{Part-5}
"Ms. Morales" natauhan ako nang sinigawan ako ni ma'am Celes, ang pinakamasungin sa lahat ng teacher, well pare-pareho sila nila sir Franco, at ma'am Celine. "P-po?" pinagtinginan na'ko ng mga classmates ko, dahil hindi ako nakikinig "Can you explain our lesson?" sabi niya na ikinalunok ko tinignan ko ang blackboard at ni isa wala akong maintindihan, kase Math, ang pinaka-ayaw kong subject sa lahat. Pinilit ko na ding intindihin ito pero sa huli mali-mali pa din ang sagot ko.
"See your not listening!!, ok class, 1 minute before your recess and you Ms. Morales, in my office" naka taas kilay na sabi ni ma'am "Yes ma'am" maagap kong sagot, sana pagalitan lang ako at huwag na ipatawag sila mama at papa, talagang malalagot ako neto.
Naglalakad na'ko ngayon papunta sa office ni ma'am Celes, mauna na raw ako dun kase may pupuntahan lang siya saglit. Papasok na sana ako ng may tumakip sa mata ko "Vannah huwag ngayon" walang gana kung sabi pero hindi niya tinanggal "Vannah sabi---" hindi ko na yun natuloy kase nag salita siya "Hi mirabelle" gulat akong napatingin kay Seymour?!!! "Ahh Seymour ikaw pala, ano meron?" tanong ko at sinubukan kung ngumiti, hindi talaga ako komportable na kinaka-usap ako ng iba lalo na siya. Napapatingin din ang mga students sa amin.
"Ahh wala naman I just need to give you this" saad niya sabay kuha ng panyo sa bulsa niya, panyo ko yun ha "Paano na punta 'to sayo?" tanong ko naman sabay kuha ng panyo, kaya pala wala sa labahan "Nung nahimatay ka naiwan mo sa clinic, and I was going to give it to you, when we bumb last last day but you're in a hurry, kaya nakita kita ngayon kaya yan" nakangiti niyang sabi, napatango na lang ako at ngumiti din "Salamat"
"May sasabihin ka pa?" dagdag ko dahil hindi pa siya umaalis panay tingin na rin ang mga other student sa amin, lagot talaga pag si Lily and her minions ang dadaan. "Actually magpapatulong sana ako about something" napakunot ako magpapatulong saan? Posible naman kung sa lesson namin ang talino niya kaya "About---" hindi na niya yun natuloy kase dumating si ma'am Celes.
"Ahh good morning ma'am" nakangiting bati ni seymour, ngumiti naman si ma'am Celes, may tsismis na may gusto raw si ma'am Celes sa dad ni Seymour ehhh, balo rin naman yung dad niya "May kailangan ka ba Seymour?" magiliw na tanong ni ma'am celes na para bang nanay na nagtatanong kung ano ang gusto ng anak niya.
"Ah I need to talk to Mirabelle ma'am about something--" napatigil siya at napatingin sa akin tinignan ko naman si ma'am Celes na naghihintay rin ng sagot "About something important" tuloy ni Seymour, napatango naman si ma'am Celes at ngumiti "Ok you can go now mirabelle, next time na lang tayo mag uusap" ngiti ni ma'am hindi naman ako naka pagsalita agad, parang tigre lang si ma'am kanina tapos ngayon parang muning na. Magsasalita sana ako ng mag salita si Seymour.
"Thank you ma'am, mirabelle let's go" ngumiti na lang ako kay ma'am at tumango, sumunod na rin ako kay seymour.
"Grabe parang tigre kanina si ma'am tapos nung dumating ka para na siyang muning" sabi ko ng may ngiti sa labi, kumakain kame ngayon sa roof top ang awkward nga eh kame lang,pero mas nakaka ilang kung sa canteen kame mag re-recess marami kayang cctv-ing naka bantay sa amin este kay Seymour. "Bakit ayaw mo sa canteen tayo mag recess?" tanong niya napatigil ako sa pagkain, iniisip ba niya na gusto kung maki pag date sa kaniya. "Mali yang iniisip mo, marami lang kasing cctv sa canteen, dito lang ang pinaka safe na lugar para mag-usap ang isang kagaya mo at isang katulad ko, teka ano ba ang kailangan mo?" napakurap si seymour ng ilang beses teka masyado bang mabilis ang pagkakasabi ko napatikhim siya bago nag salita.
"Ah kase it's about...." napatigil siya at nag isip kung sasabihin niya ba o hindi "About a girl" dagdag niya na ikinakunot ng noo ko "Girl? oh ano connect ko dun" sabi ko at inubos yung natitira kung yakult, napahinga siya ng malalim "Ang laki naman ng problema mo about sa girl na yan, well sorry you ask the wrong person kung girl lang ng pag uusapan wala akong ka close kung si Lily ang gusto mong ligawan hay nako huwag ako, iisa lang ang....." napatigil ako ng marealize ang gusto niyang sabihin tinignan ko siya at hindi na siya makatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
THE WHITE SMOKE GHOST
Teen FictionMay isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan niya at iisa lang ang tanging kaibigan niya sa school. Sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang...