{Part-11}
"Mira" napalingon ako ulit sa kaniya, hindi ko man sinasadya ang lahat ng iyon ay nais ko munang mapag-isa. Kung maari ay hindi ko muna siya makiya. "Pasensya na sa mga nasabi ko noon. Mauna na 'ko" paalam ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Ramdam kong gusto niya kong tawagan pero mas pinili na lang niyang manahimik.
Naging tahimik si Papa sa mga nakaraang araw, sinabi ko rin sa kaniya na dapat pag-bayaran ng mga taong nasa likod nito pero hindi siya sumagot. Palagi rin nanjan si Jayden para damayan kame ni Papa at bihira rin kaming nag-uusap ni Wayde, nitong mga nakaraang araw ay wala na kong naisip kundi ang pumatay kay Mama. Wala siyang kaluluwa at nagawang patayin si Mama ng ganun na lamang.
"Siya ba ang ginuhit mo?" natauhan ako sa tanong ni Jayden, nasa bahay siya ngayon at bukas makalawa ay burol na ni Mama, hindi naka punta ang mga kapatid ni Mama pero pupunta daw sila sa burol niya. Kasalukuyang nasa kusina kame ngayon ni Jayden. "Sinong siya?" nag-tataka kong tanong. "Si Wayde" gulat akong napatingin sa kaniya tumingin din ako sa paligid baka biglang dumating si Wayde o baka andito lang siya, pero walang wala naman.
"Bat ganyan ang reaksyon mo, andito ba siya? Hindi ko alam siya pala yung ginuhit-----" hindi na niya yun natuloy ng mabilis kung tinakpan ang bibig niya. "Ano ba Jayden, huwag kang ma-ingay" saad ko, bigla namang pumasok si Wayde. Napatayo ako ng maayos at umiwas ng tingin sa kaniya. "May tao sa labas" saad ni Wayde at tinignan si Jayden, agad din siyang umalis ma seryoso ang mukha. Habang wala namang ideya si Jayden sa mga nangyayari.
"Oo, papunta na" pero nasanay na si Jayden na kinaka-usap ko si Wayde minsan. Kase nung nakaraan na huli niya kung kina-kausap si Wayde, nung humingi ng tawad si Wayde, alam kong hindi niya iyon kasalanan at ngayon lang ako nakapag sorry sa kaniya. Ang nakakapagtaka lang ay hindi na nanlalamig si Jayden pag anjan si Wayde, hindi ko maintindihan kung bakit nilalamig siya noon pero ngayon hindi na talaga.
Paglabas namin sa kusina ay nakita ko ang kapatid ni Mama, si Tito Mike. Kasama niya ngayon ang anak niya si Leanne, six pa lang si Leanne at nung huli ko siyang nakita ay four pa lang siya. "Ate Mirang" saad ni Leanne at mabilis siyang pumunta sakin at niyakap ako. Bunso si Tito Mike isa siyang engineer, isa namang Tourism ang kaniyang asawa kaya madalas na wala ito sa piling nilang mag-ama.
"Na miss kita Leanne" saad ko naman at niyakap ko siya pa balik. "Nasaan ang Papa mo, Mirabelle?" tanong ni Tito Mike at sakto namang pumasok si Papa. "Mike, buti naman nakarating kayo" saad ni Papa, tumanda si Papa dahil sa nangyari hindi siya nakakatulog ng maayos at hindi rin siya nakaka-kain ng maayos dahil na rin puru problema ang dumadating, pero buti na lang at nanjan si Tito Den para kausapin si Papa. Sinasabi nitong malalagpasan din namin ang mga pagsubok sa buhay.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Tito Mike, tumango naman si Papa at sumensyas na sa labas sila ng bahay mag-usap. Naiwan naman sa amin si Leanne at Jayden dito sa loob. "Ate, I heard that Tita will sleep for a long long time, is that true" tanong sa akin ni Leanne at napatingin sa kabaong ni Mama, yumuko ako para makapantay siya at pinipigilang huwag umiyak. "Yes, Leanne" sagot ko habang may pumatak na hula, agad namang pinunasan ito ni Leanne dahilan para mapangiti ako sa kaniya. "Don't worry Ate, we are all here naman for you" tumango lang ako sa sinabi niya.
"Ate sino siya?" tinuro niya si jayden. Napangiti naman si Jayden. "Ako si kuya Jayden, best friend ng ate Mira mo" saad ni Jayden, ngumiti din siya sa akin kaya ngumiti na din ako pabalik. "And the other guy ate, where is he na?" nag-taka naman kame ni Jayden.
"Leanne sinong sinasabi mo?" tanong ko sabay tayo. Wala namang ibang tao dito kundi kame lang. "Him" napatingin kame ni Jayden sa tinuro ni Leanne. Nanlaki ang mata ko ng tinuro niya si Wayde!!! "Is he your boyfriend ate, I saw him kanina, siya yung ang tumawag sa inyo" patuloy ni Leanne, nakakakita din si Leanne ng multo!!

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...