{Part-12}
Tinignan ko si Jayden na ngayon nakatitig sa papel na hawak niya,'tsaka ako tinignan, naguluhan ako ng ngumiti siya. Yung ngiting may halong pait at lungkot. Tumango din siya ng isang beses. Ano bang gusto niyang sabihin?
Nag start na ang timer at unang nag salita si Seymour. "Dapat lang natin ipaglaban ang pag-ibig dahil doon makikita kung mahal mo ba talaga ang isang tao, kung mahal mo siya ipaglaban mo kahit anong mangyari" napatigil siya ng naubos na ang segundo kaya nag salita na si Jayden. Naghiyawan naman ang mga sumang-ayon sa sinabi ni Seymour.
"Kung hindi ka mahal ng taong mahal mo wala ring silbi na ipaglaban mo siya, kung masaya siya sa iba piliin din natin maging masaya para sa kaniya, kaysa ipaglaban ang pag-ibig na hindi naman para sayo" hindi nakapag salita ang lahat, mabilis namang tumingin sakin si Jayden tsaka ibinalik ang atensyon kay Seymour. "Anong balak mo sa pag-amin ni Jayden?" tanong ni Wayde na nakatingin ngayon kay Jayden. "Hindi ko alam" mahina kong sagot. "Ha?" tanong naman ni Vannah dahilan para mapatingin kame sa kaniya, pero ibinalik niya ang kaniyang atensyon ng magsalita ulit si Seymour.
"Pano naman natin malalaman kung hindi para sa atin ang pag-ibig na yun kung hindi natin susubukang ipaglaban, isang duwag lang ang susukong ipaglaban ang pag-ibig" sagot ni Seymour at agad namang sinagot ni Jayden. Wala na ding oras na mag cheer ang ibang students dahil sa mainit na labanan.
"Duwag? Oo isang kaduwagan ang sumuko, pero hindi lahat ng lumalaban ay matapang. Minsan kung sino pa ang mga sumusuko sila pa ang mas nag-papahalaga sa damdamin ng kanilang ipinaglalaban." Napahiyaw ang lahat, kaya agad namang sumagot si Seymour ng nagsimula na ang kaniyang Oras."Ipaglaban mo dahil nga mahal mo siya. Hangga't walang nasasaktang iba dapat lang na ipaglaban mo. Ang pag-asa ay palaging nanjan. Kakambal ng pag-ibig ang pag-asa, hindi natin mamahalin ang isang tao kung walang pag-asa na nagsasabi sa atin na kaya natin silang ipag-laban" sagot ni Seymour mabilis niya pa itong sinabi dahil mauubos na ang segundo.
Pawis na pawis na silang dalawa. Minsan din ay nagtata-asan na sila ng boses dahil nadadala na sila sa kanilang emosyon. Napatingin ako kay Wayde na naka focus din sakanilang dalawa. "Paano mo ipaglaban ang isang tao kung may mahal na siyang iba? Paano mo ipaglalaban ang isang tao kung sa huli ay mawawala din siya? Hahayaan mo bang ikaw na lang ang masaktan? Hahayaan mo bang mag mukha kang tanga? Dahil ipinaglaban mo ang pag ibig na hindi para sayo?" mahinahon na sabi ni Jayden na nagpatahimik sa lahat na para bang nararamdaman ng lahat ang lungkot na nadarama ni Jayden.
May limang segundo pang natitira at sa bawat pag patak nito tahimik lang ang lahat tanging ang orasan lang ang naririnig. Hanggang sa tumayo ang lahat at nag hiyawan. Tulala lang akong naka-upo, natamaan ako sa bawat linyang sinabi ni Jayden. Bakit ko nga ba pinag pipilitan ang sarili ko sa multong kagaya ni Wayde? Bakit ko pinipilit ang sarili ko na paniwalaan na pwede kame? Halata namang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Tinignan ko si Wayde sa paligid ngunit naglaho na siya.
Uwian na at naglalakad kaming apat, hindi pa nila sinabi kung sino nanalo. Kasama rin namin si Wayde ngayon, bale nasa pagitan ako ni Wayde at Jayden, ang buong akala ko ay naglaho na siya kanina pero naghintay pala siya. "Ang galing niyo kanina, diba Mira" pag-basag ni Vannah ng katahimikan, wala rin kasing nag sasalita mula kanina.
"Ahh oo, hindi ko nga alam kung sino mananalo eh" saad ko at sinubukan kong ngumiti. "Mag pansinan nga kayong dalawa, debate lang yun" saad ni Vannah dahil hindi pa sila nag-uusap. "I'm just wondering, Jayden, are you Inlove with someone who's Inlove with someone else?"
Napatigil kaming lahat sa tanong ni Seymour, hindi naman nag salita si Jayden at patuloy lang ang pag lalakad, napatingin sa akin si Wayde pero umiwas ako ng tingin dahilan para magkatinginan kaming tatlo. Alam kong gusto ako ni Jayden pero pano niya nalaman na may gusto akong iba? Saan galing lahat ng sagot niya kanina kung hindi niya ito nararamdaman. Sa bawat salita na binibitawan niya ay alam kong para sa akin iyon, para sa akin na inilalaan ko din kay Wayde. "Ahh dito muna kayo, a-ako na kakausap sa kaniya" saad ko tinignan ko din si Wayde, tumango ako sa kaniya para hindi niya ko sundan, ngumiti lang siya ng konti at tumango ng isang beses.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...