{Part-2}
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa paligid at nasa school clinic na pala ako, napatingin ako sa suot ko,dahil naka p.e uniform nako ngayon. "Ahhh miss are you ok na?" napalingon ako sa pinto ng may nag salita. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa pinto, bilis akong tumayo at kinuha ang bag ko. "A-hhh oo... ayos lang naman ako" napatango siya sabay ngiti halla siya!!, hindi ako makapaniwala na kina-usap ako ng isa sa mga pinaka famous dito sa school and also dito sa manila!! Si Seymour Felix!!
"Ahh mag papa-check up ka? Si-sige una nako" patuloy ko ng ma realize na wala ng nag sasalita. At baka iba pa maisip ng mga other student, lalong lalo na si lily ang habol ng habol kay Seymour...
"Mira! ok ka na ba? Ano ba kaseng ginagawa mo sa roof top at hindi ka sumilong?" Nag-aalalang sabi ni vannah pero hindi ako nag salita, bigla ko na naman na-alala si mitch, asan na kaya siya ngayon, nasa roof top parin ba? Natauhan ako ng kumapit si vannah sa kamay ko, kasabay nun na pansin ko rin na panay tingin sa akin ng lahat.
"Vannah sabihin mo, malala ba yung pag kahimatay ko kanina? Bakit parang ang init ng mga tingin nila sa akin" pabulong kung sabi. "Hayaan mo sila, ang dapat mong ikabahala si lily, siguradong hindi ka niya papalampasin" naguluhan ako sa sinabi niya. "Bakit naman na sali rito si lily? Ang tinatanong ko yung sa roof top" paalala ko pero umilang lang siya.
"So hindi mo pa alam kung sino ang nag-dala sayo sa clinic?" napa-isip ako, oo nga no alangan namang nag lakad ako? "Sino?" lumapit siya sa akin at bumulong, napanganga ako, Ano?!. Tumango-tango siya sakin, at sumenyas na lagot ako kay lily. "Kaya pala andun siya kanina!!" tulala kung sabi. "Si Seymour? Andun pa rin siya kanina? Ano sabi niya? nag thank you kaba? Huwag mong sabihing hindi?" sunod-sunod na tanong ni vannah. Napapikit ako, ano ba mirabelle morales!! Hindi ko naman alam na siya yung nag dala sa akin dun ehhh, bigla ko na lang na alala ang sinabi ko sa kaniya.....
"Ahh mag papa-check up ka? Si-sige una nako"
Whhaaaaa!!!! Gusto kung lumipat ng school!!....charizzz
Tulala lang ako habang nag lalakad papunta sa school bus, habang na sakin naman ang lahat ng tingin ng tao, bibilisan ko na lang ang pag lakad baka anjan lang si Lily sa tabi. Napatigil ako ng makita si Seymour kasama si Jayden?! Kelan pa sila naging close? Gusto ko ring maka-usap si Jayden at mag papaliwanag ako. Hanggang sa may pumasok na idea sa brain ko hahahaha.
Nandito nako ngayon sa tapat ng bahay nila jayden, sinundan ko siya kanina papunta rito at ginastos ko na yung ipon ko, 'tsaka ko na pro-problemahin yung pag uwi ang importante maka usap ko siya ngayon.
At nagulat ngako kung bakit ang laki ng bahay nila, siguro nakahanap si tito Den at tita Henny ng magandang trabaho. Nag door bell ako ng dalawang beses, hanggang sa may nag bukas ng pinto, isang babae na 40+ na atta.
"Ano ang kailangan mo?" napasilip ako sa loob sa pag asang mapapadaan si Jayden. "Ahh anjan po ba si Jayden?" tanong ko pabalik, "Ano ang kailangan mo sa kaniya?" taas kilay niyang tanong, wala siguro itong asawa kaya masungit hayss. "Kaibigan niya ho ako at gusto ko po siyang maka usap" saad ko ng may ngiti sa labi, pero hindi siya ngumiti. Ayy confirm ganyan na ganyan si sir Franco,at ma'am celine.
"Ayaw ni Jayden ng kausap lalo na pag
ibang tao" napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa "At parang iisa rin ang school na pinapasukan niyo, dun mo na lang siya kausapin" napakunot ako, ibang tao? Grabe naman tung matandang to. Magsasalita pa sana ulit ako nang sinarado niya ang gate, napa atras din ako sa sobrang lakas.Napatitig na lang ako sa bahay nila, at hinuhulaan kung saan ba ang kwarto ni jayden.
Ilang minuto na ang nakakalipas wala paring tao, hanggang sa tumawag si mama. "Mira nasaan ka? Bakit hindi ka pa umuuwi?" nag aalalang tanong ni mama sa kabilang linya. "Andito po ako sa bahay nila jayden" sabi ko sabay tingin ulit sa second floor. "Si Jayden, anak ni Den?" hindi makapaniwalang sabi ni mama, tumango naman ako ng naka ngiti kahit hindi yun nakikita ni mama. "Opo ma, sige na po kailangan ko po siyang maka-usap" paalam ko
"Sige anak, ikumusta mo ko sa kaniya" napa opo na lang ako, sabay patay ng phone.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Novela JuvenilMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...