{Part-8}
Naalimpungutan ako ng maramdam ko ang kamay na nasa ulo ko. Napangiti ako ng makita si mama na may malay na. "Ok na po ba kayo? Saan po ba kase kayo pumunta? Pina-imbistigahan nani papa ang nangyari ma,pero ni isa walang nakuha ang cctv" saad ko, hinawakan naman ni mama ng mahigpit ang kamay ko at maharang pinisil. "Huwag na kayong mag-alala, ayos nako" nakangiti niyang sabi,pero umilang ako. "Hindi ma,hindi yun patas, paano matututo ang mga taong may gawa nito kung hindi sila mapaparusahan? Dapat lang na pagbayaran nila ito,maliit man ang kanilang kasalanan o malaki,dahil lahat ng sala ay may katumbas na tamang kabayaran" hindi ako ganito katapang sa school, pero kung mahal ko sa buhay ang pinag-uusapan kahit mag-kikita kita pa kame sa korte ay hindi ko sila uurungan. "Alam ko ang gusto mong sabihin anak,pero lagi mong tandaan na hindi lahat ng tao ay sumusunod sa batas,hindi lang dapat damdamin ang laging pinapa-iral mira kundi utak. Walang laban ang sino man kung pera na ang nag-salita" hindi man ipaliwanag ni mama ang lahat alam ko na ang gusto niyang sabihin,hindi lahat ng tao ay sumunod sa batas dahil mas pinapanigan nila ang pera kumara sa tama. Hindi nako naka-pag salita sa sinabi ni mama.
"Anak,hindi lahat ng laban ay kaya nating lagpasan,hindi lahat ng taong may kasalanan ay pwedeng maparusahan sa iyong mga kamay. Minsan ay sila na mismo ang pagdadala ng kanilang kapalaran sa kapahamakan." saad ni mama, "Pero hindi lahat ng tao ay pwedeng manahimik mama, kung ako ang masusunod gusto kung ako mismo ang magsasabi kung saan sila dapat ilagay. Naniniwala akong kaya ko yun"
napailang si mama 'tsaka binitawan ang kamay ko. "Nag kakamali ka mira,lahat ng bagay na dapat mong gawin ay kailangan mo ng kasama, na iintindihan ka sa lahat ng bagay. Pero tandaan mo din na hindi lahat ng taong nakakasama natin ay pang-habang buhay na nasa tabi natin, mapag-laro ang tadhana mira"
biglang sumagi sa isip ko si white smoke ghost,pano kung tama si mama? Na dadating na ang araw mawawala din siya,dahil lahat ng simula ay may pag tatapos,kahit pa pilit mong pinapahaba ito."Kumusta ka na mira si tita?" tanong ni savannah sa kabilang linya, "Ayos na siya ngayon,sabi ng doctor kailangan lang niyang magpahinga" nasa labas ako ngayon ng kwarto ni mama,uuwi na siya mamaya at binayaran nani jayden ang lahat. "Ehh yung naka-bangga? Meron na bang balita?" napahinga ako ng malalim, "Ang sabi ni papa walang naka-kita sa nangyari noong gabing yun,wala pang cctv noon naka off" narinig kung napahinga rin siya ng malalim, "Mirabelle" napa lingon ako ng narinig ko ang boses ni jayden, "May dala akong pag-kain" dagdag niya habang nakangiting bitbit ang tatlong lunchbox na naka cellophane. "Si Jayden ba yan?" tanong ni vannah, "Ahh oo, usap na lang tayo mamaya vannah, hindi pa kase ako nag-almusal" saad ko, nag pa-alam nadin siya.
Natutulog si mama, kaya dalawa lang kame ni Jayden ang kumakain. "Mira pwede mo na bang sabihin kung pano mo nalaman na andito sa hospital si tita?" tanong ni jayden, tumingin ako kay mama 'tsaka kay jayden, alam kung hindi ko nato maitatago pa, dahil alam kung malalaman din niya. "Ang totoo niyan ay....". napatigil ako at tumingin ulit kay mama at baka magising siya, napahinga ako ng malalim at tinitigan ang pag kain na hawak ko. "Nakaka-kita ako ng multo" saad ko, dinig ko namang tumawa ng mahina si Jayden, pero hindi ako nag-salita. "Sandali!Seryoso ka? Hindi ka nag-bibiro?" sunod-sunod niyang tanong,umilang lang ako, "Oo simula nung 8 ako ay may nakikita na kung mga multo, ang iba pa ay tinutulungan ko" hindi naka pag salita si jayden ng ilang minuto. Hanggang sa bumukas ang pinto,at sinuri ng isang nurse si mama, bigla kung na-alala si white smoke ghost!
"Jayden pwede bang ikaw muna mag bantay kay mama? May kailangan lang akong puntahan" magsasalita pa sana siya ng mag-salita ako ulit "Salamat, babalik ako agad"mabilis akong tumakbo. Bakit hindi niya ko pinuntahan sa hospital? Hindi nako sumakay ng sasakyan dahil wala akong dalang pera. Patuloy parin ang takbo ko hanggang sa...
"MIRA!" napatigil ako ng marinig ang boses ni white smoke ghost, napalingon ako sa likod, at napangiti dahil nakita ko na naman ang lalaking nagdadala ng malakas na pag kabog sa aking puso. Ang lalaking nangako na ako'y pro-protektahan at di ako iiwan, ngunit hindi niya ba talaga ako iiwan? Habang buhay ba siyang mananatili?
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Novela JuvenilMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...