{Part-1}
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking kwarto, napabangon na lang ako at binuksan ang pinto, tumambad naman sakin ang mukha ni mama. "Mirang kanina pakita tinatawag, susmaryosep kang bata ka anong oras na ohh, mala-late kana sa school niyo" pang sermon sakin ni mama sa mahinahon na boses, Mrs.Bella Morales ang pangalan ng mama ko, di masyadong matangkad si mama, at sa kasamaang palad nag mana ako sa kaniya, maganda si mama at yun ang hindi ko na mana, baliktad atta mundo noong sinilang ako, at ang isa sa paborito naming ugali ni mama hindi siya marunong magalit, magagalit siya pero hindi parang manok na putak ng putak at ang lakas lakas. Si mama mahinhin lang ang boses. "Opo ma" kusot mata kung sabi "Ohh siya, ihahanda ko na ang baon mo" see ganon lang magalit si mama at hindi na niya yun dadagdagan pa kase ang sabi niya, bakit pa daw papalakihin ang isang bagay, wala ng magbabago pa rito, kaya masnakakabuting maging mahinahon na lang at huwag magalit.
Sinarado ko muna ang pinto para maka toothbrush at makaligo nako dito sa kwarto. Hindi naman kame ganito kayaman, nagtra-trabaho si papa sa isang company, kaya gusto niyang magtrabaho din ako sa isang company someday. Nag-iisa kase nila akong anak, wala akong kapatid, or even friends sa school, but meron akong isang kaibigan sa school and na bu-bully siya, at first I thought she was a fully nerd, pero sa paglipas ng panahon masaya siyang kasama. Actually same kame, invisible sa paningin ng lahat at para sakin mas ok yun.
"Kumusta" nagulat ako ng biglang nag salita si mitch, hindi ko siya pinansin kase wala ako sa mood, inaantok pako
"Gusto mo mag iba ako ng anyo, para magising ang diwa mo?" nakangiti niyang tanong, at kasabay nun ang pag baliktad niya sa ere, nag simula na kung maglagad papuntang c.r, at nag toothbrush "Mitch huwag kangang magpaka pangit jan" pang biro ko sa kaniya, pero sumimangot siya "Joke lang" pagbawi ko sabay ngiti, kaya ngumiti narin siya, fourteen pa lang si mitch, magandang babae pero ito atta ang kapalaran niya, namatay siya, bigla kung na-alala ang gabing una naming pag kikita....Naglalakad ako pauwi, dahil kagagaling ko sa mercury drug store hindi naman ito malayong-malayo sa bahay namin. Mga limang bahay lang ang lalagpasan ko. Bigla akong napatigil ng may narinig akong umiiyak. Ilang sandali pa nakita ko ang isang babaeng nakayuko sa tapat ng street light wala ng mga tao sa oras nayun, kaya nilapitan ko siya. "B-bata ayos k-ka lang b-ba? nanginginig kung sabi, dahil ayokong maniwala sa sinasabi ng utak ko na isa siyang......Dahan dahan niya akong tinignan "N-nakikita n-niyo p-po a-ako?"¹ maagap niyang tanong, tumango ako sa kaniya, hindi ako nag kamali dahil isa siyang multo. Tumigil siya sa pag-iyak at sandali akong tinitigan. Tinignan ko rin siya at pinagmamasdang mabuti kung bakit siya namatay, biglang may asul na usok ang lumabas ng tumayo siya. Napahakbang ako papalayo dahil sa gulat hindi ako makapaniwala, kaya pala hindi pa siya pumupunta sa langit o impyerno dahil hindi matahimik ang kaniyang kaluluwa. Binalik ko ang tingin sa kaniyang mga mata, 'tsaka ako ngumiti, iniisip niya siguro na natatakot ako sa saksak mula sa tyan at tagiliran niya, ang totoo na lungkot ako. "Oo nakikita kita, anong nangyari sayo?" lakas loob kung tanong, ayaw na nila mama at papa na tumulong ako ng mga kaluluwa dahil sa nangyari noong fifteen ako. Pero hindi maalis sa puso ko ang awa sa kanila, kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nila. "Walang awa niya akong sinaksak" sagot niya at nagsimula na naman siyang umiyak, kahit hindi ko nakikita ang luha mula sa kaniyang mga mata, nakakatiyak akong wala itong tigil sa pag bagsak. "S-sabihin mo sa akin a-ang totoong n-nangyari......... ma-matutulungan kita" nagdadalawang isip kung sabi, kung hindi ko sasabihin kina mama at papa, hindi nila malalaman. Kaya gusto ko siyang tulungan at para matahimik na ang kaluluwa niya. Kasabay nun tumigil na siya sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...