{Part-13}
Tulala akong nakatitig sa kisame iniisip ko parin ang nangyari kanina, na pabangon ako ng may pumasok na ideya sa utak kung lutang padin hanggang ngayon. Pano kung si wayde yun? Pano kung talagang buhay pa siya?
Agad akong tumayo at aalis na sana ng mapatigil ako. Eh pano kung hindi? Pano kung ka mukha niya lang? Pero Posible naman na siya yun diba? Napa bagsak ako ulit, hindi ako pwedeng mag padalos-dalos dahil wala akong proweba kung siya nga yun.
Maaga akong nagising dahil halos hindi rin ako nakatulog. At hanggang ngayon wala paring malay si wayde, papa-alis na sana kame ni Jayden ng iblang mag salita si azalea. "Mira, huwag kang mag bulag-bulagan isipin mo ang tama" napa-isip ako, hindi ko alam kung bakit siya nag kaganon. "Ahh sige" sagot ko dahil gusto kung pumunta sa hospital ng maaga.
Pag-dating ko sa kwarto ni papa, naabutan ko si mang rusi roon na nagbabasa ng dyaryo. Nilapag ko ang dala kung prutas, "Mira hija nandyan ka na pala, ang aga mo naman" saad ni manang rusi, napangiti ako sa kaniya. Lumapit ako kay papa at hinawakan ang kamay niya.
"Manang rusi pwede po bang bantayan mo muna si papa? Babalik din ako mamayang 8:00" tinignan ko si manang rusi na nakangiti din at marahang tumango dahilan para mapangiti din ako. Mabilis akong lumabas at kinuha ang mga prutas na binili ko kanina, niramihan ko talaga bumili para ma bigyan ko din ang kamukha ni wayde.
Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto, kinakabahan akong pumasok dahil sa nangyari kahapon.
"Kamukha niya po si....Wayde" saad ko tinignan lang ako ng babae. "Pwede ka ng umalis" saad ng babae, yumuko ako at naglakad, pero napa-tigil ako ng mag salita ulit ang babae. "Saan kayo nagka-kilala ng kaibigan mo?"
"Sa ateneo po ma'am, niligtas niya po ako noon" nakangiti kung sabi, ewan ko ba napapangiti na lang ako pag na-alala ko yun. Tumango ako at tumalikod ulit, pero nag salita siya. "Ano pala pangalan mo?"
"Ako po si mirabelle, Mirabelle Morales" napangiti siya sa sinabi ko. "Ako naman si Alice" ngumiti din ako pabalik.
Kakatok na sana ako ng marinig ko ang boses ni ma'am Alice, nakita ko siya at nag kalat ang mga binili niyang prutas. Mabilis ko siyang tinulungan. "Ma'am Alice, ayos lang po ba kayo?" tanong ko habang pinupulot ang mga prutas. "Ayos lang ako mirabelle"
"Minsan po basket na po dalhin niyo, palagi na lang po nabubutasan ang mga plastic bag niyo" nakangiti kung sabi. Napatigil ako ng hindi siya nag salita, may mali ba kung nasabi? Tinignan ko siya at naka-tingin lang sakin.
"Ikaw yung babaeng naka bangga ko noon? Sa ibang hospital?" nakangiting tanong ni ma'am Alice tumango naman ako ng tatlong ulit habang may ngiti ako sa labi. Tumawa siya ng mahina. " Bibisitahin mo ba ang anak ko?" napatigil ako sa tanong niya, nahihiya akong tumango.
"Ok sige come on" sabay na kaming pumunta ni ma'am Alice. Hinalikan niya sa noo ang anak niya saka tumingin sa akin.
"This is Nexus my only son" pakilala ma'am alice, "Ano pong nangyari sa kaniya?" tanong ko, umupo siya sa tabi ng anak at hinawakan ang kamay nito. "Na aksidente siya, and ngayon na comatose siya" hindi ako naka pag salita sa sinabi ni ma'am Alice, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. "Naniniwala po ako na magigising din siya, magtiwala lang po kayo" tinignan ako ni ma'am Alice at ngumiti."Well may sakit din siya sa puso, naghahanap pa kame kung sino pwedeng mag donate sa kaniya and sabi ng doctor na pag na operahan si nexus baka magising siya" sabi ni ma'am Alice, ang hirap pala ang pinagdaanan nila lalong-lalo na ang anak nilang si nexus. "Kelan po siya na aksidente?" tanong ko ulit, bigla akong nakaramdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...