong Eden
Sorry kung iniwan kita sa school, kase sa oras na malaman mo na ido-donate ko ang puso ko kay Wayde alam kong hindi ka papayag, huwag ka sanang magalit dahil ilang beses ko na itong pinag-isipan, kung iniisip mo na ginawa ko to dahil patay na si Papa ay nagkakaminka. Gusto ko rin sana ay hintayin ko si Papa na magising para sabihin sa kaniya ito, pero wala na siya. Jayden ako yung dahilan kung bakit na aksidente si Wayde, ako dapat ang na bangga noong gabing iyon, hindi ko hinihiling na magpasalamat ka sa kaniya balang araw, pero sana oo. Kase dahil sa kaniya nagkita pa tayo at nakasama pa kita ng ganun katagal. Salamat sa lahat lahat Jayden hinding hindi kita makakalimutan kahit kailan. Ikaw ang naging una kong Best friend dito sa mundo. Huwag mo din sanang kakalimutan ang kaso ni Mama. Ikaw na ang mag patuloy nun, sana mahanap niyo ang may kasalanan. At sana matupad lahat ng hiling mo, ang maging engineer. Nga pala paki bigay kay Wayde yung notebook, salamat. At jayden, sana huwag mo rin sana akong kakalimutan, at sorry dahil hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo, pero balang araw makikita mo rin naman ang babaeng mamahalin ka ng buong puso. Paalam Jayden, mahal kita.
-Mirang.
Linagay ni Jayden ang sulat sa tapat ng kaniyang dibdib at hindi na niya napigilang umiyak. "Mira, tapos na ang kaso ni Tita, nakulong na ang may sala kaya huwag na ng mag-alala at mahal din kita mirang." saad nito at patuloy na umiyak. Tila bumalik ang araw kung saan tinawagan siya ng kaniyang Papa ang nangyari kay Mira. Inaasikaso ng Papa ni Jayden ang pagkamatay ng Papa ni Mirabelle ng marinig niya ang pangalan ni Mira na nag donate ng puso. Kaya agad nitong tinawag ang anak. Humagulgul siya ng humagulgul para pagaanin ang kaniyang pakiramdam. Sa bawat araw na hindi niya nakikita, nakakausap si Mira ay parang nawalan na din siya ng gana sa buhay. Nang nahimasmasan na siya ay kinuha niya ang notebook, t'saka umalis.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...