{Part-14}
"Kahit anong mangyari hahanapin kita" dagdag pa niya at dahan-dahang lumayo sa akin. Na istatwa ako ng ilang segundo, ano tong nararamdaman ko? Bakit parang na dismaya ako na hinalikan niya ang noo ko? Bakit sa noo? At bakit ako pumikit?! Mira may girlfriend na siya!!
"Bakit sa noo?" tulala kung sabi, pero napatigil ako ng ma-realize ang sinabi ko! P*utik Mira!!! "Saan ba gusto mo?" naka ngising sabi ni wayde, nagulat ako ng nilapit niya ulit ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko ng tinitignan niya ang labi ko!!
Agad akong tumayo dahil sa hiya, kaba, at pagkagulat. "A-ang ibig kung sabihin, bakit mo hi-hinalikan ang n-noo ko" ginawa ko ang lahat para hindi niya mahalata na nanginginig nako ngayon. Halos mawalan ako ng balanse ng bigla siyang lumapit sa akin ng mabilis. "Anong nangyari sa labi mo?" naka kunot niyang tanong habang nakatingin sa labi ko, magsasalita pa sana ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko, at gamit ang hinlalaki niyang daliri ay maingat niyang hinawakan ang labi ko. Habang ang isang naman niyang kamay ay nasa braso ko!
Napatitig lang ako sa mga mata niya habang sinusuri ang labi ko. Habang hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa puso ko, lalong lalo na sa tyan ko, ito ba yung sina-sabi nilang butterflies? Yung sa tyan?
Ilang segundo pa ay tinignan niya din ako sa mata. "Bakit may sugat?" tanong niya, lumayo naman ako at napa-iwas ng tingin.
"Ah wala to, na paso lang kanina" pag sisinungalin ko ulit. Pero parang hindi siya kumbinsido. "Ahh s-sige matutulog na ako, may pasok pa kase ako bukas" napatango siya ng tatlong beses, bukod sa gusto kung mapag-isa kailangan kung mag isip ng paraan kung pano ko matutulungan si wayde. "Sige, nasa labas lang ako pag kailangan mo ako. Good night" nag good night din ako pabalik, mabilis akong pumunta sa kama at nag taklob ng kumot.
Habang ramdam na ramdam ko pa rin ang lambot at init ng labi niya, hinawakan ko ng noo ko at ngumiti ng kaunti.Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas, pikit mata akong bumangot at bilis na buksan ang pinto dahil walang tigil ang pag katok nito. "Mira, kailangan nating pumunta sa hospital" kinakabahang sabi ni jayden, dahilan para magising ang dugo ko. Base sa reaksyon niya ay may masamang nangyari kay papa. "M-mag bibihis lang ako" tumango siya at saka bumaba.
Hindi mapigil ang pagkabog ng puso ko habang tumatakbo kame ni Jayden papunta sa kwarto niya. Hindi naman kame masyadong nahirapan dahil wala pang masyadong tao. Napatigil kame ng pigilan kame ni manang rusi. "Manang gusto ko pong tignan si papa, ano po bang nangyari?" saad ko habang hawak ko ang kaniyang mga kamay, isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni manang rusi habang naka-yuko. Dahan-dahang bumagsak ang luha ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay mira, pero....hindi mo na naabutan ang papa mo" para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napabagsak ako sa sahig at tuluyan ng dumaloy ang luha ko. "H-hindi, manang rusi bu-buhay pa si..... Hindi!!!" niyakap ako ni manang rusi at hinihimas ang ulo ko. Sinubsub ko ang aking mukha sa kaniyang balikat.
Ilang minuto pa at dumating si Tito Den at tita Melisa. Naka-upo ako ngayon sa labas ng kwarto ni papa, habang namamaga na ang aking mga mata, nasa tabi ko ngayon si wayde, dumating siya kani-kanilang. Hindi niya ko kina-usap at tahimik niya lang ako sinasamahan. Kinaka-usap ng doctor si Tito Den at tita Melisa ngayon, nasa bandang kaliwa ko naman si Jayden na kanina pa tahimik. Umalis na si manang rusi dahil may babantayan din siya, pero sabi niya ay pupunta siya rito mamaya, pero hindi ko alam kung maaabutan niya pa kame.
Natauhan ako ng may humawak sa balikat ko, mas lalo akong nagulat ng makita si alice, panong--tinignan ko si Jayden, Tumango siya sa akin at t'saka umalis. "Mirabelle nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo, condolence" saad nito, hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung pano siya sasagutin, nakaharap ako ngayon kay alice at hindi ko makita ang reaksyon ni wayde kung nakikilala niya ba ang girlfriend niya, ang boses niya. "Tita want to see you" dagdag niya dahil hindi ako sumagot kanina. Isang tango lang ang sinagot ko. Tumayo naman siya t'saka umalis.
BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...